Breaking 7 - Cry Just a Little

257K 5K 189
                                    

*Arlene's POV*

Sinundan ng mga mata ko ang dalawang taong patungo sa ikalawang palapag ng bar.  Wala mang karapatan, hindi ko napigilang mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ano ba ang ipinaglalaban ng pusong ito? Wala naman  siyang ipinangako pero bakit pakiramdam ko pinagtaksilan niya ako?

Gusto ko silang sundan.  Gusto ko silang pigilan pero ano ba ang karapatan ko?  Mas lalo lang lalala ang lahat.  Mas lalo lang niya akong lalayuan.

"Huwag kang umiyak," naalala ko ang sinabi ni Patricia, "ang pag-iyak ay sinyales ng kahinaan mo. Ito ang nagpapalakas ng kalaban."

Huminga ako ng malalim at bumalik sa pwesto.  Ayaw niya sa akin dahil sa tingin niya inosente ako. Ayaw niya sa mga pa-virgin effect dahil ang gusto niya ay yung malalandi.  Huminga ako ng malalim at tumingala sa taas upang pigilan ang pagtulo ng panibagong mga luha.

Fine! Gusto niya ng malandi? Eh di magpapakalandi ako.  I'll show him how I can be the bit-chiest bi-tch he'll ever meet.  I need to release this negative vibe. Tama si Patricia, isang masamang enerhiya lang ang nagdudulot ng pag-iyak ng isang tao.  Kaya dapat pakawalan ito sa pamamagitan ng pagpapagod sa sarili upang hindi na kailangang umiyak pa.

Nakita kong naghahanda na si Dessa para sa flairing exhibition.  Huminga ako ng malalim.  Isa sa mga dahilan kung bakit sa bar ko naisipang mag-OJT ay dahil ako ang pinakamagaling sa flairing exhibition sa batch namin.  I even the latest flaring competition, women's division. 

Tumabi ako kay Dessa at naghanda rin ng mga kakailanganin ko.  Tumingin si Dessa sa akin at agad niyang naintindihan ang pakay ko.  Ningitian niya ako saka sumenyas sa DJ na ipatugtog ang musikang gagamitin namin.

Unang sumabak si Dessa: pinagulong niya ang baso sa kanyang kamay saka ito inihagis sa ere habang kumuha siya ng yelo. Inihagis niya ang bote ng alak sa ere habang hawak ang isang baso.  Pinaglaruan niya ang dalawang hawak — juggling style — bago nagbuhos ng alak sa baso.  

Agad kong sinimulan ang pag-juggle ng dalawang bote ng alak pagkatapos niyang magsalin ng alak sa baso. Idinaan ko sa likod ang paghagis ng isa habang pinaikot sa ere ang isa. Nang matantya ko na ang tamang tiyempo, isinali ko ang isang baso. Ilang sandali kong pinaglaruan ang dalawang bote at baso bago ako nagsalin ng alak sa baso.

Kinindatan ako ni Dessa bilang senyales na sabay kaming magsisimula muli.  Tumango ako sa kanya kaya sabay kaming naghagis muli ng bote ng alak at ilang sandaling pinaglaruan ang pagjuggle nito.  Tinapos ni Dessa ang exhibition niya sa nesting position kung saan nakapatong ang bote ng alak sa baso habang snatch naman ang ginawa ko kung saan sinalo ko ng baso ang boteng kakatapos lang sa pag-ikot sa ere. 

Nagsimulang mag-ingay ang mga tao dahil sa ginawa namin kaya mas lalo akong ginanahang magflair.  May ilang costumers ang naglabas ng pera para hamonin kaming uminom ng isang baso bago sumabak sa isa pang flairing exhibition.  Sanay ako sa alak pero sa pagkakataong ito gusto kong malasing kaya kahit walang nagbibigay ng bayad, sinamantala ko ang libreng pag-inum sa alak sa bawat break namin.

"Arlene, sumubra na ata ang pag-inom mo," bulong ni Dessa.

"Kaya ko pa," saad ko.

"Sabi yan ha," sabi niya bago kumuha ng isang shot at nilunok ito.

Hindi ko siya pinansin pero kahit naramdaman ko ang konting hilo, nilagok ko pa rin ang alak sa shot glass na nasa harap ko.  Nag-init ang buong katawan ko. Kasabay ng pagsayaw ng ilaw ang pag-ikot ng aking paningin.  Hindi pa ako nalasing dati pero wala na akong pakialam.  Inakyat ko ang bar na lalong nagpaingay ng mga customer. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko malaya akong nakakagalaw ngayon.  Pakiramdam ko, kahit ano ay pwedi kong gawin.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Kde žijí příběhy. Začni objevovat