Broken 7 - The Beast Inside

217K 3.8K 245
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.


*Arlene's POV*

Alas onse pa lang ng gabi pero wild na ang mga tao sa bar. Maliban kasi sa kakatapos lang ng mga exams ng college students, long weekend din kasi kaya marami ang napaagang magpunta sa bar. Abala si Dessa sa mga orders habang marami namang inasikaso si Quinn, napairap naman ako sa co-manager ko. Abala nga siya sa mga nag-oorder na customers pero malalanding babae naman ang nakapaligid sa kanya. Walang imik na lang akong tumungo sa counter upang tumulong na rin sa pag-aasikaso ng mga orders.

"Ma'am Arlene," hinihingal na lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan namin, "nagkaproblema po yung banda. Malelate daw po ang female vocalist nila kaya hindi sila agad makapagsimula."

Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid ng bar habang tinatantya ang mood nito. Halatang nainip na ito kaya kailangang simulan na ng banda ang pagpapatugtog.

"Ano ba ang mga kakantahin nila?" tanong ko.

"Acoustic ata, Ma'am," sagot niya.

"Sabihin mo ako na lang muna ang kakanta habang wala pa ang vocalist nila," saad ko saka ibinalik ang hawak kong baso, "Geallan, take over ka muna dito," tawag ko sa isang nag-OJT sa bar.

Agad akong lumapit sa stage at pumili ng mga kantang kaya nilang patugtogin. Nang makapili na, tumingin ako sa kung nasaan si Mago at lihim na nagdasal na sana ay manood siya.

" This is more than the typical kinda thing. Felt the jones in my bones when you were touching me, uh oh. Didn't wanna take it slow," una kong kinanta ang Brokenhearted ni Karmin. Sinusulyap-sulyapan ko naman si Mago habang kumakanta ako pero laking dismaya ko dahil natapos ko ang unang kanta na hindi man lang ako nilingon.

Agaw pansin naman ang isang costumer na sumasayaw-sayaw sa harap ko. Lalapitan na sana ito ng bouncer pero sumenyas ako na hayaan ito. Naisip ko lang na baka sa sobrang manyak ng lasing na customer ay pwede ko siyang magamit upang pagselosin si Mago.

Tumango ako sa guitarist hudyat na sisimulan ko na ang pangalawa kong kanta, Habits by Tove Lo.

"You're gone and I gotta stay high all the time to keep you off my mind, Ooh-ooh, ooh-ooh," kanta ko sa chorus habang mas lalong nagpakitang gilas ang lasing na customer na halos idikit na ang kanyang katawan sa akin. Noong una ay nakayanan kong sakyan ang trip niya pero nagsimula na akong kinabahan noong naging agresibo na ito kaya sobra akong nagpasalamat nang malaman kong dumating na ang female vocalist ng banda.

Bumaba ako ng stage sa pag-aakalang lulubayan na ako ng lasing na customer pero sumunod ito sa akin.

"Hey babe," saad niya habang nakayapos ang kamay sa baywang ko.

"S-sir, lasing na po kayo," pilit akong lumayo sa kanya.

"Customer ako dito! Babastosin mo ba ako?" saad nito.

"Menard, bitawan mo na siya," saad ng kasama niya, "pasensiya na miss, brokenhearted kasi 'to kaya nalasing."

"Okay lang," saad ko sa kasama niya pero mali ata ang pagkakaintindi ng lasing na manyak.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon