Bliss 9 - H.O.P.E (Hold On Pain Ends)

235K 3.8K 167
                                    

*Arlene's POV*

Nagkasundo ang mga lalaking magtipon sa harden habang hinila ko naman si Semira upang sumama sa amin sa veranda.

"Sem," saad ko, "dito ka na lang muna sa amin."

"Ay bakit?" tinaasan ako ng kilay ni Sem, "natakot kang landiin ko si sugar? Huwag kang mag-alala, si sarhento ang pakay ko."

"Hindi naman yan," saad ko, "gusto din kitang kausapin."

"Para saan?" kunot noong tumingin sa akin si Semira.

"Napapansin ko kasi na sobra-sobra ang pagpapansin mo kay Dee-vyn," saad ko habang sinulyapan si Dessa na nakikinig lamang.

"Oh eh anong problema dun?" nagkibit balikat si Semira, "wala ka namang gusto sa sarhento ko di ba?"

"Semira," napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Sem, "babae ka kasi."

"Bakit?" mataray niyang saad, "kapag babae ba walang karapatang manligaw?"

"Hindi naman sa ganun," saad ko, "ganito kasi," napakagat ako ng labi habang iniisip kung paano ko ipapaintindi sa kanya ang nais ko sanang sasabihin, "pagtotoong interesado sayo ang lalaki, hindi mo na siya kailangang habulin."

"Talaga? Kasi ang alam ko hinabol habol mo si Mago ng ilang taon," napahalukipkip si Semira.

"Well," napahilot ako sa aking noo, "I was young and naive then. Akala ko kasi tama ang ginagawa ko."

"Pero naging asawa mo si Mago at yan nga oh," tinuro niya ang tiyan ko, "may bunga ang paghahabol mo sa kanya."

"Hindi mo alam ang sakit na pinagdaanan ko," saad ko, "Sem, masayahin ka at napakapositibo mo sa buhay. Ayokong matulad ka sa akin. Ang mga lalaki, ipinanganak na sila ang maghahabol sa babae."

"Pero minsan kasi ang lalaki parang kabayo," saad ni Sem, "diretso ang tingin kaya nangangailangan din tayong kumilos para naman mapalingon din ang kabayo sa ibang damo minsan."

"Pwede ka naman magpapansin," nagkibit balikat ako, "simulan mong magpapansin pero kapag nakalingon na sayo, siguro naman, dapat nang kumilos ang lalaki."

"I mean," saad ko, "di ba parang obvious na kapag napansin ka na nga niya pero wala pa ring effort mula sa kanya? Look at him and look at yourself. Binibigay mo atensyon mo sa isang taong hindi ka naman pinapahalagahan. Isn't it pretty obvious? Kung talagang may nararamdaman siya sayo, hindi mo na kailangang habulin siya lagi dahil kusa siyang mag-eeffort para iparamdam sayo na importante ka. He does not have to act like he is some sort of celebrity na kinakapos ng oras para sa isang tagahanga na katulad mo."

"Pero paano kung sa pagtalikod mo ay hinabol ka niya?" tanong ni Semira.

"Then that's your cue pero dapat mag-effort siya. Dapat niyang malagpasan ang effort na nagawa mo kanya," agad sagot ko.

"Eh paano kung yan ang gawin ni Mago?" tumaas ang isang kilay niya, "pagbibigyan mo ba?"

"Semira, iba ang pinag-uusapan natin dito," saad ko.

"It is all the same Arlene Mejorada Concepcion. You cannot deny the fact that you have to think of the reason why you held on before you decide on giving up!" napahalukipkip si Semira, " a-ang ibig kong sabihin, pare-pareho lang yun saka ang dami mo nang pinagdaanan kaya isipin mo muna bago ka bumitaw."

Hindi ko alam pero nung magsalita siya kanina, nakaramdam ako ng kakaiba kay Semira. Alam kong imposible pero naiisip kong hindi siya karaniwang entertainer lang sa club. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ko siya agad nakilala nung magpalit siya ng wardrobe. Iba ang kutob ko, pakiramdam ko isa siyang mayamang babae na nagpapanggap lang. Kung ano man ang dahilan niya, sana hindi yun dahil sa gusto niyang mapalapit kay Dee-vyn.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon