Broken 8 - Lights Fade Out

238K 4K 431
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.

*Arlene's POV*

Napahilot ng sentido si Mago dahil sa financial report na ipinasa ko sa kanya. Mula kasi noong nagbukas ang isang bar malapit sa amin, nahahati ang atensyon ng mga customers. Pumupunta pa rin naman ang mga customers sa amin pero madalas sa kanila ay nagbabar hopping na. Hindi katulad ng dati na dito sila agad dumidiretso hanggang umuwi sila kinabukasan.

"We need something more interesting than merely serving drinks," mahina niyang sambit pero naririnig ko siya.

"Yun din sana gusto kong pag-usapan natin," saad ko, "napirata ng kabilang bar ang ibang bandang regular na nagpapatugtog dito sa atin."

Pabagsak siyang humilig sa swivel chair niya habang kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "kailangan nating magkaroon ng bagong line-up of performers."

"Ano ang suhestiyon mo?" nagulat ako dahil hiningi niya ang opinyon ko kaya agad akong sumagot.

"Sikat ang kaibigan mong si Kaz, why don't you arrange a mini concert sa bar para makahatak ka ng mga customers," saad ko, "let's reach out to our connections also. Narinig ko na magkakaroon ng homecoming ang St. Mary's University. I am sure gugustohin nilang makita na tumugtog muli ang Adonis band doon. You can arrange for your band to perform and in return, exclusive na tayo ang magprovide ng drinks sa homecoming."

"I like that idea pero pangmadalian lang ang mga yan," saad ni Mago, "after the those events, babalik tayo sa square one. We need to have a regular feature sa bar na siguradong babalik-balikan ng mga customers."

"Di ba Hombre Y Mojer ang pangalan ng bar?" napaisip ako, "Ano ba ang ibig sabihin ng pangalan ng bar mo?" tanong ko.

"Hombre Y Mojer?" saad niya, "It is the Spanish for Man and Woman."

"Nice!" napangiti ako sa naiisip ko, "why don't we have a gender battle every Saturday?"

Napansin kong naging interesado siya sa sinabi ko kaya lumapit siya sa mesa, ipinatong ang siko at pinagsaklop ang mga kamay, "keep talking."

Ngumiti ako saka nagpatuloy, "It is like a battle of the sexes kung saan isang babae at isang lalaki ang gagawa ng hamon. We can even make more money by engaging people to make a bet."

"At sino naman ang may lakas na loob para gawin yan?" tanong niya.

"Bakit hindi na lang kayo?" sabat ni Dessa.

Nagtama ang mga tingin namin saka siya nagsalita, "So we will just do dares and that's it?"

"Well, it's a challenge so dapat may prize," saad ko.

"At ano naman ang prize?" tanong niya ulit.

"Pwede tayong mag-usap ng pwedeng maging premyo if ever one wins," saad ko.

"Okay," nagdekwatro siya ng paa, "dalawang araw na lang para magsabado, anong gender battle ba ang gagawin natin?"

Bahagya kaming natahimik saka umimik si Dessa, "how about a flairing competition?" suhestiyon niya.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon