Breaking 13 - Too Close

249K 4K 167
                                    


*Arlene's POV*

Kabado kong nilakad ang hallway habang nakasunod siya sa likod ko. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang pagkalakad ko o okay lang ba ang suot ko. Nakakailang din kasi ang katahimikang kanina pa bumabalot sa aming dalawa. Ngayong araw namin napagkasunduang lumipat ako sa condo niya. Maaga niya akong sinundo kanina dahil sabi niya may lalakarin pa raw siya, ibig sabihin, maiiwan akong mag-isa sa condo niya.

Huminto ako sa tapat ng condo. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman kong lumapit siya sa akin. Bahagyang nagdampi ang likod ko at ang matipuno niyang dibdib. Naamoy ko ang bango niya habang naramdaman ko naman ang pasimple niyang paglapat sa buhok ko. Simpleng bagay lang naman ang gagawin niya, ang pindotin ang code ng condo niya upang mabuksan ang pinto pero bakit ganito pa kaseksi ang dapat mangyari?

Pilit ko binubura sa isip ko ang anumang kahalayang naiisip ko. Sabi ni Patricia dapat ipakita kong manhid ako sa lahat na paglalandi niya. Dapat kunwari normal lang sa akin ang lahat at dapat kunwari hindi ako apektado kaya pinipigilan ko ang sarili ko sa paglunok o kahit pagbuntong hininga man lang.

Agad akong kumilos papasok ng condo nang mabuksan na ang pinto. Tahimik naman siyang sumunod sa akin. Nakapunta na ako dito kaya alam ko na kung saan tutungo.

"Saang silid ako papasok?" tanong ko.

"If you are naughty, go to the left," kahit nakatalikod ako, alam kong suot niya ngayon ang pilyo niyang ngiti, "If you wanna be naughty, got to the right, that's my room."

Gumulong ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. Kahit kailan talaga, malandi talaga itong kasama ko. Sana nga lang makayanan kong hindian ang kalandian niya. Humakbang ako patungo sa tinutukoy niyang kwarto ko at naramdaman ko namang sumunod siya.

"Mago," hinarap ko siya nung napansin kong pumasok din siya sa kwarto, "may kasunduan tayo, di ba?"

"Bakit?" ngumiti siya ng matamis, "ipinasok ko lang naman ang gamit mo sa kwarto mo ah. Ano ba ang iniisip mo?"

Oo nga naman pala, napahiya ako dun ah. Tumikhim ako saka ako nagsalita muli, "iwan mo na lang diyan. Ako na ang bahala."

"Nope, malayo pa ang closet. Ang bigat kaya nitong gamit mo," saad niya saka dumiretso sa closet.

Sinundan ko na lang siya pero laking gulat ko nang bigla nalang niyang nilapag ang maleta ko at binuksan ito.

"Mago!" sigaw ko habang pinigilan ang pagbukas niya ng maleta.

"Bakit? Tutulongan lang naman kitang mag-ayos ah," sabi niya habang pinipigilan ang kanyang pagtawa.

"Hindi nakakatawa!" inirapan ko siya.

"Hayaan mo na kasi akong tulungan ka," saad niya.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon