Breaking 5 - In Love With You

311K 5.5K 92
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

 *Marco’s POV*

Ang kitid talaga ng mga utak ng mga babae.  Sila tong lumalandi at nagpakagat pero kung kagatin naman gusto pang isubo ang lahat. I was just only tasting the goods that she offered pero wala akong balak kipkipin ang lahat.  Dahil sa sobra pa lang umasa, hindi kami sinipot ng dapat sana’y kapares ko bilang wedding singer.  Ilang araw kasi kaming nagpractice ng mga kakantahin at siyempre, ano pa ba ang pweding mangyari kapag ang babae nagpakita ng motibo.  Alangan namang ipagkait ko ang biyaya ng Diyos?

Mago,” inis na sambit ni Libra, ang pinsan ni Stuart na bestfriend ni Natasha, “Ano na? Sino na kakanta para sa wedding entourage?

”I-sosolo ko na lang,” saad ko.

”Sira ka ba? Pang-duet ang kakantahin niyo at isa pa, bakit ba bigla na lang itong nag-back out?” nagsalita si Libra, ”okay naman siya sa rehearsals natin noong isang araw, ah!

Kami na ang bahala dito, Libra,” to the rescue si Marco.

Lang’ya, Pare, hindi mo man lang hinintay na matapos ang kasal bago mo siya pinakawalan?” dismayadong saad ni Marco, “okay naman kayo kahapon ah.  Bakit bigla na lang yun hindi sumipot? Ano ba ang nangyari sa inyo kagabi?

Wala,” nagkibit balikat ako, ”Hinatid ko lang siya sa condo.”

Ayun!” pang-aasar ni Kaz, ”kilalang-kilala ka na namin Mago.  Hindi pweding walang nangyari kung hinatid mo lang siya sa condo.  Naka-ilang round kayo, Pare?

Ulol!” nagsalita si Stuart, ”may problema na nga tayo, kalokohan pa rin yang iniisip mo.

Ang init ng ulo mo Stuart,” pang-aasar ni Kaz, ”lemme guess.  Hindi ka pa nakaka-score kay Patricia.”

Tama na nga yan!” dumating si Libra, ”may nakita na ba kayong papalit sa wedding singer na hindi sumipot?

Mago, may kilala akong wedding singer na pweding pumalit sa hindi dumating,” sabat ni Janine.

Ayan meron naman palang pwedeng pumalit,” agad sinabi ni Libra, “dalhin mo na siya dito at nang makapagsimula na tayo,” utos niya kay Janine.

Kinakabahan akong sinundan ng tingin ang pag-alis ni Janine.  Sana hindi siya ang makakapares ko.  Hindi ko alam pero parang hindi ako handang makaharap siyang muli.

*Arlene’s POV*

Tatlong linggo akong lutang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakatabi ko si Mago Concepcion sa iisang kama.

Kasama ko ngayon sina Janine at Patricia sa kasal ng kuya ni Marco.  Ang totoo, para akong gate crusher dahil kahit imbitado ako, wala akong masyadong nakakausap. Hindi naman kasi ako pinapansin ng dapat sana ay ka-date ko.  Mabuti pa itong si Patricia, kahit malamig sa kanya si Stuart, at least, sinasamahan pa rin siya nito.  Si Janine naman, ayun, kinareer ang pagiging hilaw na sister-in-law kaya busing-busy siya ngayon sa pag-aasikaso sa kasal ni Kuya Mark at Natasha.

Tahimik lang ako sa gilid ng garden kung saan ginanap ang garden wedding nang bigla na lang akong hatakin ni Janine, ”Ito na ang chance mo, Arlene,” saad niya.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon