Broken 2 - Beautiful Destruction

238K 3.9K 273
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Arlene's POV*

Naunang umalis si Mago, hindi man lang ako niyayang sumama sa kanya; iisang party lang naman ang pupuntahan namin ah. Mabigat sa kalooban kong tumawag muli ng taxi para magpahatid kina Janine. Napabuntong hininga na lamang ako. Mas mahirap kasi ang sitwasyon ko ngayon. Kung dati'y hindi lang niya ako pinapansin, ngayon, may kasama nang galit ang bawat katagang sinasabi niya sa akin.

Konti pa ang tao nang dumating ako sa bahay nina Janine. Agad kong pinalibot paningin ko sa buong buhay, nagbabasakaling makita ko si Mago pero wala siya.

"Hinahanap mo si Mago?" tanong ni Janine.

"Dumating ba?" balik tanong ko.

"Maghanap ka na nga ng iba, Arlene," saad niya, "yung manwhore nakikigamit ng guestroom, pumatol sa florist namin."

Agad namang kumirot ang puso ko nang makita kong bumaba sa hagdanan si Mago habang sinusuot ang butones ng kanyang suot na polo. Sandaling nagtama ang tingin namin pero parang wala lang sa kanyang nagpatuloy sa paglakad patungo sa mga kabarkada niya. Nakita ko naman ang pagdating ni Patricia kaya naisipan kong salubongin siya.

"Pat, kumusta?" sinabayan ko siya sa pagpunta sa kitchen. Sumunod naman agad si Janine sa amin. Pinag-usapan namin kung paano gagawin ni Janine ang sorpresa para sa asawa. Natawa na lang ako sa kaibigan ko. Hanggang ngayon adik pa rin kasi sa Wattpad.

Ilang sandali matapos namin mapag-usapan ang gagawing sorpresa ni Janine ay tinungo na namin ang harden kung saan gaganapin ang party. Tahimik akong nakaupo sa table malapit sa Adonises.

"Pare," narinig kong tinawag ni Kaz si Mago, "Kumusta ang Singapore?" naalala kong pumunta siya sa Singapore upang makipagkita sa mga amo kong investors. Sinadya kong hindi magpakita sa kanya noon. Hindi pa ako handa sa anumang sasabihin o gagawin sa akin, pero handa na ako ngayon. Buo na ang loob ko na paibigin siyang muli. Alam kong mabuting tao si Mago. He was just broken pero alam kong isang mabuti at mapagmahal na tao ang nagtatago sa maskarang suot niya ngayon.

"Balita ko maliban sa pag-aasikaso ng negosyo ay abala ka pa rin sa pakikipag-date ng mga modelo," pagpapatuloy ni Kaz.

Narining ko namang tumawa si Mago saka sinabing, "Siyempre, Pare. Ayokong ma-bored."

"Lang'ya ka, Pare!" tumatawang saad ni Angelo, "Ginawa pa naman bang past time ang pambabae?"

Napahigpit ang pagkahawag ko sa pinggan. Nasasaktan ako pero ayokong sumuko. Wala pa akong nagawa kaya hindi pa ako susuko. Gagawin ko pa ang lahat na makakaya ko para maibalik ko ang dating sweet at mapagmahal na Mago.

'Mago,' bulong ko sa isip ko, 'alam kong darating ang araw na mapapagod ako pero kapag dumating yun, sisiguraduhin kong hindi ko pagsisisihan ang pagsuko ko dahil sa araw na yun, masasabi kong ibinigay ko na ang lahat.'

Narinig naming nagsalita si Jannah, ang kapatid ni Janine. Sabay-sabay naman kaming napalingon sa mini stage na nilagay sa harden. Tinawag niya si Mago upang pakantahin ito. Pinaunlakan naman siya ni Mago kaya tumayo ito at tinungo ang listahan ng mga kanta. Ilang sandali pa ay tumugtog na ang magic sing at nakita kong kinanta niya ang "Push" by Matchbox20.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon