Breaking 2 - The ManWhore Moves

365K 5.7K 388
                                    

AN: Weeeeheee!!! Salamat po sa 1000 reads within four days!!! Pinasaya niyo ako kaya nag-UD ako ngayon. Hehehe (Arlene Mejorada on the media below this... hindi ko na kasi mapalitan yung nakalagay sa taas)

 hindi ko na kasi mapalitan yung nakalagay sa taas)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*Arlene's POV*

"Umayos ka jan, Mago, ibahin mo si Arlene sa lahat ng babae mo dahil hindi siya katulad ng iba," natawa ako sa sinabi ni Patricia dahil parang siyang nanay ko kung makaasta .

Hay, ang bad ko pala.  Eto ako, naiinis kay Patricia samantalang napakamaalaga naman nito sa akin.  Oo na, ako na ang insecure.  Paano naman kasi, nakakaya niyang pagalitan si Mago my love samantalang ako, ngitian lang ni Mago natameme na agad.

"Don't worry, Pat. I know how to take care of her," kinuha niya ang kamay ko saka ito hinalikan. Da-mn! Did he just seduce me? Because I think it worked big time.

Tumikhim si Patricia, "ayokong ipaalam ang plano kong 'to kaya inarkila ko ang private room na'to para dito ko kayo ipapakilala pero wala itong bahid na kalaswaan kaya you better behave Mago Concepcion."

"Aye aye boss!" nag-hand salute siya kay Patricia at ngumiti ng napakamatamis.  Sana ganun din siya ngumiti sa akin.  Hindi kasi niya ako napapansin sa school.  Matagal ko na kasi siyang kilala pero ni minsan hindi niya ako pinapansin. 

Magkasama kami sa music club noon sa high school.  Hindi siya babaero nung una ko siyang nakilala.  Nakasalamin siya, sobrang seryoso at sa magkakabarkada, siya lang ang hindi lumalandi sa mga babae.  Naalala ko tuloy ang unang beses naming pag-uusap.

"Excuse me, may practice ba ang music club mamaya?" tanong ko sa kanya.

"Maybe," sagot niya na hindi man lang lumingon sa akin.

Isang beses lang yun pero yun ang pinakamemorable dahil kadalasan hindi siya sumasagot kapag may nakikipag-usap sa kanya na babae. 

Dahil sa sobrang high-profile ng mga Adonis band members, ipinagkasya ko na lang ang sarili ko na titigan siya sa malayo. Makita ko lang siyang nakipagtawanan kasama ang barkada niya, solve na solve ang buong araw ko.  Hindi ko rin pinalalagpas ang lahat na performances nila dahil isa talaga ako sa mga fangirls niya kaya ganun nalang ang pagkalugmok ko nang malaman kong naging nobya niya si Ailene Mercado. 

Abot lupa ang sikamod ng nguso ko sa tuwing nakikita ko silang masaya. Akala ko nga hindi sila maghihiwalay kaso nagulat ako nang malaman ko na nawala na lang bigla si Ailene at saka naging playboy na daw si Mago.

"Do you want something to drink?" nabalik ang wisyo ko dahil sa tanong niya.

"Uhm yeah," nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Timid eh?" ngumiti siya saka inabot sa akin ang isang bote ng beer, "inumin mo 'to para pampa-confidence."

"Thank you," sagot ko.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon