Bliss 8 - Devoured Tears

242K 4K 214
                                    

Dedicated to Allexis Grace Wright. Happy Birthday

*Mago's POV*

Naririnig ko ang tawanan nina Dessa at Quinn sa may harden. Dapat sana ay nandun din ako dahil ako ang nagyaya sa dalawa ng inuman ngunit mas pinili ko ang sundan si Arlene. Ngayong alam ko kung ano ang nagtulak sa kanya upang sumuko, mas dapat akong magsikap na patunayan sa kanya na mali ang inakala niya. Alam kong hindi madali ang gagawin kong ito pero hindi ito ang oras upang panghinaan ako ng loob. Mahal ko si Arlene, sigurado ako diyan. Wala na akong ibang hinangad ngayon kundi ang buohin ang pamilyang kailanma'y hindi ko naranasan noong bata pa ako.

Hindi ko man alam kung paano maging mabuting ama sa anak ko, alam ko sa puso ko na mahal ko ang mag-ina na at hangga't maaari, ayokong maranasan nila ang pait ng buhay na naranasan ko noon.

"Arlene, pakinggan mo ako," saad ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Pwede ba, Mago," saad niya na hindi lumingon, "pare-pareho lang tayong nasasaktan sa ginagawa mo."

"Arlene, please," niyakap ko siya mula sa likod.

"Mago tama na," umiiyak siyang nagpupumiglas mula sa pagkayakap ko.

"Pakinggan mo muna ang sasabihin ko," isiniksik ko ang ulo ko sa pagitan ng kanyang leeg at balikat habang mas hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa kanya.

"Nangyari na ang lahat," mariing niyang saad ngunit alam kong may halong lungkot ang tinig niya, "nasabii na natin ang dapat sabihin."

"I love you. Arlene, please pagbigyan mo ako ngayon," pagsusumamo ko, "magsimula tayo hindi lang para sa atin kundi para sa anak natin."

"Ayoko na, Mago," humahagulhol siya, "napagod na ako."

"Then let me be your strength," bulong ko sa tenga niya.

Parang pinupunit ang puso ko habang pinakikinggan ang hikbing tanging sagot niya sa saad ko. Hindi ko naman alam kung paano ko mapapawi ang sakit na alam kong ako ang nagdulot sa kanya. Gusto kong akuin ang sakit. Kung pwede nga lang niyang ibigay sa akin para ako na lamang ang masasaktan. Ngayon ko nalaman na ang pinakamasakit na parusa sa lahat ay ang makita ang mahal mo na nasasaktan dahil sa kagagawan mo. Ito ang pinakamatindi dahil wala kang magagawa upang maibsan man lang ang sakit na nararanasan niya.

"Arlene,"pinaharap ko siya upaang magtama ang aming mga mata, "dahil sayo natuto akong muling magmahal. Dahil sayo naging buo ako kaya hayaan mo rin akong buohin ka."

"Matagal akong bumitaw dahil inakala kong kahit papaano'y pinapahalagahan mo ako. Inaasahan kong kahit papaano ay manghihinayang kang mawala ang relasyon na meron tayo pero pinaramdam mo sa akin na kahit anong gawin ko, hindi ako magiging sapat," saad niya.

"I was blinded by my anger, Arlene," sabat ko, "pero I now have the clear view of things at dahil yan sayo, dahil hindi mo ako sinukuan."

"I was complete when I met you, Mago," may halong galit ang pagkasaad niya kahit tumutulo pa rin ang kanyang mga luha, "Buo ang pagkatao ko at mahal ko ang sarili ko. Maganda ang tingin ko sa buhay at naniniwala ako sa pag-ibig. Ngunit noong minahal kita, nanliit ako sa sarili ko. Naramdaman ko kung gaano ako ka walang halaga. You broke me!" ramdam ko ang sakit mula sa mga salita niya, "dinurog mo ang bawat parte ng aking puso. Tinanggal mo ang bawat pag-asang meron ako para sa ating dalawa. Pinatay mo si Arlene Mejorada dahil ngayong bumitaw na ako, isa ka na lang lasaon na kailanma'y hindi ko na kakayaning lunukin; isa kang bangongot na habang buhay kong nais kalimutan. Para sa akin, isa ka na lamang naaagnas na bangkay na ninanais ko nang ibaon sa limot."

"A-arlene," wala akong ibang nasabi nang pumihit siya saka umakyat ng hagdanan. Ayokong sumuko pero parang mas sinasaktan ko siya sa tuwing gumagawa ako ng paraan.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon