Breaking 9 - Cool With You

261K 4.5K 227
                                    


*Arlene's POV*

Ininda ko ang sakit ng aking ulo dahil nabahala ako sa kadahilanang nagising ako sa isang silid na hindi ko kilala. Pilit kong inalala ang nangyari kagabi pero hanggang sa pagpapakitang gilas ko lang sa flairing exhibition ang naalala ko. Nagtaka din ako kung bakit isang malaking puting t-shirt na lang ang suot ko.

'Di kaya? Oh no, no, no!' sa isip ko habang agad akong bumalikwas, hinawi ang kumot at tinignan ang kama. Pigil sa hininga ang ginawa ko habang sinuri ang kabuuan ng kama. Sobra ang paggaan ng loob ko nang masigurado kong walang bakas ng dugo ito.

'Pero paano kung hindi dito nangyari?' pag-aalala ko nanaman, 'paano kung nangyari ito sa sasakyan o sa salas o sa kusina,' napahilot ako sa noo ko sa sobrang pag-aalala. Matatawag mang liberated akong mag-isip, inasam ko pa ring maging virgin para sa lalaking papakasalan ko. Dahil wala akong makitang ebidensiya ng pagkawala ng birhen ko, tinantya ko lang ang aking sarili. Pinakiramdaman ko kung ano ang masakit sa akin. Pabalik balik akong naglakad para masiguradong wala akong kakaibang nararamdaman.

Sa aming magkakaibigan, si Patricia lang ang nag-asawa pero sabi nga niya, hindi siya ginalaw ni Stuart nung una nilang gabi kaya sigurado akong wala siyang maisasagot sa akin kung sakaling tatanungin ko siya.

'Paano kung isang pangit na halimaw ang gumalaw sa akin at nabuntis ako?' napatakip ako ng bibig sa sobrang takot. Kung mabuntis man ako, mas gugustohin kong maging dalagang ina kaysa makasal sa isang pangit na halimaw.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Halatang mayaman ang nasungkit ko kagabi. Magara ang silid at halatang pinadesenyo talaga ito ng isang interior designer. Makikita mo rin ang kabuuan ng Makita sa dahil sa glass window.

'Nakikita kaya ako sa labas?' lumapit ako at nakita ko na ang building na ito ay napapalibutan ng buildings na mas mababa pa nito kaya imposibleng may nakakakita sa amin kung sakaling nagtalik kami dito na bukas ang ilaw.

'Nakikipagtalik ba ako kagabi?' nakaramdam uli ako ng kaba. Kung sinuman ang naka-una sa akin, sana kasing guwapo, kasing matipuno at kasing yaman ni Mago Concepcion.

'Mago Concepcion,' sambit ko sa isip ko, 'sana ikaw ang naka-una.'

Gustohin ko mang isipin na sana siya ang nakauna, alam ko namang imposible ito. Mago don't do virgins and he knew I was virgin from the beginning. Gusto kong umiyak pero bakit parang naging masaya ako? Siguro dahil naisip ko na sa wakas, hindi na ako iiwasan ni Mago dahil hindi na ako virgin.

Ilang sandali akong nakipagtalo sa isip ko dahil ang totoo, gusto ko nang lumabas at kilalanin ang lalaking nakasama ko kagabi. Lumipas ang halos kalahating oras nang napgdesisyonan kong mag-ayos sa sarili at maghandang umuwi na. Ayokong kilalanin ang taong nakasama ko kagabi. Tama si Mago, may tendency akong maging clingy. Mas mabuti na hindi ko kilala ang nakasama ko para madaling makalimutan ang kung anuman ang nangyari sa amin.

Agad kong tinungo ang main entrance nang makapaghanda na ako. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa itong bumukas as tumambad sa harap ko ang isang Greek God na naka shades, nakasuot ng puting t-shirt, naka faded jeans at may dalang take out galing sa McDonalds.

"M-mago?" wala sa sarili kong sambit.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"U-uuwi na," nakayuko kong sagot.

Wait? Was I just wearing his shirt this morning? Shoot! Ginawa na ba namin? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Nakakainis naman kasi. Kung nagawa man namin, sigurado akong hindi na yun mauulit pero ang pinaka-masaklap isipin ay yung wala man lang akong naalala, kahit yung kiss man lang.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon