Bliss 16 - R.I.P. Casanova

243K 3.4K 164
                                    


*Arlene's POV*

Nakangiti akong nakatingin sa salamin habang suot ang wedding gown ko. Hindi man ito ang unang kasal namin, excited pa rin ako dahil napag-usapan namin ni Mago ang gagawin naming wedding vow. Para sa akin, ang gagawin naming wedding vow ang pinakaromantic. Akma kasi ito sa totoong nangyari sa amin.

"Huwag mo silang sundan!" napalingun ako kay Semira na ngayon ay parang hindi mapakali, "sh1t!" napakunot naman ang noo ko nang marinig kong nagmura ito.

Hindi naman bago sa akin na nagmumura si Semira pero nabahala ako dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang nag-alala, "Sem?" tawag ko sa kanya, "Anong problema?"

"Arlene," bakas sa kanyang mukha ang sobrang pag-alala, "can I borrow your car?"

"Tungkol ba 'to kay Mago?" kinabahan akong nagtanong.

"Mago will be fine," saad niya, "just please let me borrow your car."

May kakaiba sa sinabi ni Semira kaya wala akong imik na binigay ko ang susi ng sasakyan ko. Mabilis niya itong tinanggap at agad na pumihit para lumabas ng inarkila naming suite room sa hotel nina Marco.

Ngayon ko napatunayan ang hinala ko. Imposibleng isang walang pinag-aralang babae si Semira dahil sa pananalita niya kanina, masasabi kong sanay siya sa lingwaheng ingles.

"Nasaan si Semira?" napatingin ako sa pinto kung saan nakita ko si Dee-vyn.

"Nagmamadaling umalis," agad kong sagot.

"Ano?" Hindi inis kundi pag-alala ang nakita ko sa mga mata ni Dee-vyn, "paano siya nakaalis? Saan siya nagpunt"

"She borrowed my car," agad kong sagot, "hindi ko alam na marunong pala siyang mag-drive."

Hindi kumibo si Dee-vyn pero nakita kong dinukot niya ang kanyang cellphone saka tinignan ang cellphone, "kanina pa pala nagmimiscall ai Mago."

"Narinig kong may kausap si Semira tingin ko si Mago yun. Parang may sinabi siyang huwag sundan," saad ko.

Nakita kong nagdial ng number si Dee-vyn saka nagsalita, "Sahig! I-on mo yung tracking device sa phone ni Semira. Tingin ko papunta siya sa kuta ng Yamano-Kai."

"Yamano-Kai?" hindi ko maiwasang mapatanong.

"Arlene, magtiwala ka. Kahit anong mangyari, hintayin mo si Mago. Sisiguraduhin kong makarating siya sa kasal niyo,"pangako ni Dee-vyn saka nagmadaling lumabas ng silid.

Nagugulohan at natatakot ako dahil sa mga kilos ng mga tao sa paligid. Gusto kong maniwala na magiging okay ang lahat pero nagingibabaw pa rin ang kaba na nararamdaman ko.


*Mago's POV*

BANG!

Kahit nadaganan ko si Semira, nakuha pa rin niyang magpaputok ng baril. Mabilis naman niyang pinagpalit ang aming posisyon saka sinigawan sina Dessa at Quinn, "magtago kayo!"

BANG! BANG! BANG!

Hindi ko na alam kung saan nanggaling ang ibang putok ng baril pero nagulat ako nang may isang hindi ko kilalang lalaki ang lumapit sa amin, "Semira! Umalis na kayo."

"Hindi mo sila kakayanin," narinig kong tumutol si Semira habang sabay kaming tumakbo upang magtago sa likod ng sasakyan ko.

"Kuya!" napalingon kami nang marinig namin si Dessa.

"Mago," saad ni Dee-vyn habang kumilos na ang mga pulis upang pasukin ang gusali, "umalis ka na. Hinihintay ka na ng bride mo. Kami na ang bahala dito."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon