Epilogue - The Bucket List

287K 3.3K 229
                                    

*Arlene's POV*

Nakasandal ako sa pader malapit sa pinto habang pinapanood ang mag-ama kong nagkukulitan.

"I want more, Dada!" pamimilit ni Kezia sa ama niyang halatang napagod na sa laro nila.

"It is time to slee, Zia," tumingin sa akin si Mago na para bang nagpapatulong na hikayatin ang makulit niyang anak upang matulog.

"No, Zia," agad kong saad, "tomorrow is your first day of school. You don't want to be late for your school, right?"

"But I am not sleepy yet," napasimangot ang bata.

"Mama is going to tuck you into bed while Dada is going to bring you your milk," pangungumbinsi ko sa anak namin.

"Okay," bagsak balikat itong napayuko kaya agad namang nagbago ang isip ni Mago.

"You know what?" saad ni Mago, "maybe we can have one more game with Mama and then you'll go to sleep."

"No," umiling ako habang tumayo, "Hottie, ayoko ko!"

Wala na akong magawa dahil disidido na silang simulant ang laro kaya agad pumihit upang makalabas na ng silid. Mabilis naman akong napigilan ni Mago at binuhat upang ihiga sa kama ni Kezia habang sinimulan naman ni Kezia na kilitiin ako.

"Stop! Stop!" tumatawa kong saad, "I can't breathe!"

Agad namang bumagsak sa gilid ko si Mago habang tumatawa namang niyakap kami n gaming muntik anghel, "maybe we should do the same for Dada, Mama," suhestiyon ni Kezia.

"Oh no you don't!" agad na bumangon si Mago upang pigilan ang mga kamay ni Kezia.

"Alright! Alright!" saad ng limang taong gulang na bata, "but can I have one bed time story?"

"I'll do it," suhestiyon k okay Mago.

"Okay, I'll get her milk," saad naman ni Mago saka lumabas ng silid.

Hindi ko masasabing naging madali ang lahat sa amin matapos lumipas ang apat na taon ngunit masasabi kong naging matatag ang relasyon namin sa bawat pagsubok na dumadaan. Hindi naman naging madali ang lahat sa amin dahil maraming pagtitiwala ang kailangan kong lunokin upang manatiling matatag ang relasyon namin. Aaminin ko, hindi madali ang maging asawa ng isang dating Casanova. Maraming mga babae sa kanyang nakaraan ang gustong makita na magiging katulad din nila ako.

Ngunit sa tuwing nasusubok ang aming pagmamahalan, Mago has always proven that he is the man he said he is on the day of our wedding. Kaya hindi ko rin siya pwedeng biguin. Gaya ng mga pangako namin sa isa't isa, gagawin namin ang lahat upang hindi matinag ang pagmamahalan namin para sa isa't isa.

"I think she is asleep," bulong ni Mago habang nagbabasa ako ng bed time stories para kay Kezia.

Nilingon ko ang bata at tama nga ang asawa ko, Kezia is sound asleep, "mukhang hinintay mo talaga na makatulog si Zia."

"Malapit na ang anniversary natin," pilyong ngumiti ang aking asawa, "don't you think it is time for us to bring out the bucket list?"

"Excited ka talaga pag yan na ang pag-uusapan," natatawa kong saad.

"Sino ba naman ang hindi?" nagkibit balikat siya, "I am always excited to try new things with you."

Noong gabi kasi ng kasal namin, naisipan naming ilista ang lahat na gusto naming subukan at gagawin namin yun na magkasama. We wanted to make memories and we have our lifetime to do it kaya napagkasunduan naming gumawa ng mga first time memories.

Our first wedding anniversary was to do the bungee jumping. Ito ang unang beses na sinubukan kong gawin ang extreme sports. Niyakap niya ako at pinaramdam niyang kasama ko siya at hindi niya ako iiwanan. Sabay kaming tumalon at kahit nakakabingi na ang pagtitili ko, Mago, my husband never let go of me.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon