Bliss 12 - The Way It Goes

233K 3.8K 417
                                    

*Mago's POV*

Pagod akong napahilig sa sandalan ng upuan pagkatapos kong mabasa ang text message ni Dessa. Hiningi ko kasi ang pangatlong sign na pinagbabasehan ni Arlene para sa pagbabalikan namin. Hindi ko inasahan ang pangatlong sign na naisip ni Arlene. Akala ko kasi makakabunos ako sa dinner date namin, yun pala, ang pangatlong sign na hiningi niya ay yung ako ang kusang maghahanda ng dinner date namin.

"Oh? Bakit magkasalubong ang kilay mo ngayon?" tanong ni Marco.

"Si Arlene kasi," inis kong saad, "akala ko makakapagpahinga ako. Akala ko reward ko yung dinner date, yun pala, kasali pa yun sa mga signs na ini-expect niya sa akin. Pangatlong sign daw ay yung kusa kong paghahandaan ang dinner date namin."

"Loko ka, pare," tumatawang saad ni Marco, "gusto mong suyuin ang asawa mo, di ba? Kaya dapat lang na ikaw ang maghanda ng date."

"Pero," tututol pa sana ako ngunit parang napagod na akong mangatwiran kaya bagsak balikat ko na lang sinabing, "may gustong kainin si Arlene, tulongan niyo na lang akong hanapin kung saan yun makikita."

"Anong pagkain ba yun?" tanong ni Marco, "baka alam ng mga chef sa hotels ko."

"Basashi," malimit kong sagot.

"I have never heard of it. I-memessage ko yung head ng kitchen namin," saad ni Marco.

"Thanks, pare. Kailangan ko rin kasing i-set-up ang bahay para sa gusting set-up ni Arlene," walang buhay na saad ko, "hindi ko alam na ganito pala ka nakakapagod ang suyuin ang babae."

"Pero worth it kapag mahal mo ang sinusuyo mo," saad ni Marco.

"Yeah, right," mahina kong saad. Tama si Marco, ang makita ko lang muli ang mga ngiti ni Arlene, napapawi na ang lahat ng pagod, ano na lang kaya kung mismong ang pagsabi niya ng 'I love you' sa akin? Sana kahit man lang ngiti ay makuha ko sa kanya ngayon.

______________________________

Maghapon akong tinulongan nina Quinn, Stuart at Marco sa paghahanda para sa isang romantikong dinner date namin ni Arlene. Nakakatuwa dahil pati si Dee-vyn ay tumulong na rin.

"Langya, pare," saad ni Marco, "ito ba talaga ang gustong kainin ni Arlene?"

"Bilib na ako sa sikmura ng asawa mo," napailing naman si Stuart, "biruin mo? Hilaw na karne ng kabayo na lalagyan ng wasabi! Anong klaseng baby ba ang nasa loob ng tiyan niya?"

"Ikaw ba?" namaywang na tanong ni Dee-vyn, "kakain ka rin ba niyan?"

"Sisikmurain ko, pre," saad ko.

"Nga naman," tumango si Dee-vyn, "siyempre dapat sikmurain mo. Nagpapaimpress ka eh."

"All set na," saad ni Quinn, "tumawag na rin si Dessa, sabi niya parating na sila."

"O sige," saad ni Marco, "magtatago na kami. Lalabas na lang kami kapag manghaharana na."

"Ohlalala! Sugar ang seksi mo dito!" nagulat ako nang marinig ko ang tinig ni Semira. 

"S-semira!" agad kong pinuntahan ang main door.

"Mago," natatawang saad ni Janine, "anong kalokohan to?" 

"Sh1t!" hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, "bakit kayo nandito?"

"Bisita kami," pilyong ngumiti si Patricia habang nilibot ang paningin sa buong bahay. 

"Cuddlecake," lumabas si Marco at agad na tinabunan ang mga mata ni Janine, "huwag kang tumingin."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon