Bliss 14 - There It Goes

221K 4K 261
                                    

*Arlene's POV*

Hindi ko ipagkakailang sobra akong nasaktan sa desisyong ginawa ni Mago pero bahagya namang napawi ito nang marinig ko ang mahinang hikbi ng aking munting anghel.

"Sshh," agad kong pinatahan si Kezia, "tayo na lang baby Kezia, hindi naman natin kailangan si Daddy mo, diba?" saad ko na para bang naiintindihan ako ng isang munting sanggol.

Sa pagkakataong ito, kailangan ko ng makakausap. Kailangan ko ng masasandalan. Baliw mang isipin pero nakaramdam ako ng konting lakas na loob sa simpleng pagsabi ng aking saloobin sa aking anak, "Tama lang talaga na hindi ako bumigay kaagad," pagpapalakas ko ng loob, "kasi hindi pa naman niya nakompleto ang five signs, sumuko na siya kaagad."

Itinaas ko ang mga tuhod ko saka nilagay si baby Kezia sa kandungan ko, "ang bilis niyang bumitaw," para akong bata na nagsusumbong lang sa isang kaibigan, "marami siyang dahilan upang manatili ngunit mas pinili niyang bumitaw. Nasasaktan ako dahil hindi man lang siya nag-isip, kahit man lang sana para sayo."

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy. Nakakabobo ang ginawa ko pero ito ang tanging paraan upang masabi ko sa sarili ko na kaya ko pa. Gusto kong ibuhos ang lahat na sakit hanggang sa wala na akong mailuha.

'Mago,' hindi na ako makapagsalita dahil ramdam ko ang sakit na tagos sa puso, 'luluha ako para sa paglisan mo. Ibubuhos ko ang sakit hanggang sa dumating ang araw na tanging ang alaala na lang ang meron pero wala na ang nararamdaman ko para sayo.'

Alam kong umalis siya na hindi na lilingon. Alam kong sa oras na nagpaalam siya ay yun na rin ang huli. Pero alam kong balang araw, maalala niya rin ako. Darating ang araw na sasagi ako sa isip niya at maalala niya ang lahat na ginawa ko sa kanya. Hindi ko aasahang pagsisihan niyang iniwan niya ako, pero inaasahan kong sa mga panahong maalala niya ako, masasabi niyang ako lang ang tanging taong ibinigay ang lahat sa kanya ngunit sinayang niya.

Kung sino man ang maswerteng babaeng pupuno sa kung anumang hinahanap niyang pagkukulang niya sa buhay ay sana alagaan siya. Mahal ko si Mago at siguro wala na akong higit pang mamahalin maliban lang sa anak namin.

Bahagyang napawi ang sakit na naramdaman ko nang biglang humikab si Kezia. Napaluha akong muli pero sa pagkakataong ito, ang mga luha ko ay dahil sa sobrang saya na sa wakas, hawak ko na ang isang anghel na dahilan ng aking pagkabuhay. Ang liit niya kaya napaisip ako kung ano ang hitsura ng kanyang maliliit na kamay at paa kaya unti-unti kong tinanggal ang telang nakabalot sa kanya.

Agad akong napasingap sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala kaya sa labis ng gulat ko, napatakip ang dalawa kong kamay bibig kasabay ng muling pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko mabilang ang ilang minutong hindi ako makagalaw sa nakita ko. Ilang beses ko ring kinurap-kurap ang aking mga mata upang makasigurong tama nga ang nakita ko.

Suot ni Kezia ang isang medyo malaki pa sa kanya na sando at ang nakasulat ay, "Mom, please! Please! Please marry my dad," at sa ibabang parte nito, may naka-pin nag sing-sing na may sticky note na ang nakasulat ay, "again."

"Ahem," napalingon ako sa taong biglang tumikhim. Hindi pa rin ako makapagsalita pero sa postura niyang iyon, halatang kanina pa niya ako pinagmasdan. Tanging iyak-tawa na lamang ang ginawa ko dahil pakiramdam ko panaginip lang ang lahat.

  Tanging iyak-tawa na lamang ang ginawa ko dahil pakiramdam ko panaginip lang ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon