Bliss 3 - Tear Me Apart

271K 4.2K 291
                                    

                                    For Jeanalyn Soliman Rabulan

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Mago's POV*

Akala namin madaling gawin ang pagsasayaw ngunit mahirap palang pag-aralan ang mga galaw ng Wonder Girls. Ayaw namang sumuko ang mga kasama ko kaya nakikisama na rin ako kahit naaasiwa ako sa mga pagiling-giling na galaw.

"Hopeless tong ginagawa natin," reklamo ni Stuart.

"Huwag ka ngang magreklamo," napakamot si Marco, "buti ka pa nga ayos na kayo ni Patricia. Gusto mo lang siyang pasayahin kaya ka nakikisama dito."

"Hindi naman sa ganun. Siyempre tumulong kayo kaya ko kasama ngayon si Patricia. Gusto ko ring makatulong sa inyo," saad ni Stuart habang nagpunas ng pawis, "kung di lang buntis ang asawa ko, paturo na lang sana tayo sa kanya."

"Ayun!" saad ni Kaz, "paturo na lang tayo."

"Eh kanino naman tayo paturo?" tanong ni Marco, "wala akong kakilala na pwedeng magturo sa atin."

Tumunog ang cellphone ko kaya nagpaalam mo na ako sa apat saka ko sinagot ang tawag, "Dee-vyn, napatawag ka ata?"

"Brad, natunton kami," seryosong saad ni Dee-vyn, "nasa Manila kami ngayon. Kailangan kong iligaw ang mga sumusunod sa amin."

"Ano ang maitutulong ko?" agad kong tanong.

"Papasok kami sa isang department store. Naghihintay na doon ang kasama kong agent. Magpapalit sila ng damit ni Semira at siya ang lalabas mula sa fitting room. I just need you to pick her up once we leave the place," saad ni Dee-vyn.

"Bakit ako?" tanong ko.

"Dahil hindi ka nila paghihinalaang kasama mo si Semira," saad ni Dee-vyn, "dalawa o tatlong araw lang."

Hindi na ako tumutol dahil hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang mag-ina ko dati kaya tutulongan ko siya hanggang sa kaya ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Marco.

"May susunduin ako," saad ko saka ko sila ningitian, "susunduin ko ang magtuturo sa atin ng sayaw."

Naging madali ang pagsundo ko kay Semira hindi rin ako nahirapang pakiusapan ito na turuan kaming sumayaw. Isa siyang showgirl at naging isa sa mga sayaw niya ang "Nobody, Nobody But You" kaya naging madali sa kanya ang paggawa ng choreography.

"May problema?" tumabi si Semira habang nakaupo ako sa porch ng resthouse nina Marco, kung saan napagkasunduan ng barkada na itago si Semira bilang tulong na rin sa kanya.

"May iniisip lang," saad ko saka tinungga ang beer.

"Alam mo," saad niya habang kinuha ang beer na hawak ko saka ininom ito, "trabaho ko ang makinig ng mga problema."

"Talaga?" saad ko habang tumingin sa kanya.

"Oo, pero dahil tinulongan mo ako. Sige, magsalita ka, libre ko na sayo ang serbisyo ko," saad ni Semira.

"So magbibigay ka ng payo?" saad ko.

"Hindi," saad niya habang pinunasan ang bibig at sinuli sa akin ang beer, "makikinig lang ako. Ganun naman talaga ang mga lalaki di ba, naglalasing, naghahanap ng panandaliang ligaya, nilalabas ang sama ng loob pero hindi sila humihingi ng payo dahil ang gusto lang nila ay mapakinggan."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon