Breaking 20 - The Newly Wed

265K 3.9K 366
                                    

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses


*Mago's POV*

Abot tenga ang ngiti at parang nasa ulap ako ngayon dahil sa wakas ay naamin ko na rin sa sarili ko at sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Hindi mahirap ang kumuha ng marriage license dahil marami akong kakilala sa city hall. Hindi naman din ako tinanggihan ng judge na ninong ni Marco kaya limang minuto lamang ay naging ganap na Mrs. Arlene Mejorada-Concepcion na ang kasama ko.

Wala pang nakakaalam sa kasalang naganap dahil gusto ko siyang bigyan ng mas engrandeng kasal. Ayoko lang makawala pa siya tulad noong nangyari kay Ailene kaya sinigurado ko munang makasal kami sa harap ng batas.

Puno ng saya ang nararamdaman ko nang lumabas kami ng opisina ng judge. Hawak ko na agad ang marriage contract namin dahil nagbayad ako ng suhol upang mapabilis ang pagproseso nito sa civil registrar. Gusto kong makasiguro na kahit anuman ang mangyari, babagsak at babagsak pa rin kami para sa isa't isa.

"M-mago," pinutol niya nag halikang pinagsaluhan namin.

"Yes, sexy," garalgal kong sagot kaya napagikgik siya.

"Yan ba ang endearment mo sa akin? Sexy?" natatawa niyang saad.

"Bakit? Anong masama sa endearment ko,"inipit ko ang katawan niya sa pagitan ng sasakyan at katawan ko saka tinangkang halikan siya.

"Mago," iniwas niya ang mga labi niya, "maraming tao."

"Ikinahihiya mo ba ako," tanong ko saka hinalikan ang ibabang parte ng tenga niya.

"Sobrang hunk mo para ikahiya ko," naramdaman ko ang hindi pantay niyang paghinga, "k-kaso, pinagtitinginan na kasi tayo."

"Hayaan mo sila," saad ko habang binibigyan siya ng maliit na halik sa leeg.

"Mago!" nahihirapan siyang itulak dahil alam kong nagugustohan niya ang ginawa ko.

"I'll stop when you tell me your endearment to me," pinalandas ko ang daliri ko mula sa kamay niya pataas sa kanyang braso .

"Hottie!" nagmadali niyang saad, "hottie ang endearment ko sa'yo."

Tumawa akong umatras at nakita ko naman ang malalim niyang paghinga. I know she wanted me as much as I wanted her pero marami kaming panahon para sa ganyan. Sa ngayon, gusto ko nang ayusin ang magiging announcement ng kasal namin. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan upang makasakay siya saka ko tinungo ang driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Sa condo," nakangisi ako pero sa daan ako nakatingin.

"H-huh," kinakabahan siya kaya inabot ko ang kamay niya at bahagyang pinisil ito.

"Don't worry," saad ko, "ihaharap muna kita sa altar bago kita bubuntisin."

"Kaya mo?" hamon niya sa akin.

"Kung isang gabing tulugan kasama ka naman ang premyo, kakayanin ko," sagot ko.

"Mukhang matatagalan ang paghihintay mo," saad niya.

"No, sexy," saad ko, "we will leave first thing in the morning. Gusto kong ma-meet ang mga magulang mo para mapag-usapan natin ang kasal sa simbahan."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon