Bliss 2 - Draining All Resources

271K 4.5K 480
                                    


                                                                                       For Jesusa Elaine

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses


Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)



*Mago's POV*

Hindi ko alam kung bakit biglang nagkatipon ang mga adonises sa bar ko. Wala naman akong naalalang may birthday sa amin pero eto kami, nasa VIP function room, puro lugmok at may hawak na alak.

"Kamusta kayo ni Pat?" tanong ni Kaz kay Stuart.

"We're trying to work out our relationship, Pare," nilaro ni Stuart ang alak sa kopeta, "pero nakatutok siya ngayon sa pag-aalaga kay Lexy."

"Mabuti nga yun dahil at least tanggap niya ang anak mo sa iba," malungkot na saad ni Kaz.

"Eh kayo?" tanong ni Kaz kay Marco, "anong nangyari kay mister romantiko, bakit napasama ka ata sa inuman ngayon?"

"Eh nabasa ni Janine ang convo namin ni Jenna," napakamot naman ng ulo si Marco, "ayun, sobrang nagselos."

"Bakit hindi mo sabihin na inooperate mo si Tristan para malakad mo si Angelo sa operator ni Jenna?" tanong ni Kaz.

"Yun nga ang dapat eh," saad ni Marco, "kaso, hindi pa ako makapagsalita, ang dami nang tanong. Hindi ko na tuloy alam kung saan ang uunahin ko ng sagot. Ang ending, hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo."

"Mga babae talaga," napailing si Angelo, "ang hirap talaga ispellengin."

"Oh?" saad ko habang napalingon kaming lahat kay Angelo, "akala ko ba sinagot ka na ni Rubi?"

"Yun nga eh," saad niya saka tinungga ang alak sa baso, "urong sulong."

"Ano yun, pre?" natatawang saad ko, "makhang iba sa pandinig ko eh."

"Ulol! Huwag mong itulad si Rubi sa mga babae mo," inirapan ako ni Angelo, "ang ibig kong sabihin, paiba-iba ang desisyon niya. Sweet siya pero may mga oras na nagdadalawang isip siya sa relasyon namin kaya parang gustong makipaghiwalay."

"Mahirap yan, pare," saad ni Stuart, "buntisin mo na para di na maka-isip na makipaghiwalay sayo."

"Sana ganun lang kadali," saad ni Angelo, "kaso nahihirapan nga akong humingi ng halik yun pang higit pa dun."

"Ang hina mo naman, Pare," saad ko, "nabalik tuloy duda ko sayo na bakla ka."

"Gusto mo ng suntok?" inis na saad ni Angelo.

"Easy lang pre," napasurrender ako ng kamay, "alam ko namang hindi ka bakla."

"Eh ikaw Kaz," puna ko, "di ka naman umiinom, bakit ngayon ikaw pa ang nagyaya?"

"Si Vivi, pare," napansin ko ang paghigpit ng pagkahawak niya sa baso, "posible siyang mawala sa akin."

"Aba Kaz, ingatan mo si My Belle," napaupo ng tuwid si Angelo, "dahil pag agrabiyado mo yun, hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo."

"We love each other, Pare," tumingin si Kaz sa amin, "hindi ko lang alam kung paano sabihin sa kanya na kailangan niyang mabuntis para maging legal ang kasal namin."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon