Broken 13 - This is How We Do It

234K 3.8K 253
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.

*Arlene's POV*

Binabaybay ko ngayon ang daan patungo sa mansyon ng mga Zobel. Nakiusap kasi ako kay Janine nagmagkita kami ngayon pero dahil tinatamad ang buntis, minabuti ko na lang na bisitahin siya sa kanilang bahay. Ang totoo, hindi ako mapakali dahil sa mga nangyari kagabi at kaninang umaga. It o ang dahilan kung bakit ko gustong makipagkita kay Janine.

"Dumiretso daw po kayo sa entertainment room," saad sa akin ng katulong.

Tumango lang ako saka sinunod ang sabi nito. Ilang beses na rin akong nakapunta dito kaya hindi na ako kailangang igiya upang marating ang ang sinasabi nitong entertainment room.

"Buds," saad ko habang napasalampak sa sofa na nasa loob ng silid.

"So," nakaupong nakaharap sa akin si Janine, "ginawa niyo na ba?"

"Hindi pa nga eh," napahilig ako sa sofa saka napahalukipkip, "pinipigilan niya ang sarili niya kahit alam kong gustong gusto na ng katawan niya."

"Ginawa mo ba yung tinuro ko sayo?" tanong ni Janine.

"Ginawa," malimit kong sagot.

"Baka mali ang pagkahagod mo?" napakunot naman ng noo si Janine.

"Kasing tigas at kasing haba na nga ng batuta eh," reklamo ko.

"Ganun?" napataas ang isang kilay ni Janine, "loko din pala tong si Mago ah. Akala ko ba manyak yun?"

"Nagpipigil lang yun," saad ni Patricia na kakapasok lang sa silid.

"Nandito na pala ang ikakasal," saad ko.

"Sira!" tawang saad ni Patricia, "hindi pa nga ako makapaniwala na ikakasal ako ulit sa taong matagal ko nang inasam na mahalin ako."

"Nasa cloud nine ka pa rin ba?" pilyong ngumiti si Janine.

"Sinabi mo pa!" naparolyo ang mata ni Patricia, "hindi ko nga maisip kung saan kinukuha ni Stuart ang lakas niya dahil nagyayaya siya sa tuwing may pagkakataon."

"Kayo na ang may magandang love life," bumuntong hininga ako.

"Arlene, inamin na ni Mago sa lahat na mag-asawa na kayo," saad ni Patricia, "hindi magtatagal, aaminin na rin niyang mahal ka niya."

"Sana ganun na nga,"agad kong sagot, "pero iba si Mago. Hindi ko nga alam kung ano ang silbi ng pag-amin niya na mag-asawa kami kung ayaw naman niyang magka-anak sa akin."

"Seryoso?" gulat na tanong ni Janine.

"Seryoso," matabang kong sagot, "dinala niya ako sa ob-gyne kanina. Akala ko itatanong niya kung paano kami magkaanak kaagad. Pero nagulat ako nang tanongin niya ang doktor tungkol sa mga contraceptives na aayon sa amin."

"What the Fvck!" inis na saad ni Patricia, "ginawa niya talaga yun?"

"Oo at bago pa man ako maka-tanggi, nagawa na niyang sabihin sa doktor na bigyan ako ng pills para mainom ko," reklamo ko.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon