Broken 6 - The Alluring Temptress

223K 4K 411
                                    

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

AN: Kailangan ko po ang pag-unawa ng readers para sa mga Broken Chapters ng TWHB. Kailangan open-minded kayo at handa sa kung anuman ang mga mangyayari dito. Sa mga bata, gawaing mag-asawa po ang nandito... I DO NOT PROMOTE PMS, kaya huwag sana maging bad influence itong sulat kong ito.

*Arlene's POV*

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang mapansin niyang naghihintay ako ng taxi.

"Pupunta muna ako sa Blue Plate. Magkikita kami nina Janine at Patricia. Mauna ka na lang sa bar," sagot ko.

"Sakay ka na, ihahatid kita," ma-awtiridad niyang saad kaya napalingon ako. nBinigyan ko siya ng nagtatanong na tingin dahil unang beses itong nangyari na parang hindi siya pumayag na aalis akong mag-isa.

"We'll have a girl-talk. Sa tingin ko hindi bagay na kasama kita," saad ko.

"Sinong may sabing sasama ako? May pakay ako kay Stuart and since malapit lang ang Blue Plate sa opisina ng kaibigan ko kaya idadaan na lang kita," saad niya.

Napayuko ako sa hiya saka tahimik na tinungo ang pinto ng sasakyan niya. Tulad ng inaasahan ko, hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Agad siyang pumunta sa driver's seat. Napahinga na lamang ako ng malalim saka pumasok sa sasakyan. Agad kong naramdaman ang presensiya niya sa buong mundo ko. Siya agad ang mundo ko. Siya ang araw, ang hangin, ang tubig, at ang paligid ko. Baliw na ata ako dahil tuwing malapit ako sa kanya, wala nang mas mahalaga pa sa akin kundi siya lang.

Madali lang naming narating ang Blue Plate dahil hindi naman masyadong traffic. Ipinarada niya ang sasakyan sa harap ng bakeshop saka nagtanong, "magtatagal ba kayo?"

"Half an hour lang siguro," sagot ko habang tinatanggal ang seatbelt, "thirty minutes lang kasi ang allowed na break ni Patricia."

"Hintayin mo na lang ako," saad niya, "Madali lang din ako sa opisina ni Stuart."

Tumango na lang ako sa kanya saka lumabas. Nagpantasya ako na protective husband ko siya. Sarap pala ng pakiramdam. Sana totoo yung pantasya ko.

Pumasok ako sa Blue Plate at agad kong nakita si Janine na naghihintay sa akin sa isang table.

"Buds,"saad ko saka yumakap sa kanya, "si Patricia?"

"Kinakausap pa raw ni Stuart," sagot ni Janine, "nabalitaan kong ginawa siyang bagong secretary ni Stuart."

"Secretary?" nagulat ako.

"Hay naku," bumuntong hininga siya, "galawang Adonis."

"You mean he is starting to fall for Patricia?" hindi ko maiwasang mapangiti sa naisip ko. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito - Malaki ang posibilidad na ako ang mananalo sa deal namin ni Mago.

"Kahit noon pa, alam kong mahal ni Stuart si Patricia. Hindi niya naitago ng tama ang nararamdamang selos noong si Mago ang naging ka-date ni Patricia sa island," paliwanag ni Janine, "Stuart is just confused but his actions tell the truth. He loves Patricia, he was just afraid to admit it before."

Sasagot na sana ako pero nakita ko si Patricia na papasok sa Blue Plate kaya naisipan kong hintayin na lang siya.

"Hi girls," lumapit siya humalik sa mga pisngi namin ni Janine, "anong meron?"

"Ewan ko dito kay Arlene," saad ni Janine, "mukhang may sasabihing goodnews dahil kanina ko pa napapansing ngumiti siya na kahit wala naman akong sinasabing magpapangiti sa kanya."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon