Journal 3 - the Last of the Bucket List

224K 3.6K 206
                                    


Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Mago's POV*

Dahil hindi ako makatulog, napagpasyahan kong ipagpatuloy ang pagbasa sa journal ni Ailene. Gusto kong malaman kung bakit nagbago ang isip niya. Na-realize ba niya na gusto niya akong makasama sa mga huling araw niya? Magibat ang loob kong naalala ang huling pagtaboy ko sa kanya.

"Mago," tawag ni Ailene sa akin habang nagmadali naman ako sa paglakad. Napalitan ng galit at kamuhian ang dating pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Hindi madaling mapahiya kahit inasahan ko na kung ano ang mangyayari. Masakit isipin na isa lamang akong bagay na pinagkakasunduan nila. Masakit na pinaglaruan nila ang nararamdaman ko.

"Tapos na tayo, di ba?" saad ko na hindi lumingon sa kanya, "tinapos mo na ang lahat, di ba?"

"I'm sorry," pagak niyang sabi, "nagkamali ako."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad kaya sinubukan niya akong pigilan pero agad ko namang naiwaksi ang paghawak niya sa aking braso.

"Mago, dahan dahan lang. Nasasaktan ako," reklamo niya.

"Kung hindi ka makahabol, tumigil ka na!" mas lalo kong binilisan ang aking paglakad.

"Mago, huwag naman ganito, oh. Maawa ka naman sa akin. Kausapin mo naman ako, kahit sa kadahilanan lang na ikaw ang nakauna sa akin?" mas lalo akong nainis sa narinig ko. Totoong virgin siya noong una naming pagtalik at umasa ako na sa dahilang iyon ay mababago ko ang isip niya. Pero matigas siya. Pinili pa rin niya ang maging cheer captain kaya nagawa pa rin niya akong hiwalayan sa harap ng mga dumalo sa declaration ceremony nila. Napakuyom ako nang maalala ko ang gabing iyon. Rinig na rinig ko ang mga bulong-bulongan ng mga tao. Kitang-kita ko rin ang tamis ng kanyang ngiti habang sinalubong siya ng mga kasama niya sa cheerleading team. Walang bahid na pag-alinlangan ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin. Ni hindi man lang niya ako nilingon matapos niya ako pinahiya. Ni hindi man lang niya namalayang umalis ako sa function hall na durog ang puso.

Aaminin kong umasa ako na mapaisip siya. Umaasa ako na bago ko man maabot ang aking sasakyan ay maalala niya ako. Pero narating ko ang aking sasakyan na walang Ailene na humabol. Lumipas ang isang linggo, isang buwan, dalawang buwan na wala ni tawag o text man lang mula sa kanya. Pinaramdam niya sa akin na hindi na ako parte ng buhay niya. Nag-iba siya ng number. Hindi niya sinasagot mga tawag ko. Blinock niya ako sa facebook account niya at kahit ilang accounts pa ang bubuksan ko upang mamessage ko siya sa facebook, lagi naman niya akong binablock.

Masakit dahil kahit tatlong buwan ko lang siyang nakasama, naging malaking parte siya ng buhay ko. Sa kanya ako naniwalang pwede akong mahalin at magmahal. Siya lang ang nakapasok sa buhay ko. Sa kanya lang ako nagtiwala at nagsimulang buksan ang tunay kong pagkatao. Nasanay akong siya ang huli kong nakakausap sa gabi at ang una kong natatawagan sa umaga. Pero ganun lang pala ako sa kanya. Isa lang pala akong kasunduang sa isang iglip lang ay pwede niyang talikuran.

Puno ng poot at galit ko siyang hinarap, "maawa? Kilala mo pala ang salitang yan?"

"Mago," naiiyak niyang sabi, "pakinggan mo muna ako," tinangka niya akong hawakan pero umatras ako.

Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha pero hindi ako nagpatinag. Ang kanyang pagtawa sa kahihiyan ko ang tanging nakikita ko sa kanyang mukha.

"Tapos na tayo, Ailene," mariin kong saad, "tinapos mo na ang lahat kaya huwag ka nang umasa na baballikan pa kita."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα