Breaking 16 - Rock the Boat

246K 4.2K 325
                                    


*Arlene's POV*

Nakatulog ako ng maayos kagabi dahil alam kong ligtas ako ngunit nagising ako nung may nagdoorbell. Dahil hindi naman makagalaw si Mago, wala akong magawa kundi bumangon para pagbuksan ang sinumang nagdoorbell.

"Ito na po yung mga damit niyo, Ma'am," abot sa akin ng bellboy.

"Salamat," saad ko nang matanggap ko na ang mga damit.

Tumingin ako sa orasan at nalaman kong alas tres pa pala ng madaling araw. Naisipan kong magbihis muna bago ko gigising si Mago para makapagbihis din siya. Ilang sanadali akong nagshower saka nagbihis. Mahimbing pa ang tulog ni Mago kaya dahan-dahan akong lumapit upang tanggalin ang tali niya sa kamay ngunit nagulat ako nang biglang ipitin niya ako gamit ang kanyang mga binti.

"Mago!" napasigaw ako sa gulat.

"You'll pay for this!" hindi galit pero inis ang narinig ko sa kanya.

"Sorry na okay," pilit akong kumawala sa higpit na pagkaipit ng katawan ko sa binti niya, "sinigurado ko lang naman na matutupad yung kasunduan natin. Walang s-e-x hannga't walang grand gestures from the temptresses. So far, wala pa at sa pagkakaalam ko, parang si Marco ang bibigay kay Janine," paalala ko sa kanya.

"Fine!" mariin niyang sagot pero hindi pa rin niya ako pinakawalan, "Pero dahil sa ginawa mo, meron ka pa ring parusa."

Kinabahan ako sa sinabi niya, "a-ano nanamang parusa yan?"

"You dressed me up," napalunok ako sa sinabi niya. Ako? Ako ang magsusuot ng damit niya? Maawaing Diyos, tunay na parusa talaga ito.

Pinakawalan niya ako saka ako binigyan ng pilyong ngiti habang pinasasayaw pa niya ang kanyang mga kilay na para bang tinutukso ako. Nagkunwari akong nainis pero ang totoo, nakaramdam ako ng konting excitement. Exicitement? Waaah! Nahawa na ata ako sa kamanyakan nitong kasama ko.

"H-hindi ka ba magshoshower?" tanong ko sa kanya.

"Sa condo na ako magshoshower, I want to watch you dressed me up," ayan nanaman yang husky voice na yan. Bakit ba kahit simpleng pagsasalita, kailangan pang maging sexy?

Huminga ako ng malalim saka ko kinuha ang kanyang—ahem—undergarment. Nanginginig akong lumapit sa kanya at sinimulan ang pagsuot nito mula sa paa. Lumalakas ang tibok ng puso ko habang pataas kong isinuot ang kanyang brief. Nung marating ko ang hita niya, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha niya na puno ng antipasyon.

'Hindi ako magpapatalo sayo, Mago,' bulong ko sa isip ko, 'kung ikaw ang matinik na adonis, ako naman ang matatag na temptress.'

Bahagya akong ngumiti saka ko ipinagpatuloy ang pagtaas ng brief niya habang nakatitig lang sa kanya.

*Mago's POV*

Akala ko naisahan ko siya ngunit nung tinitigan niya ako habang sinusuot niya sa akin ang brief ko, hindi ko maitago ang kakaibang nararamdaman ko sa tuwing dumampi ang kamay niya sa balat ko. Mas lalo akong kinabahan nung ngumiti siya sa akin na para bang inaakit ako. I felt so helpless. Pocha! Di ko dapat pinagawa sa kanya ito. Ako ata ang naparusahan sa ginagawa ko.

"I-angat mo ang hips mo para masuot ko na," sh8t! Bakit ba nang-aakit ang boses ng babaeng 'to? Akala ko ba inosente ito, nagagalit na ata ang alaga ko sa pinaggagawa niya.

"Hayaan mo na lang yan diyan. Untie me," utos ko.

"Why, Mago? Kakasimula ko pa lang eh," pilyo siyang ngumiti sa akin saka kinagat ang kanyang ibabang labi.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon