Bliss 4 - A Little Too Late

274K 4.4K 461
                                    

                                                   For Jherwellyn Anne

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group ()

*Mago's POV*

Lumipas ang six long months na halos mabaliw ako sa kakaisip kung kumusta na siya at ang baby namin. Oo, buntis ang asawa ko at isa iyun sa mga dahilan kung bakit ako nagagalit sa sarili ko. Natatandaan ko pa kung paano ko nalaman yun. Abala ako sa pag-aasikaso ng bypass operation ni Nay Naina kaya hindi ko muna hinanap si Arlene. Sa mga oras na yun, inisip ko rin na baka kailangan niya ng space kaya siya lumayo. Naging kampante ba ako? Ang sagot ay oo, naging kampante ako. Sa tagal-tagal na naming magkasama ni Arlene, ni minsan ay hindi niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal kaya nagtiwala ako sa pagmamahal na yan.

Sa unang pagkakataon mula noong huling pagtatalo namin ay pumasok ako sa silid namin. Nababalot ito ng katahimikan pero ang bawat sulok nito ay iisang pangalan lang ang tinatawag, si Arlene. Dahil nag-aagaw na ang araw at dilim, minabuti kong buksan ang ilaw sa lampshade na nasa side table pero nagulantang ako sa nakita ko.

Isang pregnancy test kit na may positive result ang nakita kong nakalagay sa table. Hindi na ako nagdalawang isip dahil alam kong ang asawa ko lang ang pwedeng gumamit nito. Agad kong kinuha ang aking cellphone upang tawagan siya.

Ilang beses itong nagring pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya wala akong ibang naisip na tawagan kundi ang matalik niyang kaibigan.

"Janine," natataranta tanong ko, "kasama mo ba si Arlene?"

"Hindi at bakit mo siya hinahanap sa akin?" mataray nitong tanong, "nilayasan ka na ba ng asawa mo?"

"Alam mo ba kung saan siya nagpunta?" hindi ko pinansin ang pang-aasar niya.

"Hindi," agad nitong sagot.

"Janine, buntis si Arlene," saad ko habang halatang napasinghap naman ang kausap ko, "you have to help me find her."

"Wala akong alam, Mago," kumalma ang boses niya, "pero kung sakaling tumawag siya, ipapaalam ko kaagad sayo."

"Thank you," mahina kong sagot saka ko pinatay ang tawag.

Wala akong ibang naisip na pwedeng tawagan kundi si Mommy Carol, "Mommy," tawag ko, "umuwi ba diyan si Arlene?"

"Hindi siya umuwi pero tumawag siya kanina," saad niya, "nagpaalam siyang lumayo muna upang makapag-isip. I think you both need that."

"Buntis si Arlene," saad ko, "baka anong naisip niyang gawin sa bata."

"Matalino si Arlene kaya hindi siya gagawa ng kahit ano na ikapahamak niya o ng baby niyo. Mahal ka ni Arlene, Mago. Hayaan mo muna siyang mag-isip. Babalik din siya sayo kapag nakapag-isip na siya."

Sinunod ko ang payo niya kaya pumayag ako sa kalokohang balak ng mga kaibigan ko; ang sayawan sila. Kaso nagkamali ako at huli na nang malaman kong umalis na ng bansa si Arlene. Naalala ko noong pumunta ako ng Singapore para sundan siya.

"I am sorry Mr. Concepcion," naalala kong saad ng babaeng nagngangalang Khate, "hindi dito ginanap ang training."

"Well then tell me kung saan ito ginanap," inis kong saad.

"It is a classified infor–"

"Look Miss," hindi ko na siya pinatapos, "I do not give a d@mn if the information is classified or not, ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan ang asawa ko."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon