Journal 2 - The Budding Romance

229K 3.8K 134
                                    


*Arlene's POV*

Akala ko magiging madali ang lahat kapag malaman na ni Mago na tunay pala siyang minahal ni Ailene. Pero nagkamali ako. Mas lalo siyang nagalit pero ang kaibahan lang, mas galit siya sa sarili niya ngayon kaysa kay Ailene.

"Mago, tama na," pagsusumamo ko, "lasing ka na."

Yan na ata ang naging mantra ko gabi-gabi sa tuwing nagpapakalasing si Mago sa office niya sa bar. Sa katunayan, hindi na niya natututukan ang mga kalakaran sa bar. Mabuti na lang at mapagkakatiwalaan si Dessa.

"Lasing nanaman ba siya?" tanong ni Dessa nang pumasok siya sa opisina ni Mago.

"Kaninang tanghali pa yan umiinom eh," reklamo ko, "kinuha ko na nga ang mga alak sa ref niya pero nagulat ako na yung mga koleksyon niyang mga alak ang iniinom niya."

"Aist! Naibigay mo na ba ang journal sa kanya?" tanong ni Dessa.

"Oo," sagot ko, "sinimulan niyang basahin noong isang araw."

"Kaya pala naglasing siya," namaywang si Dessa habang nakatingin kay Mago na ngayon ay nakahiga sa sofa, "alam mo ba kung anong pahina na siya ng Journal?"

"Oo, gusto niya kasi na nasa tabi lang niya ako kapag nagbabasa siya," saad ko.

"So sa anong parte na siya ng journal?" tanong ni Dessa.

Hindi ako sumagot bagkus ay pumunta ako mesa ni Mago at kinuha ang journal na nakalagay sa drawer niya. Pagkakuha ko sa journal, binuksan ko ang pahina kung saan huling nagbasa si Mago. Tinignan ito ni Dessa saka umiling.

Journal Entry 3

Naisipan kong isakatuparan ang unang inilista ko sa aking bucket list. Noong una, gusto ko lang magkaroon ng boyfriend. Gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam ng may taong palaging kasama sa campus. Gusto kong maranasan ang pakiramdam ng may naghahatid sa classroom at may naghihintay pagkalabas mula sa klase. Ngunit sa isang linggong kasama ko palagi si Mago ay nag-iba ang lahat. Nagustohan ko ang atensyong binibigay niya sa akin. Nagtaka rin ang mga kaklase ko dahil lagi siya ang huli kong nakikita bago ako pumasok ng klase at siya ang una kong nakikita sa paglabas ko.

Minsan, tinanong ako kung nanliligaw ba si Mago. Napaisip din ako. Nanliligaw ba siya? Hindi naman kasi niya sinasabi na may gusto siya sa akin. Ayoko ring mag-assume. Baka kasi kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Ang totoo, hinihintay ko rin na sabihin niya sa akin na gusto niya ako. Unti-unti na rin kasing nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nasanay na rin ako na nandiyan siya palagi.

Ilang araw na lang ilalagi ko sa mundo? Hanggang kailan ko siya hihintayin? Paano kung naghihintay lang pala ako sa wala? Bahala na si Lord bukas dahil bukas, napag-isipan ko nang isakatuparan ang bucket list number one. Kung hindi niya ako liligawan bukas, ako na ang manliligaw. Mamamatay rin lang naman ako, kakapalan ko na lang ang mukha ko.

*Mago's POV*

Napangiti ako nung nabasa ko ang pangatlong journal entry ni Ailene. Kahit anim na taon na ang lumipas, sariwa pa rin ang alaala ng paglahad niya ng pagmamahal sa akin. Hindi ako torpe, sadyang ayaw ko lang maniwala sa salitang 'PAG-IBIG' dahil sa nangyari sa mga magulang ko. Akala ko habambuhay akong hindi maniniwala sa pag-ibig pero natinag ako nang makilala ko si Ailene. Nabuwag niya ang pader na matagal ko nang itinayo nang hindi ko man lang namalayan.

Lumingon ako sa katabi ko, tulog na pala si Arlene. Pinakiusapan ko kasi siyang tabihan ako habang binabasa ko ang journal. Bumiling ako para titigan ang maamo niyang mukha. Kaya siguro naintimida ako sa kanya kasi may mga katangian siyang katulad ni Ailene. Maliban kasi sa pareho sila ni Ailene na marunong mag-gitara, magaling kumanta, at makulit na sinasabing ipapakilala nila sa akin ang salitang 'Pag-ibig.'

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon