Bliss 10 - The Signs

248K 3.6K 169
                                    

*Arlene's POV*

Nakaupo ako habang sinusundan ng tingin si Dessa na ngayon ay balisang pabalik-balik ng lakad habang parang may tinatawagan.

"Pumalagi ka nga muna, Dessa," saad ko, "ano ba ang nangyayari sayo bakit ka nagkaganyan?"

"Humanda talaga ang babaeng yun," saad niya habang nakadikit sa tenga ang hawak na cellphone, "Semira sagutin mo ang tawag ko!" inis na saad ni Dessa.

"Hello?" sagot ni Semira, naka-on pala ang speakers ng cellphone ni Dessa.

"Bakit mo yun ginawa?" napasabunot sa buhok si Dessa.

"Relax, sister," natatawang saad ni Semira, "sabi ko naman sayo, di ba? Tutulongan kitang makuha si Quinn."

"Pero bakit ganun?" naiiyak na saad ni Dessa, "akala ko tutulongan mo ako na maging boyfriend siya?"

"Naging kayo naman di ba?" saad ni Semira.

"Paano hindi maging kami? Tinakot kaya siya ni boss Mago," tahimik akong nakinig dahil nakuha ng atensyon ko ang pinag-usapan nila.

"Mahal ka nun," tumawang saad ni Semira, "hindi lang niya maamin sayo pero totoong mahal ka nun."

"Nilasing mo kami," galit na saad ni Dessa, "tapos kinulong mo pa kami sa loob ng silid. Ano tingin mong gagawin namin?"

"Itatanong pa ba yun?" pang-aasar na saad ni Sem.

"Yun na nga eh!" inis na saad ni Dessa, "ano bang naisip mo bakit yun pa ang naisip mong paraan?"

"I don't go for less, Dessa," saad ni Semira, "gusto mo si Quinn di ba? Eh di, iderecho natin. Dun din naman ang ending niyo."

"Semira! Wala bang ligawan at pagiging nobyo sa bokabularyo mo?" pabagsak na umupo sa tabi ko si Dessa.

"Hay naku, Dessa," tumwatawang saad ni Semira, "ayoko ng pabebe. You want him, then pin him."

"Pero dahil sa ginawa mo," bumuntong hininga si Dessa, "dehado naman si Arlene."

"Anong ako?" kunot noo akong sumabat.

"Pinaalam kasi ni Semira kay boss Mago na may nangyari sa amin ni Quinn," walang emosyong saad ni Dessa, "ngayon, tinatakot ako ni Boss Mago."

"Aist! So ginigipit ka ni Mago?" inis kong tanong, "Eh diyan naman talaga siya magaling. Magaling siya sa panggigipit ng ibang tao upang makuha lang ang gusto niya."

"You got it all wrong, Arlene," sabat ni Semira, "this time, paghihirapan yun ni Mago."

"Eh paano niya paghihirapan eh ginipit na nga niya si Dessa," saad ko.

"Sinabi kasi ni Semira na meron kang five signs na hinihintay. Pagbabasehan mo raw to gagawin mong desisyong pakikipagbalikan kay boss Mago," sagot ni Dessa.

"Ako?" gulat akong napaharap kay Dessa, "anong five signs?" inagaw ko ang cellphone kay Dessa.

"Relaks, Arlene," kalmadong saad ni Semira.

"Anong relaks? Ano ba ang iniisip mo at bakita yan ang nasabi mo kay Mago?" bahagyang tumaas ang boses ko.

"Kita mo?" napahalukipkip si Dessa, "dahil sa kagagahan ng babaeng yan, pareho tayong napapasubo."

"Hey, ladies," tumawa ulit si Semira, "huwag nga kayong high blood. I am just helping you."

"Ang sabihin mo, you are helping Mago," padabog kong saad.

"Arlene," sumeryoso ang tono ni Semira, "galit ka di ba? Ito na ang chance mo para parusahan siya. Pahirapan mo. Mag-isip ka ng limang gagawin niya at panoorin mo siya. Ngayon, kung natutuwa ka sa nakita mo, pahirapan mo pa. Pero kung naawa ka na, utang na loob! Balikan mo na dahil nag-aaksaya ka lang ng panahon."

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now