Breaking 3 - Fever Pitch

316K 5.2K 511
                                    

*Arlene's POV*

Nilandas namin ang tulay na yari sa kahoy patungo sa isang bungalow over-water cottage. Hindi ko alam kung nangangatog ang tuhod ko dahil ba sa malamig ang simoy ng hangin o dahil kinakabahan ako na kasama ko siya.

"Siguro naman meron kang org sa university," binasag niya ang katahimikan, "anong organization ba ang sinalihan mo?"

"Music," bakit ba nawawalan ako ng sasabihin?

"I see," tumango siya, "So what do you do in the club?"

"I play stringed instruments," sagot ko, "guitar ang paborito ko."

"Mukhang magkakasundo tayo niyan ah," napangisi siya. Si Mago kasi ang lead guitarist ng Adonis band. Ang totoo? Inaral ko talaga ang guitar dahil sa kanya.

Napatigil ako nang makita kong hindi lang pala ito cottage ang pinuntahan namin. Ito na pala ang cottage na tutulogan niya. Napansin siguro niya na napako ako sa kinatatayuan ko kaya nilingon niya ako.

"Hey, are you okay?" tanong niya habang hinawi ang ilang hibla ng buhok kong kanina pa tumatabon sa mukha ko dahil sa lahas ng hangin.

Hindi ako sumagot pero tumingin ako sa loob ng cottage. Isang kama na natabunan ng puting linen at may mga sky blue pillows na nakapatong dito, yun ang nakikita kong laman ng cottage. Napaatras ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"If you don't want to get inside, pwede namang dito na lang tayo," ano daw? Kaya niyang gawin yun in public? Dios Mio, bakit ba mahalay tong Adonis na 'to?

"Teka, kukunin ko lang si Trojan," sabi niya saka pumasok sa cottage.

A-ano raw kukunin niya? Trojan? Waah! Di ba pangalan ng condom yun? What will I do? Should I run away or should I hide? Tatalikod na sana ako nang lumabas siya dala ang gitara niya.

"Meet Trojan," ipinakilala niya ang kanyang gitara kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"Hey, anong nakakatawa?" tanong niya.

"W-wala-hahaha!" ay ewan, nawala ang poise ko sa pangalan ng gitara niya.

"Ang daya mo!" napapout lips siya, "share naman jan."

"Hindi kasi eh," sa sobrang sakit ng tiyan ko hindi ko na alam kung nasa tamang poise pa ba ako.

"Ano nga?" nakikitawa na rin siya.

"Huwag na, nakakahiya," sabi ko sabay tabon ng bibig ko.

"Bakit nga," saad niya habang lumapit siya at pinulupot ang isang kamay sa baywang ko habang nasa harap ko lang siya.

AWKWARD - nahinto ako sa pagtawa at napalunok dahil amoy na amoy ko siya.

"Ang seksi mong tumawa," magaspang ang boses niya habang nagsasalita kaya pakiramdam ko natutuyo ang mga labi ko dahilan para dilaan ko 'to.

"Sexy," magaspang na bulong niya na nagpapatayo ng balahibo ko sa batok.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo niya at yumuko patungo sa balikat ko at marahang hinaplos ang ilong niya sa balat ko, "you smell nice, Babe."

Uh-oh, kalma lang Arlene. Dios Mio! Butasan niyo po ang tinatayuan kong cottage at ihulog niyo po ako sa malamig na tubig. Kahit malakas ang hangin, pakiramdam ko ang init. Gusto kong umatras pero hindi makagalaw ang mga paa ko. Ayaw nilang makinig sa utak ko. What will I do?

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon