SEVENTEEN AND THE LONG LOST R...

Door ImaginationNiAte

191K 15K 9.3K

COMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a Royal Princess? What would you do if you were the m... Meer

SEVENTEEN AND THE LONG LOST ROYAL PRINCESS
PROLOGUE
KABANATA 1: SCOUPS
KABANATA 2: THE LONG LOST PRINCESS
KABANATA 3: WELCOME TO MANILA
KABANATA 4: CONCERT
KABANATA 5: GWAPONG GANGSTER
KABANATA 6: TATUM
KABANATA 7: SECRET ADMIRER?
KABANATA 8: ROYAL FAMILY
KABANATA 9: MEET THEM AGAIN
KABANATA 10: FREE TASTE FT. CUPCAKES
KABANATA 11: COLLAPSE
KABANATA 12: WONWOO
KABANATA 13: ANONYMOUS
KABANATA 14: TRUTH
KABANATA 15: CAMPING
KABANATA 16: LOST IN THE WOOD
KABANATA 17: FIRST LOVE
KABANATA 18: KIM MINGYU
KABANATA 19: REQUEST
KABANATA 20: TATUM AND MAXRILL?
KABANATA 21: REVELATION
KABANATA 22: HUG
KABANATA 23: GOING BACK TO SEOUL
KABANATA 24: GOODBYE KISS
KABANATA 25: AFTER ONE MONTH
KABANATA 26: MISSED CALLS
KABANATA 27: GRADUATION DAY
KABANATA 28: WELCOME TO SEOUL
KABANATA 29: NIGHTMARE
KABANATA 30: GOLD SAPPHIRE LOCKET
KABANATA 31: ASAR-TALO
KABANATA 32: REVENGE NI MINGYU
KABANATA 34: CIMITERO DI CHAE ROYALE
KABANATA 35: KING ADAMSON
KABANATA 36: STICKY NOTE
KABANATA 37: COMEBACK
KABANATA 38: FIRST KISS
KABANATA 39: FREE TIME
KABANATA 40: CAN I KISS YOU?
KABANATA 41: FAMILIAR BARITONE VOICE
KABANATA 42: HE'S GOING CRAZY?
KABANATA 43: THAT SEMI-BALD GUY
KABANATA 44: I'M JUST HERE FOR YOU
KABANATA 45: GOODNIGHT KISS
KABANATA 46: FIERCE & FEARLESS
KABANATA 47: REUNION
KABANATA 48: THAT BOY
KABANATA 49: HIS CONFESSION
KABANATA 50: CHAERYOUNG
KABANATA 51: DARLING OF MY LIFE
KABANATA 52: JEALOUSY
KABANATA 53: JEALOUSY II
KABANATA 54: WONU
KABANATA 55: MARK MY WORDS
KABANATA 56: KARISMA
KABANATA 57: WHY?
KABANATA 58: MEANIE
KABANATA 59: THREATENED
KABANATA 60: MAY THE BEST MAN WIN
KABANATA 61: DEFENDING AND HARSH
KABANATA 62: SHE LEFT
KABANATA 63: HUNCH AND WEIRD
KABANATA 64: GOOD AT PRETENDING
KABANATA 65: SAW HER AGAIN
KABANATA 66: KIDNAP WITHOUT RANSOM
KABANATA 67: DESPERATE
KABANATA 68: MASQUERADE BALL
KABANATA 69: CLOSURE AND ALIVE
KABANATA 70: PRINCE ACE
KABANATA 71: ELEVEN YEARS AGO
KABANATA 72: ARRESTED
KABANATA 73: ARRANGE MARRIAGE
KABANATA 74: SHE LOVES HIM
KABANATA 75: PRINCE CASTRIEL
KABANATA 76: BEG
KABANATA 77: MARRIAGE CONTRACT
KABANATA 78: SHE'S MY WIFE
KABANATA 79: WIFEY WITHOUT A WEDDING RING
KABANATA 80: PROPOSE
KABANATA 81: WELCOME TO OUR FAMILY
KABANATA 82: WEDDING GOWN
KABANATA 83: I LOVE YOU MORE
KABANATA 84: JEJU ISLAND
KABANATA 85: BAD DREAM
KABANATA 86: LOVE QUARREL
KABANATA 87: LOVE QUARREL II
KABANATA 88: TAKE ME NOW
KABANATA 89: A HAPPY MOMENTS
KABANATA 90: A WEDDING DAY
KABANATA 91: A WEDDING DAY II
PLEASE TAKE TIME TO READ
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
ABOUT THE TENTH PRINCESS

KABANATA 33: SORRY

1.4K 163 91
Door ImaginationNiAte

KABANATA 33: SORRY

MINGYU's POV

"Kumain na kaya siya?" tanong ni Jeonghan hyung sa amin.

"Pero paano kung hindi pa?" salita naman ni Jun hyung.

"Tignan niyo nga oh? Wala man lang bawas yung niluto namin ni Dokyeom kaya malamang hindi pa siya kumakain." turan naman ni Minghao.

"Kung kumatok na kaya tayo sa kwarto niya?" suhestiyon naman ni Wonwoo hyung sa amin.

"Kasalanan kasi 'to ni Mingyu hyung." may inis na sabi ni Seungkwan at lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa direksyon ko. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay paniguradong tigok na ako kanina pa.

"Anong ako? Eh kayo lang naman yung nagsabi tungkol doon." depensa ko sa sarili ko. Sila naman talaga yung may kasalanan. Kung hindi lang kasi nila pinag-usapan yung tungkol dun ay hindi sana kakaripas ng takbo si Krystal palabas ng practice room.

"It's also your fault. Kung hindi mo lang kasi sinabi yung tungkol dun, edi hindi sana mababanggit nila Dino yun." Joshua hyung kaya napakamot naman ako sa ulo ko.

Kasalanan ko nga ba? Malamang oo! Kung hindi ko lang kasi binanggit yun kanina hindi sana tatakbo si Krystal palabas ng practice room! Baka mamaya ay galit na yun sa akin at sinumpa na ako.

"Ise-check ko lang siya sa kwarto niya. Hindi man lang siya kumain ng tanghalian kanina. Baka pati hapunan hindi rin siya kakain dahil sa pagpapahiya mo sa kanya." Seungcheol hyung at pinandilatan pa niya ako ng mata.

"Napahiya ko ba siya?" inosenteng tanong ko.

"OO!" sabay-sabay nilang sagot. Sabi ko nga hindi na ako magtatanong eh.

Tumingin ako sa bakanteng silya kung saan dapat uupo si Krystal. Pinag-handaan na kasi namin ito bago pa siya makarating dito sa bahay. Pasado alas nuebe na nang gabi at narito na kaming lahat sa dining area para kumain ng dinner.

Kaso limang minuto na ang lumipas at wala pa ring Krystal na lumilitaw. Ni hindi man lang namin napansin na hindi pala siya kumain ng lunch dahil busy rin kami sa kaka-practice ng sayaw. Nabaling naman ang atensyon ko kay Seungcheol hyung dahil bigla siyang tumayo.

"Pupuntahan mo na ba siya sa kwarto niya?" tanong ni Wonwoo hyung sa kanya.

"Yup. Para mayaya ko na rin siyang kumain." sagot agad ni Seungcheol hyung pero mabilis ko siyang nahawakan sa kanyang kamay para mapigilan. Tumingin siya sakin na may halong pagtataka.

"Pwede bang ako na lang ang magpunta sa kwarto niya? Para naman makahingi na rin ako ng sorry sa kanya." sabi ko. Mukhang kailangan ko talagang humingi ng sorry kay Krystal. Masyado yata akong napa-sobra kaya siguro siya nahihiya at ayaw niya rin sigurong lumabas sa kwarto niya.

"Aba kailangan mo talagang mag-sorry sa kanya! Baka gusto mong isumbong kita kay Prince Tatum?" pagbabanta ni Woozi hyung sa akin.

"Hala Mingyu hyung, mga gangster pa naman yung mga Kuya ni Krystal diba?" sabat naman ng maknae namin na si Dino.

Siya rin naman kasi ang may kasalanan. Kung hindi kasi siya nagtanong kanina hindi sana mangyayari 'to. Pero bigla akong napalunok sa sinabi ni Dino. Baka mamaya ipa-hunting ako bigla nila Prince Tatum at ipa-salvage ako sa Han River! Naku po, sayang ang kagwapuhan ko kung nagkataong ipapatay ako ng mga Kuya ni Krystal!

"Sige na Mingyu, siguraduhin mo lang na kasama mo si Krystal okay?!" singhal ni Hoshi hyung sa akin kaya tumango ako at agad nagtungo sa kwarto ni Krystal.

Nakarating din ako agad sa tapat ng kwarto niya. Kaya mo yan Mingyu! Kailangan kong ibaba ang pride mo alang-ala sa sarili kong kapakanan! Buhay ko rin ang nakasasalalay dito! Huminga muna ako ng malalim bago ako tumatok ng tatlong beses sa pinto.

"Krystal? Kakain na tayo." salita ko at kumatok ulit ako ngunit walang nagbukas ng pinto.

Kumatok ulit ako pero hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Ni hindi man lang siya sumasagot. Agad ko namang pinihit ang doorknob pero naka-lock naman ito. Tulog na kaya siya? Hindi ba siya nakakaramdam ng gutom? Kumatok ako muli pero walang sumasagot kaya no choice ako kundi bumalik sa dining area.

"Ano pababa na daw ba siya?" tanong agad ni Wonwoo sakin nang makita niya akong pumasok sa dining area. Lahat naman ay sila tumingin sa akin.

"Kumakatok ako pero walang sumasagot." sagot ko sa kanya.

"Baka nakatulog na?" salita ni Joshua hyung.

"Oh hindi kaya.." Jeonghan hyung kaya lahat kami ay napatingin sa kanya pero hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.

Nilingon namin si Seungcheol hyung na mabilis kumaripas ng takbo palabas ng dining area. Ganun lang din sila Wonwoo at Hoshi hyung kaya agad rin kaming sumunod sa kanilang tatlo.

Naabutan namin si Seungcheol hyung na malalakas ang katok sa pintuan ng kwarto ni Krystal. Bigla tuloy akong sinakluban ng kaba sa dibdib ko. Paano kung may masamang nangyari sa kanya sa loob ng hindi namin namamalayan?

"Krystal? Krystal! Open the door." mahinahon ngunit may diing sabi ni Seungcheol hyung. Kumatok na rin sila Wonwoo pero hindi pa rin bumubukas ang pinto.

"Minghao! Kunin mo yung susi sa kwarto ko! Hurry up!" natatarantang utos ni Seungcheol hyung at agad namang kumaripas ng takbo si Minghao para kunin ang pinapakuha ni Seungcheol hyung.

Baka naman mahimbing lang na natutulog si Krystal? Pero pwede ring may masamang nangyari sa kanya sa loob? Oh come on Kim Mingyu! Think positive!

"Shit!" bulalas ni Wonwoo hyung at lahat sila ay natataranta na. Well, pati rin pala ako ay hindi na rin mapakali.

Wala na akong ibang choice. Pinatabi ko naman sila at hindi na ako nag-dalawang isip na sipain ng malakas yung pintuan. Bumukas ito kaya dali-dali kaming nagsipasok sa loob. Walang makalat, malinis ang mini sala at wala rin kaming nakitang Krystal dito sa kwarto.

Nasaan si Krystal? Magsasalita na sana ako nang may marinig kaming bumukas kaya tiningnan naming lahat yun. Lumabas si Krystal sa banyo at mahahalatang bagong ligo lang siya.

Pero hindi lang yun ang napansin namin. Nakatapis lang siya ng tuwalya at shit! Kitang-kita ko ang makinis at maputi niyang legs!

Bigla siyang natigilan at napunta ang kanyang tingin sa amin. Namilog ang dalawa niyang mata at narinig na lang namin ang malakas niyang tili sa buong kwarto.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!" sigaw niya at tinuro pa niya kami.

"Oh fuck! Sorry, sorry!" salita ni Joshua hyung at mabilis naman kaming tumalikod.

Nakita ko pang hinatak na nila Jun si Dino palabas ng kwarto. Si Minghao naman na bagong dating at may dala-dalang mga susi ay agad ring hinatak ni Jun hyung palabas. Si Hoshi at Wonwoo naman ay biglang natulala na ewan kaya agad silang pinatalikod ni Seungcheol at Jeonghan hyung.

Si Seungkwan at Vernon naman ay sabay na tinakip ang kamay nila sa dalawa nilang mata pero may kaonting butas pa rin para makakita sila kaya naman nakatanggap sila ng batok galing samin ni Woozi. Kalaunan ay tumalikod na rin ang dalawang 'to.

Shit, bakit bigla yatang uminit yung mukha at leeg ko? Kahit nakatalikod na ako ay bigla pa ring lumilitaw sa isipan ko ang imahe ni Krystal na nakatapis lang ng tuwalya! Tangina! Nagiging manyak na yata ako neto!

***

SWEETHEART KRYSTAL

Hindi ko namamalayan ang oras at gabi na naman pala. Napahaba-haba rin pala ang tulog ko kaya hindi na ako nakakain ng tanghalian kanina. Ngayon ko rin naisipan na maligo kaya nagpapatugtog pa ako sa cellphone ko habang naghihilod ng paa.

Sinasabayan ko pa ang kanta nang may marinig akong gumalabog sa labas. Ano yun? 

Dali-dali ko namang pinatay yung pinapatugtog ko sa cellphone ko. Tinapis ko lang ang tuwalya sa hubad kong katawan bago ako lumabas ng banyo para tignan kung ano ang gumalabog pero laking gulat ko ng iba ang bumungad sa akin.

Sila Seungcheol! Pero anong ginagawa nila dito sa kwarto ko?

Parang biglang nag-freeze ang buong paligid ko habang nakatingin ako sa kanila. Ganun din sila at pansin kong sabay-sabay pa silang napalunok. Bigla naman akong natauhan at doon ko napagtantong nakatapis lang ako ng tuwalya!

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!" sigaw ko sa kanilang lahat.

"Oh fuck! Sorry, sorry!" natatarantang bulalas ni Joshua at siya ang unang tumalikod.

Ganun din ang ginawa nila Mingyu hanggang sa sunod-sunod na silang nagsi-talikod. Hinablot ko pa ang kumot ko na nasa kama bago ko ito pinulupot sa buo kong katawan at tanging yung ulo ko lang ang hindi natatakpan.

"What are you all doing here?! Paano kayo nakapasok sa kwarto ko samantalang naka-lock naman yung pinto?!" sunod-sunod kong tanong sa kanila.

Bakit ba kasi sila bigla-biglang pumapasok sa kwarto ko?! Pakshit na yan! Nakita pa nilang nakatapis lang ako ng tuwalya! Hinihiling ko na sana lamunin na talaga ako ng sahig at huwag na akong ipakita kahit ilang araw lang!

"A-ahm kasi ano, k-kumakatok kami kanina pero hindi ka sumasagot kaya sinipa na lang ni Mingyu yung pintuan para makapasok k-kami!" nauutal na sagot ni Cheol.

"A-akala kasi namin may masamang nangyari sayo eh!" salita naman ni Wonwoo kaya napasapo naman ako sa noo ko.

"Y-yayayain ka lang kasi naming kumain ng hapunan." Joshua.

"T-tapos hindi ka man lang kumain ng tanghalian kanina." usal naman ni Hoshi. Napansin ko pa ang pagkamula ng batok nila pati ang mga tenga nila.

"S-sige lumabas na kayo, m-magbibihis lang ako." nauutal ko ring sabi sa kanila at tila hudyat naman yun para mag-unahan silang magsi-takbuhan palabas ng kwarto ko.

Nilock pa muna ni Wonwoo yung doorknob bago noya isinara ang pinto kaya ako na lang ang natira dito sa kwarto.

"Tanga ka talaga Krystal! Dapat nagbihis ka muna!" sabi ko sa sarili ko at parang sira ulong pinaghahampas ang sarili kong pisngi. Pero paano naman ako magbibihis kung nakapatong sa kama ko yung damit ko?

Kasalanan ko rin kasi eh! Kung hindi sana malakas yung volume ng tugtog ko edi sana narinig ko ang pagkatok nila!

Bopols ka talaga Sweetheart Krystal!

Dagdag kahihiyan na naman ito! Dalawang beses na akong napahiya sa harapan ng isang sikat na kpop Idol!!!

***

Mahigit kalahating oras na rin ang nakakalipas mula ng mangyari yun. Para akong bangag na nakatingin sa kisame habang nakahiga sa sofa. Sinindi ko pa ang TV para ituon ang atensyon doon pero halos wala akong maintindihan sa pinapanood ko dahil bukod sa iba ang lenggwahe nun ay bigla-bigla pang lumilitaw sa utak ko yung nangyari kanina! Nakakahiya sobra!

Nawala ang pagkakatingin ko sa kisame nang marinig kong may kumakatok sa pintuan. Agad akong bumangon sa pagkakahiga at tinungo ang pinto para pagbuksan ang taong yun.

"Ikaw pala Mingyu." sambit ko nang makitang si Mingyu ang nasa labas ng pinto. I also noticed that he was holding a tray kung saan nakapatong roon ang pagkain pati isang basong gatas.

"Dinalahan kita ng makakain. Baka kasi nagugutom ka na." nakangiting sabi niya.

Ngumiti naman ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto kaya agad siyang pumasok. Bahagya naman akong napakunot- noo dahil may kaonting sira yung pinto at nakauwang ng kaonti yung ilang turnilyo. Anong nangyari dito?

"Anong tinitingnan mo diyan? Tara na dito." rinig kong salita ni Mingyu kaya nilingon ko siya.

"Para kasing sira yung pintuan eh.." sabi ko sa kanya. Nilapag niya yung tray sa coffee table bago siya lumapit sa gawi ko at tinignan pa yung pinto.

"Baka napalakas lang ang pagkakasipa ko kanina. Don't worry, aayusin ko yan bukas." Mingyu at siya na ang nagsarado ng pinto.

Wait, ano daw? Sinipa niya ang pinto? Hinatak niya na ako kaya wala na akong nagawa at hindi na rin ako nagtanong pa. Naupo ako sa ibaba ng sofa para pumantay sa coffee table. Naupo naman siya sa gilid ko at medyo nilapit pa niya sakin yung tray.

"Kumain ka na." saad niya. Kumunot naman ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Bakit bigla yata 'tong bumait?

"Ang sabi ko kumain ka na. Alam kong gwapo ako kaya hindi mo na ako kailangang titigan pa." ulit niya nang mapansin niyang hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain.

"Ang hangin mo ah." nasabi ko at natawa naman siya. Kinuha ko na ang kutsara at agad tinikman ang pagkain. Kakaiba sa panlasa ko dahil ngayon lang ako nakatikim ng korean dishes pero sobrang sarap neto.

"Wow, sino nagluto nito? Sobrang sarap naman." manghang sabi ko at pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

"I cooked that for you. It's a kimchi fried rice and seafood vegetable pancake. Don't worry, hindi ko hinaluhan ng hipon kaya pwede mo ring kainin yung niluto kong pancake." mahabang sabi niya kaya tiningnan ko siya habang sumusubo ako.

"Alam mong allergic ako sa hipon?" nagtataka kong tanong. Sa pagkakaalam ko ay hindi ko sa kanila sinabi yun.

"Nabanggit lang nila Kaye. Ubusin mo yan. Sayang naman kung may matitirang pagkain. Ang dami pa namang nagugutom sa mundo natin ngayon." parang isang nanay kung makapagsalita ang lalaking 'to. Nagthumbs-up lang ako sa kanya habang nilalantakan ko na yung mga pagkain. Ang sarap talagang magluto si Mingyu.

"Mukhang good mood ka ah? Anong nakain mo?" tanong ko. Nakasalumbaba siya sa lamesa habang nakatingin din sakin. Bawat subo ko ay sinusundan niya ng tingin.

Hindi siya sumagot bagkus ay pinanood lang niya akong kumain. Hindi ko naman magawang mailang dahil naka-focus ako sa pagkain. Grabe, feeling ko isang buwan akong hindi nakakain nito. Baka mamaya 'pag nakita ako nila Kuya Tatum na ganito lumamon ay isipin pa nilang hindi ako pinapakain nila Cheol dito.

"Ngayon lang ako nakakita ng babae na maganda pa rin habang kumakain." mahinang sabi niya kaya natigil ako sa pag-nguya. Nakangiti siya sakin kaya hindi ko napigilan na hawakan siya sa kanyang noo.

"Hindi ka mainit at mukhang wala ka namang lagnat pero ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Kinapa ko rin ang kanyang leeg pero hindi rin ito mainit at nagulat ako ng hawakan bigla ni Mingyu ang kamay ko. Sumeryoso ang mukha niya at bigla niya pang dinampihan ng halik ang likuran ng palad ko bago ito dinala sa kanyang pisngi. Ramdam na ramdam ko rin ang lambot ng balat niya. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?

"Sorry." tipid niyang sabi kaya nagkasalubong ang dalawa kong kilay.

Sorry?

"Para saan?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Umayos siya ng upo at medyo lumapit pa siya sa akin.

"Sorry sa ginawa ko kanina. Sana mapatawad mo ako." hingi niyang paumanhin.

Ilang segundo akong hindi nakasagot dahil nilunok ko pa ang pagkain na nasa bunganga ko. Uminom muna ako ng gatas bago ako napatango-tango sa kanya.

"Apology accepted. Sorry din." hingi ko ring paumanhin at sumilay naman ang matamis na ngiti sa labi ni Mingyu.

Oh my gosh. Bakit ang gwapo niya?

"Okay, apology accepted din." sagot niya kaya sabay kaming natawa at narinig ko pa ang malalim niyang paghinga.

"Sana hindi mo na rin ako kamuhian. Palagi mo kasing sinasabi sakin na hate mo ako sa tuwing nagtatalo tayong dalawa." natatawa niyang sabi at napakamot pa siya sa batok niya

"Well, kasalanan mo kasi eh. Ang lakas mo kasing mang-asar." paninisi ko at sabay na naman kaming natawa.

Akala ko seseryosohin niya yung sinabi ko, hindi pala. Mas mabuti na rin siguro na hindi kami palagi nag-aasaran. Eh talaga naman kasing kasalanan din niya at palagi pa niya ako inaasar kaya ayun, inaasar ko din siya bilang ganti.

"Pero ang sexy mo kanina ah." rinig kong sabi niya kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ha?" nagtataka kong sabi. Bigla siyang ngumisi at nilapit ang kanyang bibig sa tenga ko.

"Ang sabi ko ang sexy mo kanina." bulong niya at talagang pinamaos pa niya ang kanyang boses. Bigla ko namang naalala yung kanina kaya nahampas ko siya bigla sa braso niya.

"MANYAKIS KA TALAGANG DAMUHO KA!" singhal ko sa kanya at pinagpapalo ko siya sa kanyang braso.

Humalakhak siya ng malakas kaya sinabunutan ko na siya. Nakakagigil naman ang isang 'to! Hinawakan naman niya ang dalawa kong kamay at tinanggal yun sa pagkakasabunot sa kanyang buhok.

"Don't worry, si Wonwoo hyung naman ang makakakita ng sexy mong katawan." hirit pa niya sabay kindat sakin.

Bago ko pa siya masapok ay mabilis siyang tumayo at tumakbo palayo sakin.

"Tara dito at ng makalbo kita!" sigaw ko at tinuro ko pa siya na parang nanghahamon ako ng away. Mukha na siguro akong tigre sa harapan niya ngayon na anytime ay mananakmal na.

"Bakit? Totoo namang sexy ka ah? Lalo na yung legs mong makinis." nakangising aagot niya at pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha. Aba't talaga naman! Mabilis kong kinuha yung mga unan na nasa sofa at pinaghahagis ko yun sa kanya.

"KIM MINGYU!" sigaw ko sa buong pangalan niya.

Tawa siya ng tawa na parang baliw. Nagulat ako nang nakalapit na pala siya sa akin at walang kahirap-hirap niya akong binuhat na parang isang sako.

"Kailangan mo ng matulog, babe." saad niya kaya nahampas ko siya sa kanyang malapad na likod.

"I really ha---"

"Ano? I really hate you na naman ang sasabihin mo? Hindi pa pwedeng I love you naman?" putol niya sa sasabihin ko at tumawa na naman siya ng nakakaloko.

"Letshe ka talagang higante ka!"

×××××

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.1M 44.8K 56
MIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my gre...
43.2K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
18.7K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
84.3K 5.4K 32
MIDNIGHT CREATURES SERIES 3 "Seven, you are not just a part of my journey, you are my destination." (Isa)ng kotse and nabunggo ng construction truck...