The Unkind Fate | ✔

Von Lady_Mrg

9.8K 300 19

They say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teach... Mehr

DISCLAIMER
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85

19

164 9 0
Von Lady_Mrg

"Jade!!" Nagtatakbo ko pababa para maabutan ko si Jade.


"Sabay tayo!" Humihingal ako nang maabutan ko sya. Siguro mamimili din sya kasi linggo ngayon.


"Saan ka nga pala pumunta kahapon? nagmadali kang sumakay sa jeep eh" Hindi pa rin sya sumasagot.


"Libre kita pamasahe," Sabi ko pagkasakay namin sa jeep papuntang palengke.


"Bayad po, dalawang palengke keep the change"


"Hindi mo ba talaga ako kakausapin? may problema ba?" Tanong ko.


Hindi sya sumagot dahil may ka-text sa cellphone nya. Nanahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa palengke.


"Buda! nandito 'ko!" Napalingon ako sa pinaglingunan ni Jade.


"Siraulo ka! ang sabi ko sa'yo bukas pa! ano 'yan!?" Sigaw ni Jade sabay turo sa bag nung lalaki.


"Eh insan excited na'ko, tsaka hoy Buda! may utang ka pa sa'kin!"


"Oo na! oo na! mapanumbat ka!"


"Tara, titingnan ko kung maganda ba 'yung apartment mo"


Hindi na lang ako nakisabat at hinintay silang matapos. Grabe si Jade, bakit kaya Buda tawag sa kanya?  maganda naman si Jade ah kaso.. chubby. Pero slight lang!


"Geh geh? ano ginagawa mo dito?" Tanong nya sa'kin.


"Anong 'geh geh' naman?" Tanong ni Jade.


"Nakita ko 'to kagabi eh. Tol nag catering kami tapos naka tuxedo ako, galing ko tol noh? noh? noh?"


"Puta... Andy... Sana ayos ka pa" Umirap si Jade.


"Jade una na 'ko" Tinapik ko sya sa balikat. Hindi naman sya sumagot kaya nauna na ako.


Andy? nandito na naman sya? At tae. Caterer pala sya sa party! dapat pala sa kanya ako humingi ng extra rice para hindi na ako nakipagsabunutan kay sir Francis, sana wala akong bakas ng kurot sa pisngi!


Kagabi pagkatapos naming magsabunutan nanlibre naman sya para daw makabawi, baka nga nasa apartment pa 'yon hanggang ngayon kase doon sya natulog, sa sala. Pinapauwi ko na kasi baka kung anong isipin ng mga kapitbahay ko pero kaclose ko naman sila lahat. Ala una ng madaling araw gising pa, may kachat tapos kinikilig kilig pa pagkasilip ko sa kanya.


Iniisip ko nga baka may kalandian sa chat 'yon o baka si ma'am Celyn lang.


Pagkatapos kong mamalengke ay dumiretso na ako pauwi sa apartment. Bukas na 'yung kabilang kwarto sa tabi ng akin, may bago na sigurong umuupa, salamat naman.


Natatakot akong lumabas sa gabi at sa madaling araw kasi nadadaanan ko 'yon eh baka biglang may sumilip sa bintana, o kaya naman biglang bumukas 'yung ilaw kahit walang tao.


"Hoy! Sarap buhay ka? anong oras na tutulog tulog ka pa dyan. Umuwi ka na nga! may pasok na bukas!"


Hinila ko sya kaya nalaglag sa upuan.


"Fana! natutulog ako napaka bastos mo!" Reklamo nya.


"Ay pasensya na ho, bahay ko kasi 'to at pahila-hilata ka pa dyan anong oras. Baka ho kasi bumakat na kayo sa sofa at hanap hanapin kayo" Sarkastikong sabi ko.


Hindi na sya sumagot at niligpit na ang hinigan nya sabay diretso sa banyo, akala mo sa kanya.


Nakaluto na ako ng tanghalian, sinigang na baboy dahil nakakahiya naman sa bisita ko kung tuyo ang ipapaulam ko sa kanya. Maselan pa sa isda pero noong sila tatay ang naghahain ng tuyo sa mesa agad syang kumakain, puro kaplastikan.


"Sandale!"


Sigaw ko nang may kumatok ng paulit ulit sa pintuan.


"Hindi naman kasi makapaghintay!" Pagbukas ko ng pintuan ay lumantad sa'kin si Andy.


"Sungit mo talaga"


"Ano kailangan mo?" Tanong ko at napalingon ako kay sir na kalalabas lang ng banyo at bagong paligo.


"Wala hehe, ano pangalan mo?" Tanong nya habang pasulyap sulyap pa sa likuran ko kung nasaan si sir na pinipintasan ang luto ko.


"Geh geh" Sagot ko sabay sarado ng pintuan dahil baka maissue pa'ko dahil sa teacher na'to na may bahay naman pero dito pa natulog.


"Kain na tayo" Sabi nya at nagsandok na ng sarili nyang kanin. Umupo na lang ako at kumain. Gusto ko pang tumawa dahil sa tenga nya na may sugat at ilang gasgas sa pisngi.


"Umuwi ka na pagkatapos" Sabi ko.


"Ayun 'yung lalaki sa party 'diba?" Tanong nya. Napatingin ako sa kanya pero busy sya sa pagkain.


"Oo. Si Andy" Tipid na sagot ko, tumango tango naman sya.


"Dito rin pala nakatira 'yon" Sabi pa nya. Napakunot na ang noo ko.


"Oo. Kakalipat lang kanina" Sagot ko lang ulit kahit nagdududa na'ko sa mga tanong nya.


"Close kayo?"


"Hindi."


"Ooh?"


"Hindi nga."


Hindi na sya nag tanong at kumain na lang. Napaka weird ng teacher ko.


"Bakit sir?" Tanong ko nang makita ko syang pabulong bulong pero hindi ko naman naiintindihan.


"Ano? Anong bakit?" Painosente nyang tanong. Umirap naman ako dahil sa pagkaslow nya o gusto lang nyang linawan ko 'yung tanong ko.


"Ano binubulong bulong mo dyan sir?" Pag-ulit ko.


"Huh? wala naman ah"


"Nakita ko kaya"


"Wala nga!"


" 'Wag kang iiyak" Sagot ko kaya umirap sya.


Nagligpit ako ng kinainan namin at hanggang ngayon hindi pa rin 'to umuuwi, mamaya na daw hapon para diretso tulog na sya at dito pa balak mag hapunan!


Lumabas muna ako para isampay 'yung mga basahan na nilabhan ko.


"Geh geh"


Nabagsak ko pa 'yung hawak kong palanggang maliit dahil sa gulat nang biglang may nagsalita sa gilid ko.


"Sorry! nagulat ka ba?" Tinulungan niya ako sa mga basahan na nalaglag.


"Ay hindi, naiiyak nga ako eh, surprise!" Sarkastiko kong sabi.


Umirap ako kaya napakamot sya sa ulo.


"Bakit ang sungit mo geh geh?"


Geh geh? pota ahahaha.


"Fana pangalan ko hindi geh geh" Natatawa kong sabi.


"Fana? Andy! ako si Andy!" Nakipag shake hands sya.


"Ahh.. geh" Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang magsasalita sya ay pumasok na ako sa loob dahil hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa kawirduhan nya.


"Ako si Andy!" Pagpasok ko ay ginaya ni sir ang boses ni Andy kanina habang nagpapakilala sa'kin.


"Ang weird nya sir!" Sabi ko sabay upo sa gilid nya.


"Nahiya 'yung kawirduhan mo" Bulong nya.


"Umuwi ka na nga" Sabi ko.


"Mamaya na, baka makipag harutan ka lang sa Andy na 'yon tapos bukas nyan mababalitaan ko buntis ka na"


Nasampal ko ang bunganga nya.


"Hoy! hindi ako gano'n!" Sigaw ko.


"Sinabi ko bang ganun ka?"


"SELOS KA LANG!"


"ULOL MO! BAKIT AKO MAGSESELOS HAH?! ASHUMERANG PALAKA!"



"DENY DENY KA PA! SELOSO!"


"TANGINA, MAGSAMA KAYO NG ANDY MO!"


Sigaw nya sabay walk out dala lahat ng gamit nya.




•°•

Lady_Mrg

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

28.3K 395 17
@KING DARK CALEX SANTILLAN King Dark Calex Santillan is a multi-billionaire man that well known in this country. Well isa syang kagalan...
1.6K 144 39
Time machine will ruin everything. Their love story, fate and memories. This story will taught you different things.
91.6K 324 13
As the title says
131K 2.8K 32
It's all about arrange marriage and suddenly they fell in love but in this case not all love story had a happy ending. . . . Hindi lahat ng love stor...