The Lost Prodigy

By jaydefied

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... More

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

55. Reason

3.4K 217 26
By jaydefied

We ran fast without stopping. Nasa loob na kami ng kagubatan ngayon. Nauuna sa pagtakbo si Ophelia habang sinusundan namin siya. Did she already know her true bloodline? That she is Princess Lithuania Maxime?

Kanina pa natuyo ang mga luha ko pero hindi ko pa rin matanggap na wala na si Avery. She went inside the Labyrinth to warn us and help us get out. But she risked her life and ended up dying just to protect us. Sumasakit pa rin ang dibdib ko kapag naaalala ko ang ngiting binigay niya sa akin bago tuluyang sumara ang maze.

Naramdaman ko naman ang mahinang pagpisil ni Orion sa aking kamay na hawak-hawak niya ngayon habang kami ay tumatakbo. He wasn't looking at me but I know that he's just hiding what he feels behind his cold mask. Mas mabigat ang dinadala niya dahil sa isang iglap lang ay nauwi sa wala ang lahat ng ginawa niyang pagpaplano.

The Vanguards were discovered. Our cover had been blown in a blink of an eye. Alam na ng emperyo kung sino ang nangunguna sa rebelyon. They'll come hunting for Midas now and the other rebels. Taimtim naman akong nagdasal na sana nakaligtas ang mga nasa Frontier noong sinalakay sila ng mga kabalyero.

Nakarating na kami ngayon sa masukal na parte ng kagubatan. Nabunggo naman ako sa likod ni Orion nang bigla siyang tumigil. Napatingin ako sa harapan at nakita kong huminto rin si Ophelia dahil nagising na rin si Ella.

"I think we have to rest for now," sabi ni Ophelia sa amin. Orion seemed to disagree but he didn't show his objection. I wanted to comfort him and to tell him that everything will turn out well soon. Pero hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kanya. Magulo na ang lahat at hindi ko alam kung babalik pa ito sa ayos.

Pinapalakas ko lang ngayon ang loob ko. Pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi maiyak dahil namamaga na ang aking mga mata. Inisip ko na lang na may mga rason talaga kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. And I'm also hoping that better things are in store for us. I hope that we can still rise from this downfall.

Nakahanap naman si Ophelia nang ligtas na lugar para magpahinga. Nang makarating ako sa parteng iyon ng kagubatan ay napahinga ako ng malalim. Hindi ko napansing napagod din ako ng husto sa pagtakas. I was also worn down by other emotions inside of me. Maraming nangyari sa araw na ito kaya nahirapan pa akong iproseso ang lahat ng pinagdaanan namin.

Nakita kong isinandal ni Orion si Raiden sa isang puno bago magsalita. "I'll take watch." Tinignan ko lang ang papaalis niyang pigura kahit may gusto akong sabihin sa kanya. I think he needs to be alone right now.

Inaasikaso ni Ophelia ang walang malay naming kasama kaya pumunta na lang ako kay Ella. She was unusually quiet and I can see that her eyes were swollen. Tulala siya habang nakatingin sa lupa. Nabiyak naman ang puso ko nang makita siya sa ganoong anyo. Uminit bigla ang dugo ko dahil sa galit.

What did they do to Ella?

"Nandito na ako, Ella. Wala ka nang dapat ikatakot pa," wika ko sa aking kaibigan pero nanatili lang itong tulala at tahimik. Hindi niya ako nagawang tignan at parang hindi niya rin ako narinig. I couldn't see any emotion on her pale face. She was alive but she looked dead inside.

I panicked. Nanginging ang kamay ko sa sobrang galit. Gusto kong magwala at parusahan ang may gawa nito kay Ella. I'll make that bastard pay for what he did.

Pero bumalik ako sa sarili nang may humaplos sa aking likuran. Malamig ang kamay niya pero nakaramdam ako ng kakaiba roon. Gumaan naman ang pakiramdam ko at nawala ang pagkamuhi sa aking puso.

"She must be in a state of shock right now. Huwag natin siyang madaliin. Hayaan na lang muna natin siyang mapag-isa. There might be battles that she has to face on her own," makabuluhang pahayag sa akin ni Ophelia. Sumunod naman ako sa kanya at napaupo sa isang natumbang puno.

We were both looking at the small bonfire that the latter created. Before, I was looking forward to talk with Ophelia because she was a mystery to me. Pero ngayong kilala ko na kung sino talaga siya ay nahihiya na ako sa kanya. I was wrong for judging her.

"Thank you for saving us, Ophelia. And I'm sorry."

Napangiti naman siya sa akin pagkatapos. "I don't know what you're sorry for, but I accept your apology. And you're welcome."

"We went inside the maze to look for you. Pero kabaliktaran ang nangyari dahil ikaw pa ang nakahanap sa amin. Ironic, isn't it?"

"Yes, I heard that you were looking for me. So that really confirms that I'm the lost prodigy," kalmado niyang wika na ikinagulat ko.

"You already knew?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya na sinagot naman niya ng tango.

"I was born as a necromancer. My flair gives me the ability to talk with ghosts and the deceased. When I was young, I was frightened by them. Pero habang lumalaki ako ay nawala ang takot ko sa kanila. The spirits of the dead helped me countless times. They were there for me and Raiden when we escaped from our burning orphanage. Parang tagabantay ko na sila kung ituring at sila lang ang nakakapitan ko sa mga panahong ako lang mag-isa. Pero ni minsan ay hindi nila ako tinawag sa pangalan ko. They always address me as Princess Lithuania. Kinutuban na ako noon pero hindi ko iyon sinabi kay Raiden. I'm not sure that I'm the last Maxime. Until now."

Huminga naman ako ng malalim nang mapagtanto ko na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga.

"Knowing the truth, it must be very hard for you."

"I didn't really expect to be the lost princess. I'm not yet fully convinced kahit sinabi mo na sa akin ng harapan."

Kumunot naman ang noo ko dahil doon. "And why is that?"

Humarap naman sa akin si Ophelia. Nakikita ko na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya iyon nagawa. Iniiwas na lang niya ang kanyang paningin at ibinalik sa maliit na apoy na nasa aming harapan. The heat that the fire emitted was enough to warm us on this windy and dark night.

Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Natigil lang iyon nang mapabuga ng hangin ang aking katabi.

"I was wondering about many things ever since I knew how my ability works. Bakit ang mga kaluluwa lang ng mga taong hindi ko kilala ang kumakausap sa akin? Even if I was an orphan, the spirits of my family members must have somehow found a way to communicate with me. Pero ni isa sa mga espiritong nakakausap ko ay hindi ko kamag-anak. And if I was indeed Princess Lithuania, bakit hindi nagpapakita sa akin ang mga totoo kong magulang? Unless they are alive, they could have showed their presence to me. Pero hindi sila nagparamdam, Blaire. Yes, I wasn't alone because I had the other ghosts around. But I needed my family. I needed them the most but they seemed not to care about me."

Ophelia was crying by my side and I caressed her back to comfort her. Maswerte ako kung ituturing dahil may pamilya ako. In those past years, I was happy and contented. I didn't know that other children were suffering and starving. And worst, they were homeless.

Guilt was slowly consuming me.

"I don't have the answers to your questions, Ophelia. Pero isa lang ang masisiguro ko. You're not alone anymore. You have us now. Raiden even escaped death many times to be here for you."

"At naniniwala akong may rason kung bakit nangyayari ang lahat. You may find it hard to discover those reasons but in the right time, I know that things will unfold nicely. All you had been through wouldn't be worthless, I promise," dagdag ko.

Tinapik naman ni Ophelia ang balikat ko nang matigil na siya sa pag-iyak. "Thank you, Blaire. Looks like I already have an adviser." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"At bilang tagapayo ko, ano sa tingin mo ang sunod nating dapat gawin?" tanong ni Ophelia. Puno ng determinasyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Sinagot ko siya ng hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi. "We need to rebuild your army, Princess Lithuania."

_____

We left early in the morning. Nakatanggap kasi ng mensahe kagabi si Orion mula kay Chief Zero. Sabi ng huli ay nagawa nilang lumikas sa isang abandonadong bayan sa hilaga. Dahil maaga kaming naglakbay ay nandito na kami sa Boreal Region at malapit na namin marating ang Alkyne Town kung saan naroroon ang mga Vanguards.

I saw how Orion's mood changed when he informed us about the letter that he received from a messenger owl. Nakahinga rin ako ng maluwag nang malaman kong walang nasawi sa mga Vanguards noong umatake ang emperyo. Many got injured but Chief Zero assured us that all of them were alive.

Nagising na rin si Raiden kaninang umaga. He was surprised to see us. Mas lalo siyang nagulat nang makita niyang kasama namin si Ophelia. I couldn't help but to be glad because they got reunited at last.

Mukhang hindi rin natatandaan ni Raiden ang nangyari noong nakaraan kaya wala na dapat akong ipag-alala. Seeing him doing good and happier than the time we're inside the maze is enough already.

"What's the matter?" rinig kong tanong ni Orion sa akin. I was just being wary of the woods but he might've noticed how serious I became.

Pinagigitnaan nila ako ni Ella na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Pero kahit tahimik siya ay nakikinig naman siya sa amin. I really hope that time would heal her faster.

"It's nothing. Bumalik na ba ang kapangyarihan mo?" tanong ko kay Orion. His nod was his only response. I didn't know that the nullification effect of Asher's ability would last for almost a day. But it was good to have my spiritus energy back.

Nang hawiin ni Ophelia ang mga malalagong dahon ng halamang nasa aming harapan ay bumungad sa amin ang napakaraming bahay na bato. Maingat kaming pumasok sa tahimik na bayang iyon. Wala pa akong nakikitang mga tao sa labas dahil kailangan nilang magtago para sa kanilang kaligtasan.

Orion whistled three times. That was what Chief Zero ordered him to do to inform the Vanguards about our arrival. Mula naman sa aming gilid ay nakita kong lumabas si Chief Zero mula sa isang bahay. Napako ako sa aking kinatatayuan nang bigla ring nagsilabasan ang mga kabalyero ng emperyo mula sa iba pang mga bahay at pinalibutan kaming lima.

"I'm sorry," rinig kong wika ng lalaking pinagkatiwalaan ko. Napatawad ko na siya sa lahat ng ginawa niya noon sa akin pero hindi ko na siya mapapatawad sa ganitong pagkakataon.

I don't know what to feel anymore. I tried pinching myself. Umaasa akong panaginip lang ang lahat ng ito.

But everything was clear. Chief Zero betrayed us.

It was a trap and we let ourselves fall into it.

Continue Reading

You'll Also Like

119K 4.6K 65
βœ”COMPLETED (New Version) | Axphain Academy: School for Divine Angels (Metanoia Series 3) Axphain is a nation of divine winged mythical creatures. Th...
338K 19K 56
COMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story β‹˜ ───────── βˆ— β‹…β—ˆβ‹… βˆ— ───────── β‹™ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exi...
102K 5.3K 80
People in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful i...
157K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...