The Lost Prodigy

بواسطة jaydefied

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... المزيد

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

43. Reborn

4.2K 259 75
بواسطة jaydefied

"Do you really want to go alone, Blaire? I really insist on coming with you," nag-aalalang tanong sa akin ni Avery habang tinitignan akong suotin ang itim na kapang ibinigay niya sa akin. I asked her for a hooded cloak that would allow me to blend into shadows of the night.

Nang mapatingin ako sa labas ay kinabahan ako. Natatakpan ng mga ulap ang mga bituin sa kalangitan pati na rin ang liwanag na nanggagaling sa buwan kaya napakadilim ng paligid. Pero parang umaayon din ito sa plano ko.

I'm going to find and save Ella. And I have to be one with darkness this time.

The Pillars are implementing strict safety procedures around the entire Stronghold's Academy. Marami na ang umiikot at nagbabantay na mga Doyen sa labas ng kani-kanilang mga Houses. It's like the Novitiates were on a lockdown. Bukas na kasi ang Ranking Ascension at matutuloy pa rin ito sa kabila ng madaming bilang ng mga nawawalang trainees.

Sasama sana si Gale sa binabalak ko pero kanina ay kinuha na siya ng Pillar ng House Imperium at mukhang ikukulong pansamantala sa loob ng House nila. The academy just couldn't risk their best and strongest trainees who also have the most potential. By thinking of it, ang House Imperium lang ang tanging House na walang nalagas na miyembro.

Looks like I have to do this on my own. It's better this way so that the casualties will be lessened if my plan failed.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala ng iyong kaibigan. It's never your fault," wika ulit ni Avery at napangiti naman ako ng mapakla sa kanya. Kahit saang anggulo ko man tignan, isa lang ang nasisiguro ko. I have brought this upon my friend.

And I should be the one to rescue her from the danger I've put her in the first place.

Yumuko ako sa kanya bilang tanda ng pasasalamat bago ko tinanggap ang dagger na ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari kaya mas mabuti nang maging handa. I sheathed the weapon at the case that I've worn on my waist. May isa pa akong nakatagong patalim. I kept it inside a hidden sheath attached to my combat boots.

I am also constantly hearing the hum of the power inside me. Hindi ko kasi muna isinuot ang wristband na nagpapawalang-bisa sa aking mahika dahil baka kailanganin ko ang kapangyarihan ko mamaya.

Naalala ko naman bigla ang puwersang kumawala sa akin kanina. Nakaya ko bang kontrolin ang hangin at lupa? But I was only the water inheritor. How could I manipulate those two other elements?

Bumalik naman ako sa kasalukuyan nang magsalita si Avery. I'm currently inside her quarters in the Healing Camp. Hindi na muna ako bumalik sa House Magnus dahil baka hindi rin ako palabasin ni Asher. But I hope he's busy right now para hindi niya mapansing nawawala rin ako.

"Mag-iingat ka, okay? Be careful of the woods," paalala sa akin ni Avery habang hinahatid na niya ako palabas. Dito kami dumaan sa tarangkahan ng inner courtyard ng kampo.

I touched Avery's shoulders to ensure her of my safety and to show that I understood what she said. Nawala naman kahit pansamantala lang ang pagkabahalang nakapinta sa kanyang magandang mukha.

"Thank you Avery for helping me. I'll bring Ella here when I find her," sabi ko sa kanya at tumalikod na.

Agad akong tumungo sa pinakamalapit na puno at doon nagsimulang magmanman. Inaadjust ko pa ang paningin ko sa kadiliman. May mga iilan din namang alitaptap sa paligid pero hindi masyadong nakatulong ang liwanag nila para makakita ako ng maayos.

Naging alisto naman ako nang makita ko ang hinihintay kong tao. I once again saw a figure cloaked in black running across the grassland towards the forest. But the strands of white hair strewn across her face gave her identity away. I was sure that I saw Ophelia.

I chased her while maintaining a safe distance. Sa pagtakbo ko ay naramdaman kong binabalot ng hangin ang aking mga paa kaya bumilis ako at gumaan ang aking bawat yapak. Nadaanan ko na ngayon ang lugar kung saan may mga nakataas pa ring bahagi ng lupa dahil sa naging laban namin kanina ng tagapagsanay ko. I mentally slapped myself dahil chineck ko pa talaga kung nakakulong pa rin si Topher sa loob.

With my newfound powers, I easily arrived inside the forest. Ilang metro lang ang layo ni Ophelia sa akin at kasalukuyan pa rin siyang tumatakbo na para bang may tinatakasan. Lumingon naman ako para tignan kung may humahabol ba sa kanya pero wala naman. If she's the mastermind behind all of the recent incidents, then maybe she's planning to escape now. Pero hindi ko siya hahayaan. Kung may kinalaman talaga siya ay siguradong alam niya kung na saan si Ella at ang iba pang mga Novitiates.

Her trailing obsidian cloak was the only guide that I had to avoid losing her. Kahit tinutulungan na ako ng hangin ay napansin kong hindi ko pa rin siya nahahabol. For a Novitiate, she seemed incredibly fast as a runner. Baka dahil sa abilidad niyang ito ay nahirapan si Ella na hulihin siya. Mahina pa naman yun pagdating sa takbuhan.

I kept chasing her until I lost track of time. But I didn't feel any fatigue. Maybe because air has refreshing abilities that replenished my lost energy. Sa tagal ng paghabol ko sa kanya ay nalampasan ko na ang maliit na sapa sa loob ng kagubatang ito ng akademya. Kinakabahan na rin ako dahil nasa malalim na parte na ako ng kagubatan na hindi ko pa nagawang puntahan noon.

Narinig ko naman ulit ang babala ni Avery. "Be careful of the woods."

But I can't stop now because I'm already a step closer to catching the culprit. Baka ganito rin ang naramdaman ni Ella kaya napupunta sa wala ang mga bilin at paalala ko sa kanya. It's pretty hard to control yourself when you know that you're about to reach your goal. Because if you stop, the opportunity might not pass again so you should take it while it's still there.

Kahit na mapahamak man ako sa pananaw kong ito, I'd rather take a risk now. Dahil bawat segundo ay importante. Sa magiging desisyon ko nakasalalay ang buhay ni Ella. At kahit ayaw kong isipin, may posibilidad na baka hindi ko na makitang muli ang matalik kong kaibigan kung hindi ko susundin ang aking instinct.

Ophelia went deeper into the woods and I kept trailing behind her. Close but not close enough for her to sense someone following her. Kailangan ko ring mag-ingat dahil hindi ko magagawang iligtas ang kaibigan ko kung ako ang unang mapapahamak.

But I stopped on my tracks when I saw Ophelia just simply vanished. Ikinusot ko pa ang aking mga mata bago ko inilibot ang aking paningin. Inis naman akong napadabog dahil nawala ko ang taong makapagbibigay sa akin ng mga kasagutan.

Sa parte ng kagubatan kung saan ko nakitang naglaho si Ophelia ay nakakita ako ng isang higanteng bato. The boulder reeked of enchanted energy that's why I decided not to test my earth abilities on it. Nang igala ko pa ang aking paningin ay napahawak ako sa aking dibdib. I didn't know that the Stronghold was protected by a large wall that extended up above. Hindi ko na makita ang tuktok nito dahil sa taas nitong nakakalula. Para akong langgam ngayong nakatingala rito sa baba.

The forest bordering the academy was always shrouded in mist and it obscured my vision effectively, rendering me unable to see that there's indeed a wall enclosing us. Hindi ko alam kung bakit kailangan ng ganitong kalaki at kalawak na pader na pumapalibot sa akademya. The Stronghold is managed by the strongest preceptors and commanders.

Para saan ba talaga ito? Was it to prevent trainees from escaping? Or to stop enemies from attacking the Stronghold?

Hindi ko inaasahan ang pagwawala ng aking puso dahil sa pangamba nang may maramdaman akong mga bagong presensiya. Basing on their footsteps coming toward me, masasabi kong lima sila.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil nabibigatan na ako sa tensyong dala ng mga nilalang na iyon. It wasn't the same with Topher's arua because theirs were pure wickedness. Parang kasabay nilang naglalakad ang kadiliman mismo.

Masyadong bukas ang lugar kung saan ako ngayon at kaunti lang ang pwedeng mapagtataguan. Kung gagawa naman ako ng hakbang paalis ay baka mapansin at mahuli ako ng mga paparating.

Nagulat na lang ako nang may humila sa akin mula sa likuran. Sisigaw na sana ako pero tinakpan ng taong ito ang aking bunganga kaya hindi iyon natuloy. Magpupumiglas pa sana ako pero napansin ko ang puting buhok ng may hawak sa akin.

I faced Ophelia and she just gave me a gesture to keep me quiet. Nang hawakan niya ako ay may biglang pumaikot sa aking hamog. But this mist was as dim as the night sky and it made Ophelia and I completely invisible as we retreated behind a nearby tree.

I couldn't feel anger at her right now. Dahil napukol ang tingin ko sa mga taong nasa harapan na ngayon ng higanteng boulder.

Limang mga magicae na nakakapa ng itim ang nakita ko. They were also hooded which made it impossible for me to identify them from one another. Nakasuot silang lahat ng itim na maskara kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Pero nang titigan ko sila ng isa-isa ay may pumukaw sa aking atensyon. Parang may nakita na akong may ganoong kulay ng mata. Sapphire blue.

Humakbang ang isa sa lima at pumunta sa harapan ng bato. Nagsalita ito ng hindi ko maintindihang lengguwahe at bigla na lang yumanig ng kaunti sa kinaroroonan namin ngayon dahil gumulong paalis ang malaking bato. The boulder was hiding a gate that led outside the academy.

Walang nagsalita sa limang nakamaskara bago sila dumaan sa tarangkahan. Hindi ko alam pero sumama ako kay Ophelia nang sundan niya ang mga taong iyon. Kung kakaalis lang namin sa gubat na nasa loob ng Stronghold ay sa isang panibagong gubat naman kami napunta paglabas namin sa akademya.

I remained quiet while we followed those mysterious magicaes. Patuloy pa rin kaming tinatago ng hamog na galing mismo sa kapangyarihan ni Ophelia. I used my wind to hide our footsteps. Kahit hindi ko alam kung bakit tinutulungan ako ni Ophelia ay pinili kong magtiwala sa kanya. Kahit may hinala akong baka dinadala lang niya ako sa isang patibong dahil kasabwat talaga siya ay sumama pa rin ako sa kanya.

I trusted her once before and I might trust her again.

Nakita kong nakarating na kami sa bukana ng isang kweba. Hinintay naming makapasok ang limang nakakapa bago kami kumilos.

Pero nagulat ako nang pigilan ako ni Ophelia. "Pwede kang maghintay dito sa labas," pabulong niyang sabi sa akin habang nakatingin pa rin sa harap. Pero umiling ako sa kanya bilang sagot.

"Baka hindi ka pa handang makita kung ano ang nasa loob, Blaire. We'll save Ella if that's what you're planning to do. She's still safe. For now," dagdag niya pero umiling lang ulit ako kahit may nanunuot ng kaba sa aking sistema. Nagtaka naman ako nang maalala ang sinabi niya. May kasama ba siya?

Mula sa likuran namin ay biglang may lumitaw na isang lalaki. Natatabunan ang kalahati ng kanyang mukha ng isang itim na bandana na kasingkulay din ng kanyang kasuotan. Tumango lang si Ophelia sa bagong dating bilang pagbati.

"I'll go with you," pagmamatigas ko pa rin kaya pumayag na lang siya. Naunang pumasok ang lalaki at sabay naman naming tinahak ni Ophelia ang daan papunta sa loob.

Pagkaapak ko pa lang sa bukana ng kweba ay halos manghina na agad ako dahil sa tindi ng enerhiyang nanggagaling dito. Lihim akong nagpasalamat kay Ophelia nang hinigpitan ng huli ang hawak niya sa akin para hindi ako matumba.

As we went deeper into the cave, my breaths and steps became heavier. The flair inside me seemed to recoil from an opposing force. Natakot ako nang malamang pamilyar ang pakiramdam na iyon. It was the old and cursed dark magic that I've witnessed first-hand when I dreamt about Calev and his waging of war against his fellow immortals.

Pero mukhang katiting palang ito sa naramdaman ko noon. This powerful energy seemed to be still subdued and limited. Pero kahit ganoon ay napakalakas pa rin ng epekto nito sa akin.

And when we arrived at the center, I almost fell on my knees. I saw a huge black cauldron located in the middle of the place and around it were vicious creatures that looked like the Novitiates that went missing.

Umakyat na ang takot sa aking puso at hindi na ako halos makahinga nang mapagtantong sila nga ang mga kasama namin noon sa pagsasanay. But now, they were transformed into a completely different being. They were reborn into children of the dark.

Their bodies were as black as obsidian and I shivered when I saw their razor sharp nails. Naging purong itim na rin ang kanilang mga mata habang ang mga buhok nila ay naging puti. Swirling tendrils of smoke encircled their bodies as they gnashed and clawed at the magical metal bars that kept them locked up.

Pero hindi kabilang sa mga nag-ibang anyo si Ella. Kahit nanginginig na ako sa takot ay nabuhayan pa rin ako ng pag-asa. It was too late for us to save those trainees but we can still rescue my friend.

Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan ni Ophelia nang makita ko ang isa sa mga taong nakamaskara ay buhat-buhat ngayon si Ella at mukhang ihahagis ang huli sa loob ng cauldron na may lamang itim na likido. Nakalagay ang kawa sa pinakagitna ng isang magic circle at nakapuwesto na ang ibang mga taong nakakapa para isagawa ang sa tingin ko ay isang ritwal.

Walang malay ang kaibigan ko at nang makita ko ang kalunos-lunos niyang kalagayan ay hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Hinawakan ko ang isang parte ng kweba at agad namang may namuong bitak doon. Kumalat ito sa buong lugar at nang makita kong nakarating na ito sa tuktok ng cauldron ay binitawan ko na ang aking kontrol.

I sent the whole cave crumbling down.

"Intruders!" Rinig kong nanggagalait na sigaw ng isang taong nakamaskara. Pero dahil patuloy pa ring nahuhulog ang mga tipak ng lupa ay nahihirapan silang hanapin kami.

I felt Ophelia disappear behind me and materialized in front of the one who was holding Ella. She managed to land a blow on the enemy kaya nakuha niya ang aking kaibigan. But when she was about to teleport back to safety, may isang lumilipad na espadang umatake sa kanya. Gumawa ako ng harang gawa sa lupa kaya hindi siya napuruhan nun at maayos na nakaalis.

Umilag ako nang maramdaman kong may paparating na atake. Nagawa ko naman iyon pero pinalibutan ako ngayon ng nagliliyab na asul na apoy. The heat coming from it was intense because blue fire has the hottest flame.

Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Nilagay ko ang aking palad sa lupa at gumawa ng mga malalaking tinik at ipinatama iyon sa mga taong nakamaskara na papasugod sa akin.

I enveloped my body in a cocoon of cool wind to shield myself from the blue flame. Napaso man ako ay nakagawa ko pa ring lumabas mula sa ring of fire.

Pinabilis ko ulit ang aking pagtakbo pero nadapa ako nang may tumarak na espada sa aking binti. Impit akong napasigaw habang pinipigilan ang mabilis na pag-agos ng dugo palabas sa aking katawan. Isang kalaban ngayon ang nasa harapan ko at narinig ko siyang humahalakhak.

I knew that voice. It belongs to the woman who was with Commander Odin. Lady Mirage.

"I should've killed you back then using my bare hands. I didn't know that you'd be a pain in the ass," wika nito sa akin at napasigaw na lang ako nang hiwain ng lumilipad niyang espada ang aking likuran.

At mukhang susundan niya pa iyon nang isang atake nang biglang may lumapag sa harapan ko. Umaapoy ang buong katawan ng lalaking ito habang pinapaulanan niya ng maraming bolang apoy si Lady Mirage. Dahil doon ay napilitan ang huli na umiwas.

Akala ko matutusta ako nang buhatin ako ng lalaking binabalutan pa rin ng apoy pero sa halip na masaktan ay nakaramdam ako ng ginhawa sa matitipuno nitong bisig.

Bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nakita ko ang kanyang mukha.

"Raiden," paos pero puno ng galak kong tawag sa kanya bago tuluyang sumara ang talukap ng aking mga mata.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.8M 93.5K 71
Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peac...
102K 5.3K 80
People in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful i...
5.7K 263 21
You'll never know what kind of secrets everyone's shadow has witnessed. The people in Valteroz who was scared of their own shadow was now in peace be...
She's the Boss بواسطة Zy

قصص المراهقين

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...