The Lost Prodigy

By jaydefied

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... More

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

38. Suspect

4.3K 260 50
By jaydefied

“She’s the seventh Novitiate who died,” bulong sa akin ni Ella. Kasama ko siya ngayon dito sa Training Ring. Hindi ko sinabi ang nangyari kahapon sa kanya tungkol sa balak na pagpapaalis sa akin sa Stronghold. Instead, I told her that Topher was assigned by the new Head to train me personally. Dahil kung sasabay pa ako sa training naming mga Novitiates, siguradong mapag-iiwanan na ako.

Nasa ikatlong lebel na sila kung saan hinahasa na nila ngayon ang kanilang mga abilidad. Habang ako ay pinapatapos pa lang ang pinakaunang yugto at iyon ay ang Physical Aspect.

Napalunok naman ako nang tuluyan nang naproseso ng aking utak ang sinabi ng aking kaibigan. “Kailan pa nagsimula ito?”

“The first victim’s body was found exactly the day after you fell asleep,” sagot naman ni Ella sa akin at kinutuban na ako kung sino ang taong iyon.

“Si Felix ba iyon?” tanong ko sa kanya at nang lumaki ang mata ni Ella habang hindi makapaniwalang tumingin sa akin ay nakumpirma ko na ang lalaking iyon talaga ang unang biktima.

Napatayo naman si Ella habang iwinawasiwas ang kanyang nanginginig na kamay. She began pacing back and forth and her face turned white when she remembered something.

“May sinabi ka sa akin noon. About sa roommate mo. The night that she cried. She was muttering Felix’s name, right?’

Napatango naman ako sa kanya. Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam ang iniisip ni Ella pero sa akin, isa lang ang nasisiguro ko. Malakas ang hinala kong may alam si Ophelia tungkol dito. I even saw her last night, running away from the park, where the body of our fellow Novitiate was found. Ayaw kong mambintang pero baka may posibilidad na may kinalaman siya sa lahat ng pagpatay.

“Pare-pareho ang mga nangyari sa mga biktima, Blaire. They were literally drained from the inside and out. Parang may kung anong humigop ng buhay sa katawan nila hanggang wala nang matirang hininga. Base sa narinig ko, lahat din sila ay pinutulan ng dila. Whoever was doing the killing planned everything well. Within two months, not a single trace was found. Akala nga namin matitigil na ang pagpatay dahil dalawang linggo na ang nakalipas nang makita ang bangkay ng ikaanim na trainee. But it seemed that the killings are far from over,” mahabang kuwento ni Ella sa akin.

Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Hindi lang dahil sa mga nalaman niya pero dahil na rin sa takot. It was obvious that the murderer is targeting Novitiates like us. But why?

“I’m scared, Blaire.”

Umakbay naman ako sa kanya para kahit papaano ay hindi niya maramdamang nag-iisa siya. Kumonti na lang daw kasi kaming mga Novitiates ngayon at minsan ay hindi nakakasama si Gale dahil may kanya-kanya ring mga pinapagawa ang mga Houses nila sa kanilang dalawa.

“You don’t have to, Ella. Basta sundin mo lang ang curfew parati at maging maingat lang sa paligid mo. Instead of being afraid, you must be cautious. Pakiramdaman mo parati ang paligid at huwag magtiwala sa kung sino-sino. Kahit ang mga kapwa nating trainees,” payo ko sa kanya habang nakasandal kami sa isa’t isa.

“Namiss na kita makasama, Blaire! But even though we train separately now, I’m glad that we still have each other’s backs. And I’ll be careful around Ophelia, if that’s the thing that you can’t say directly,” sabi naman ulit ni Ella sa akin.

“Kahit ayaw ko siyang paghinalaan, hindi ko pa rin magawa. She’s really suspicious,” sambit ko kay Ella. Itinaas naman niya ang kanyang hintuturo nang may napagtanto siya ulit.

“Indeed, Blaire! Did you find it weird that the murders started when you’ve been sent to the Healing Camp?”

Napatango na lang ako kay Ella at sinenyasan siyang ipagpatuloy ang gusto niyang sabihin dahil hindi ko pa maintindihan ang gusto niyang iparating.

“When we you were in the infirmary, it would be the perfect opportunity for your roommate to commit the murders. Dahil mag-isa na lang siya, wala nang makakapansin sa mga kinikilos niya at wala nang maghihinala. And just like what you told me, you saw Ophelia earlier. At sigurado akong bago mo siya nakita ay nagawa na niya ang dapat niyang gawin. She already killed Floss Myrrh,” malinaw na paliwanag sa akin ni Ella. Napabilib na lang din ako sa aking kaibigan dahil may punto ang lahat ng kanyang sinabi.

“Iba talaga ang mga taga-House Prudite,” puri ko sa kanya at nagbow naman si Ella at kumaway-kaway pa pagkatapos na parang ewan. Natawa na lang din ako sa pinaggagawa niya.

”So right now, Ophelia is our primary suspect. Pero ano naman sa tingin mo ang motibo niya kung siya nga ang gumawa sa lahat ng pagpatay?’

Natahimik naman si Ella at malalim ulit na nag-isip. “Hindi ko alam. May ideya ka Blaire? Baka may signs na siyang pinapakita habang kasama mo siya noon?”

Ako naman ngayon ang napaisip. “Ophelia was always mysterious but despite that, nakikita ko ang kabaitan niya. Ni hindi nga siya makabasag pinggan. Pero mailap siya sa ibang trainee at pati na rin sa akin kaya hindi ko siya lubusang nakilala. She would be an unlikely suspect.”

“Pero nahuli mo siya sa akto, Blaire, kaya siya na ang pangunahin nating pinaghihinalaan. Ang naiisip kong posible niyang motibo sa pagpaslang ay baka may tinatago siyang sama ng loob sa pito kaya nagawa niyang patayin sila. And in our flair training, ni minsan ay hindi niya pa pinapalabas ang kakayahan niya. And if her flair is connected to the way the victims were killed, that would be enough evidence to reveal her sins.”

Mukhang desidido na talaga si Ella. The fear in her eyes was replaced with determination. Tahimik naman akong napadasal na sana walang mangyaring masama sa kaibigan ko.

“Basta mag-iingat ka, Ella. Huwag kang basta-bastang gagawa ng maari mong ikapahamak, okay?”

Napangiti na lang si Ella sa akin bago niya ako tinapik sa balikat. “Masusunod po nanay!”

“I’ll let Gale tag along with me, para hindi ka na masiyadong mag-alala. I’ll update you whenever I can!” Dire-diretso na ring lumabas si Ella kahit na may gusto pa siyang sabihin sa akin.

Nalaman ko naman kung bakit dahil ngayon ay nakabalik na si Topher sa loob ng Training Ring. Tapos na ang kalahating oras na ibinigay niya sa akin para kumain ng tanghalian at magpahinga.

Sa papalapit niyang mga yabag ay naramdaman ko ulit ang malakas na tensiyong dala niya pero hindi na ako masiyadong natatakot ngayon. “You shouldn’t meddle with the investigation,” sambit niya nang makarating siya sa aking harapan. Tumayo na rin ako at pinagpagan ang aking pantalon. Tama nga talaga ang sabi ni Lady Mirage tungkol kay Topher. He’s indeed an eavesdropper.

Nakakibit-balikat akong napatingin sa kanya. “And you shouldn’t stick your nose on the business of others,” sagot ko naman sa kanya. Nakita ko naman ang pagkuyom ng kanyang mga kamao. Sa halos isang araw ng pagsasanay namin ay napansin kong madali siyang magalit at maubusan ng pasensya. I think he has some anger issues. But still, I know that he’s trying his best not to explode.

“This is not child’s play. You saw what happened to one of them. It’s extremely dangerous, Everett,” wika ni Topher nang kumalma na siya ng konti. Hindi pa rin ako sanay na may tumatawag sa akin gamit ang apelyido ko. But atleast he’s speaking to me now unlike his silent and cold treatment on our first day of training.

Napansin ko ang pagbabago niya kaninang umaga. Hindi naman siya nabagok nang matumba siya kagabi kaya ipinagtataka ko kung bakit umiba na ang kanyang timpla.

“Why do you care, Nolan? Naaalala ko pa ang mga sinabi mo kahapon. Don’t pretend to be concerned when you’re really not.”

Nakita ko namang umigting ang panga ni Topher. He was about to say something but I cut him off.

“Huwag mo akong itulad sa iyo. May pakialam ako sa mga nangyayari dahil ang mga target ay kaming mga Novitiates. Even though I don’t know them all, I still care for them. Kaya gagawin ko ang lahat para mahuli ang may sala para hindi na kami mabawasan pa.”

Napabuga naman ng hangin si Topher at nang akala ko ay bubulyawan niya ulit ako ay hindi iyon ang nangyari. For the first time, his stunning and emotionless eyes softened a bit.

“You don’t have to risk your life. I can protect you if you stay.”

Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng aking puso. I can feel heat rising to my cheeks as I bowed my head to avoid his gaze. His words. He is a master of his words. Sapat na ang masugatan ako ng kanyang mga salita. Ayaw ko nang may maramdaman pang iba.

Ginawa ko ang lahat para itago ang kakaibang emosyong ito. “Why are you doing this to me? Bakit parati mo akong nililigtas? Kung may hinihingi ka mang kapalit, mas mabuti nang maaga mong malamang wala akong maibibigay sa iyo.”

Napasabunot naman si Topher sa kanyang buhok at naglakad na papunta sa gitna ng Training Ring. Sumunod na lang din ako sa kanya. Maya-maya pa ay sinimulan na rin namin ang training pero ngayon ay may pagkailang nang namamagitan sa aming dalawa.

Binalikan lang namin ulit ang mga itinuro niya sa akin kanina. We resumed our training earlier before the sun could even rise and we ended exactly at noon. Wala talagang patawad si Topher dahil tuluy-tuloy lang naman niya akong sinanay sa mga oras na iyon. Pero dahil din doon ay marami-rami na ang natutunan ko sa kanya.

He taught me the basic self-defense moves that I can use when in danger. My guess was correct yesterday. Topher indeed targeted specific parts of my body where he can do the most damage with less effort. Pinayuhan niya rin ako na gawing prayoridad ang mga bahaging iyon ng katawan kapag nakikipaglaban para madali kong mapuruhan ang mga umaatake sa akin.

Nagawa niyang turuan ako kahit maikli lang ang sinasabi niya. I think he preferred demonstrations better than teaching me by words of instruction. Epektibo naman iyon dahil mas madali kong nakukuha kapag ginagawa ko ang isang bagay.

But because of those demonstrations, a lot of close contact happened. There are some instances na sobrang lapit na namin sa isa’t isa. Paminsan-minsan ay napapaatras ako kapag hinahawakan ako ni Topher dahil nahihiya at naiilang ako sa kanya. But where his touch grazed my skin, I can always feel a different sensation. I think that my skin burned every time his callused hand gripped my wrist.

But I just motivated myself that soon, this will be over. Touching was necessary and unavoidable in this part of the Novitiate Training. Pero kapag natapos na ito ay tiyak na makakahinga na ako ng maluwag. I can’t let Topher messed with my mind and my emotions. I don’t want any more distractions.

Ilang oras na ang lumipas at dumilim na ulit ang paligid. Ngayon ko lang napansin ang oras. Masyado kasi akong tutok sa pag-eensayo at dahil baka mapagalitan pa ako ng lalaking ito.

Tagaktak na ako sa pawis at basa na rin ang aking damit. Nahiya naman ako kay Topher dahil sa lagay ko ngayon. Wala man lang kasi akong nakitang kahit bakas ng pagod at pawis sa kanya. Kakatapos lang niya akong turuan kung paano makawala kapag may sumakal sa akin mula sa harap o likuran man.

Ang pinakahuling pamamaraan na ang ipapakita niya sa akin ngayon.

“I’ll teach you the Mount Position,” sabi sa akin ni Topher kaya napatango naman ako sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko namang humiga siya sa sahig ng Training Ring. Sumunod naman ako sa kanya pero nanatili lang akong nakatayo.

“Drop on top of me.”

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Napalunok na lang ako dahil hindi ko yata magagawa iyon.

“Do it or we’ll switch places.”

Agad naman akong pumunta sa gilid niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumwesto sa itaas niya habang pinapanatili ang distanya sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung nakikita ba ni Topher ang pamumula ko pero wala na akong pakialam. Gusto ko na lang na matapos na ito!

“Pin my wrists to the floor.”

Walang pag-aalinlangan kong ginawa iyon kahit na dahil sa kilos na iyon ay mas napalapit ang katawan namin sa isa’t isa. I can already smell his minty breath and I might faint any moment now because of embarrassment.

Bago pa ako ng makaisip ulit ng kung ano-ano ay isang hiyaw na ang kumawala sa aking bunganga nang baliktarin ni Topher ang posisyon naming dalawa. He did it with quick motions kaya hindi nahabol ng aking mga mata kung paano niya iyon nagawa.

Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko. Sumakit ulit ang likuran ko at kung magpapatuloy pa ito ay bugbog-sarado na talaga ako.

Topher was still pinning my wrists to the floor that’s why I angrily looked at him. Pero nang magtama ang mga paningin namin ay halos malusaw ako sa kung saan ako nakahiga. Topher was gorgeous but I can’t take this anymore! His stare is smoldering hot and my cheeks are burning right now! Masusunog na yata ako ng buhay!

Nakahinga ako ng malalim nang bitawan na niya ako pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang mabilis na pagtakbo ng aking puso.

“I don’t know that you have a dirty mind, Everett.”

Nagulantang naman ako sa sinabi ni Topher. Halos lumuwa ang aking mata sa pagkabigla. Is he a mind reader? Is he reading my mind the entire time?

“At dahil hindi mo nakuha ang huling pamamaraang iyon, I have no choice but to repeat it until you got it right. Training resumes tomorrow, two hours before dawn.” Natulala ako nang ilang segundo at hindi nakapagsalita. Tuluyan na ring nakalabas si Topher sa Training Ring.

Nang makabalik na ako sa sarili ay napahampas ako sa sahig dahil sa pagkaasar. I grunted in annoyance while massaging my pained back. “Argh! That devil!”

Continue Reading

You'll Also Like

101K 9.5K 52
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] Reverie races against time to finish the Grand Quest and request for Hiraeth's freedom, but the mission only uncover...
11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
157K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...
385K 28.3K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...