The Lost Prodigy

By jaydefied

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... More

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

31. Enigma

6.7K 333 6
By jaydefied

I jolted up awake from my sleep. My heart was beating abnormally inside my chest as cold sweat trickled down my face. I wearily leaned on the headboard of my bed to rest after the occurrence of an unforgettable dream.

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking kamay nang maalala ko ang lahat ng nangyari sa aking panaginip. Nagulat ako at hindi ko talaga inaasahang mapapanaginipan ko ang isang mahalagang kaganapan sa aming mundo.

Hindi pa rin ako makaisip ng maayos at lutang pa rin ako sa kasalukuyan. Kahit nakaupo ako ngayon sa aking kama ay naramdaman ko pa rin ang panghihina ng aking katawan. The presence of the deities were really intimidating and overwhelming.

It was just a dream but it feels real. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasaksihan ko ang paglitaw ng unang propesiya sa panahong magkakaroon sana ng isang madugong digmaan. Kahit hindi ko nakita ng klaro ang mukha ng mga diyos at diyosa ay naramdaman ko naman ang makapangyarihang presensyang dala ng bawat isa sa kanila. Right now, my mind found it hard for things to finally sink in.

Pero kahit naranasan ko na ang pangyayaring iyon ay marami pa ring katanungang bumabagabag sa aking isipan. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye tungkol sa mga kaganapan at kasaysayan ng aking mundo. Kasi naniniwala akong marami pang impormasyon ang kailangan kong matutunan. I need to know what happened after the announcement of the first prophecy.

But first, I need to ease myself. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga bagong impormasyong aking nalaman.

I decided to stand up and stretch. I gently massaged my head as I tried to restore the beating of my heart back to its normal pace. Huminga ako ng napakalalim habang tinatamasa ang lamig ng paligid. The silence and the cold helped me relax, even for a bit.

Humakbang na ako papunta sa isang sulok upang kumuha ng maiinom. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at dahan-dahan kong ininom iyon habang pinipikit ang aking mata. Dahil doon ay unti unti na ring bumalik sa normal ang tibok ng aking puso at nakakaisip na rin ako ng maayos.

Pero napayakap ako sa aking sarili nang biglang may dumaang hangin na parang nagyeyelo dahil sa sobrang lamig. I shivered because of the icy feeling. Nang igala ko ang aking paningin ay nakita kong nakabukas pala ang pintuan papunta sa balkonahe.

Nagsuot ako ng balabal habang papunta roon. Patuloy pa rin ang pagpasok ng malakas na hangin kaya binilisan ko na ang paghakbang para masarhan ang pinto.

And when I got close to the door, I immediately enclosed my fingers around the doorknob. Sasarhan ko na sana ngunit natigilan ako nang may marinig akong umiiyak. Madilim pa rin ang paligid at kahit ang buwan ay hindi ko na makita dahil baka natatakpan na ito ng mga ulap. Pero may natitira pa namang mga bituin kaya nakakakita pa rin ako kahit papaano.

Tahimik akong sumilip sa labas para tingnan kung doon ba nanggagaling ang tunog. Hindi ako nagkamali dahil doon nga nagmula. Agad akong napalapit kay Ophelia nang makita ko siyang nakahiga sa malamig na sahig.

Patuloy ang pag-iyak niya kahit nakapikit ang kanyang mga mata. Magulo ang kanyang buhok at ang kanyang makinis na mukha ay basang-basa na ngayon ng luha. Nasilayan ko ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa sobrang lamig pero kahit ganoon ang kalagayan niya, hindi pa rin siya bumabangon. Parang wala siya sa sarili.

"Ophelia! Anong nangyari sa iyo? Bumangon ka na," nag-aalala kong utos sa kanya. Pero parang hindi niya ako naririnig dahil wala pa rin siyang tigil sa paghikbi. But in between her cries, I can hear her mention a name.

"Felix," rinig kong sambit nito habang hinihingal na sa sobrang kaiiyak. But when I heard her say that name, I was frozen in place.

Anong meron kay Felix?

Ano na naman ba ang ginawa ng lalaking iyon?

Ipinagpaliban ko muna ang mga katanungang bumulaga sa aking isipan dahil kailangan ko pang ipasok sa loob si Ophelia. Baka magkaroon pa siya ng sakit dahil sa lamig.

Dahan dahan ko siyang inalalayan at isinampay ko ang kamay niya sa aking balikat. Parang hindi nauubusan ng luha ang babaeng ito dahil sa walang humpay nitong pag-iyak. Pero sa sandaling ito ay nakita ko ang ibang pagkatao ng isang Ophelia Zestaria. And somehow, I can see myself in her.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nakalapit na ako sa kama ni Ophelia. Hindi naman siya masyadong mabigat kaya hindi ako nahirapan sa pag-alalay sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasang hindi maawa sa kalagayan niya ngayon. She looks devastated and crestfallen.

Nang maka-ipon na ako ng sapat na puwersa ay tahimik ko siyang ihiniga sa kanyang kama. Nanginginig pa rin siya pero unti unti na ring tumitigil ang kanyang paghikbi. Pagkatapos ko siyang kumutan ay pinagmasdan ko ang pagtulo ng pinakahuling luha mula sa kanyang kaliwang mata.

Lumipas ang ilan pang minuto ay tumigil na rin sa wakas ang kanyang pag-iyak at nakatulog na rin siya. Tinungo ko na rin ang aking higaan para matulog ulit. Ikalawang linggo na ng aming training bukas at kakailanganin ko ng sapat na enerhiya para sa mga ipapagawa sa amin ni Sir Callum.

Pero bago ako matulog ay napasulyap ulit ako sa direksyon ni Ophelia na ngayon ay mahimbing nang natutulog at halatang napagod sa pag-iyak. Pero isang katanungan ang biglang sumulpot sa aking isipan.

"Sino ka nga ba talaga, Ophelia?"
___

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Promendae para roon ulit kumain ng almusal kasama sina Ella at Gale. Kaunti pa lang ang mga taong nakikita kong naglalakad dahil maaga pa naman at papasikat pa lang ang araw sa silangan.

Early in the morning, my mind is already bothered and I'm so disappointed. Kasi kanina pagkagising ko, hindi ko nadatnan at nakita si Ophelia. Her bed was already perfectly arranged when I woke up. I was going to ask her questions para mapayapa na ako sa pag-iisip. Pero wala eh.

That girl is really mysterious. Napapansin kong parati siyang mailap sa mga tao o umiiwas talaga siya. And she seldom talks, literally. Nagsasalita lang siya kapag kinakausap ni Sir Callum at ng iba pang mga guro sa akademya. Paminsan minsan lang din kami nag-uusap at kadalasan pa nga ay hindi niya ako pinapansin.

Sino ba talaga siya? Si Felix bang kasamahan namin ang tinutukoy niya kagabi at bakit siya nagkaganoon? Ano ba ang tinatago niya?

Mas binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa parke sa pagbabasakaling nandoon siya. Pero nadismaya lang ako dahil hindi siya kabilang sa mga taong naririto ngayon.

Napaupo na lang ako sa isang malapit na upuan at napahilamos sa aking mukha. My curiosity is already killing me. Dagdagan pa ng napanaginipan ko kagabi. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mababaliw na talaga ako kapag wala akong masabihan nito.

Natupad naman ang hiling ko nang eksaktong dumating na rin si Ella. Parampa pa siyang naglakad papunta sa aking direksyon habang minomodelo ang bitbit niyang malaking basket. Napaface-palm na lang ako sa pinaggagawa niya.

"Hi Blaire! I'm sorry nalate ako. You know naman, I need my beauty sleep. Bumalik pa pala si Gale sa House Imperium dahil may nakalimutan siya. Nauna na ako dahil you know naman na ayaw kong pinaghihintay di---," hindi ko na pinatapos si Ella sa pagsasalita dahil hinila ko na siya paupo sa tabi ko.

"Ay grabe ka, Blaire. Ang harsh mo," pabebe niyang wika with matching paiyak-iyak effect pa. Inirapan ko na lang siya bago magsalita.

"Tama na ang drama okay? I have something important to tell you," seryoso kong banggit sa kanya. Nagulat ako nang biglang lumaki ang kanyang mata at lumawak ang kanyang mga ngiti.

"OMG! Nililigawan ka na ni Fafa Asher? Sabi sa iyo eh, the two of you are meant to be!" Bulalas niya kaya pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Kaya ayun, nabatukan ko tuloy siya para matahimik. Humingi na rin ako ng pasensya sa lahat ng mga taong naabala namin.

"Aray," wika ni Ella habang himas himas ang ulo niya.

"Ano ba ang ginawa ko para bigyan ako ng sadistang kaibigan?" maarte niyang tanong habang nakatingin pa sa itaas. "Why?" dugtong pa niya habang pinagsaklop pa ang dalawa niyang palad.

Matalim ko siyang tinitigan kaya sa huli ay nahihiya siyang ngumiti sa akin sabay kamot sa batok. "Siyempre biro lang! Maswerte kaya ako dahil nandiyan ka always for me. Pero sigurado ka bang sasabihin mo talaga sa akin ang bagay na gusto mong sabihin? Diba sabi ni Lady Eve, huwag tayong magtiwala kahit kanino, kahit sa isa't isa?"

Iyon ang mahaba niyang pahayag sa akin. Kasabay noon ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. She looks sad because of that advice given to us by Lady Evangeline before we left the academy's parallel dimension yesterday.

"Uy, huwag ka nang mag-emote diyan. We are the best of friends Ella and don't forget that. I know that I can trust you and you can trust me back too," paliwanag ko na lang sa kanya habang nakangiti. Lumiwanag at sumaya ulit ang mukha niya at nagulat ako nang napayakap pa siya sa akin.

"Waaa! Infairness, natouch ako sa mga sinabi mo. Sige na, ishare mo na sa akin ang gusto mong sabihin. I'll keep my mouth shut if its confidential."

I smiled at Ella before narrating my dream about the prophecy and the situation with Ophelia. All through out, tahimik at taimtim lang na nakikinig si Ella. Ito rin ang unang pagkakataon na hindi siya nagside comment habang nagsasalita ako.

Nang matapos ako sa pagsasalaysay ay ang tulala at nakangangang mukha ni Ella ang unang bumungad sa akin. Pinipigilan ko lang na hindi matawa dahil sa hitsura niya ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Ella. Siya ang nagpatunay na mahirap talagang isink in ang mga impormasyong katulad nang sinabi ko kanina.

"Sana hindi mo na lang sinabi sa akin," tulala pa rin niyang litanya habang nakatitig sa isang sulok. Binigyan ko lang siya ng baso ng tubig na agad din naman niyang ininom.

At sa likod ay nakita kong paparating na si Gale. Magulo ang pagkakaayos ng kanyang kasuotan pero pogi pa rin siya kung tutuusin. Bagay talaga sila ng katabi ko. Pakipot pa kasi si Ella, halata namang gusto niya rin si Gale.

"Morning! Sorry nahuli ako. May inayos lang ako sa House namin," wika ni Gale sa amin. Nang marinig ni Ella ang boses ng lalaki ay bumalik naman siya agad sa katinuan.

"Okay lang Galeby! Basta pagdating sa iyo, I'm willing to wait," sabi naman ni Ella sa lalaki na kasalukuyang inilalapag ang mga laman ng basket sa mesa. Namula ang tenga ni Gale dahil doon.

"Cringe," malakas kong komento sa sinabi ng aking kaibigan. Kumunot naman ang noo ni Ella pagkatapos kaya napahalakhak ako.

Napatingin naman ako kay Gale na nasa harapan namin nakapuwesto. "Mas bagay kung ikaw ang babanat, Mr. Harper," wika ko naman sa lalaki kaya napakamot na lang siya sa kanyang batok.

"I'm not good in those," nahihiyang sambit ni Gale at nagulat naman ako nang biglang tumayo si Ella.

Kumindat siya kay Gale bago magsalita. "Well, you're in the right hands, Galeby. Tuturuan kita sa susunod basta sa akin mo lang iaapply, okay?"

Napahawak na lang ako sa aking tiyan nang sumakit iyon sa kakatawa dahil lang sa sinabi ni Ella. Iba rin talaga siya!

Kinilig naman ako nang makita kong tinignan ni Gale ang kaibigan ko at napatango. Tumili naman si Ella at tumalon-talon pa dahil sa simpleng gesture na iyon. Iba talaga kapag tinamaan ka na ng pag-ibig.

Napatawa na lang din si Gale sa ginawa ng huli.

Hinila ko ulit si Ella paupo dahil ang sama na ng tingin sa amin ng ibang trainees na nandito rin sa Promenade. "Bakit pala tumaas bigla ang pagkahyper mo ngayon?" tanong ko naman sa kanya. Ella always has that energetic vibe but right now, parang napasobra.

Her smile widened as it turned into a childish grin. "Well today is a brand new day!" wika niya sabay palakpak pa.

"Seriously?"

"Just kidding! Aside from having Galeby with us right now, masaya ako dahil ngayon ay matutupad na ang isa sa mga pangarap ko! Because today, Sir Callum will be teaching us how to fly!"

Continue Reading

You'll Also Like

101K 9.5K 52
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] Reverie races against time to finish the Grand Quest and request for Hiraeth's freedom, but the mission only uncover...
5.7K 264 21
You'll never know what kind of secrets everyone's shadow has witnessed. The people in Valteroz who was scared of their own shadow was now in peace be...
The Girl who Lived By j

Mystery / Thriller

63K 4.6K 50
Suffering from amnesia, Amity Villamor hopes to restore her picture-perfect life. She is the sole survivor of a grievous accident, but after a baffli...
8K 324 80
Tales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste an...