The Lost Prodigy

By jaydefied

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... More

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

30. Past

7.2K 365 9
By jaydefied

I woke up in a very strange place. Dried leaves and wilted flowers appeared near me. A cold and strange wind came rushing towards my direction, caressing my bare skin. The impact sent shivers to my spine and made the hair on my back, stand.

Agad akong bumangon at nang igala ko ang aking paningin ay nagulantang ako sa aking nakita.

Parang nasa isa akong lugar kung saan walang nabubuhay na kahit ano. Nabalutan na ng itim ang halos lahat ng bagay na naririto. Nakakakilabot din ang katahimikang namamayagpag sa aking paligid. May nakita akong nalalantang mga bulaklak at mga punong sunog at nakalbo na. Their twisted branches and horrific figures made me remember the nostreas we had encountered before.

The place was barren and deserted as well. But I can feel a strong energy radiating from this place. The gloomy and dark sky added to the intensifying feeling I am bearing right now. Parang nagpapahiwatig itong may mangyayaring hindi kanais-nais.

At sa paglipas pa ng ilang sandali ay bigla kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Napahawak ako roon habang sinusubukang ibalik sa normal ang aking paghinga. Nanghihina akong napaluhod habang pilit na ginagawa iyon. Parang sinusunog ang aking baga at sinasakal ako ngayon dahil sa pwersang nagpapahirap sa akin.

Pakiramdam ko kasi ay may humihigop sa hangin para hindi ako makahinga. Pero may kakaiba pa akong nararamdaman sa pwersang ito. Napakabigat at napakasama. Parang kaya nitong higupin pati ang kaluluwa ng isang nabubuhay na nilalang.

At kung nais ko pang makaligtas, kailangan ko lang makaalis dito.

Kahit parang bibigay na ang katawan ko sa matinding pwersang ito ay pinilit ko pa ring makatayo at maglakad. Nagbunga naman ang training namin dahil nakakayanan kong harapin ang mga pagsubok kagaya nito.

Hahakbang na sana ako ngunit nagulat ako nang biglang may umangat na kamay mula sa ilalim ng lupa. I was shocked when I saw those bony hands slowly rising from their graves. Some were holding rusted weapons while some were raising their torn banners. But one thing was certain, rotten bodies were now skeletons brought back from the dead.

At sa likuran nila ay nakita ko ang paglitaw ng halimaw na naging sanhi ng pagkamatay ng isa sa aking mga kaibigan. Daemons were flying overhead using their bat-like pointed wings, with red eyes gleaming with an obsession of blood and death.

And in the middle of that army was a man covered with a sinister black smoke. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil malayo siya sa akin. Pero naramdaman ko ang paninigas ng aking katawan nang makita ko siyang napatingin sa aking direksyon.

Nagsimulang magsiliparan at magsitakbuhan ang mga sundalo ng kasamaan papunta sa aking kinaroroonan. Parang gusto ko na lang himatayin dahil sa sobrang takot at kaba. Nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko. Kasabay pa noon ang malakas na kabog ng aking puso.

Gustuhin ko mang sumuko, nanaig pa rin ang hangarin kong makaligtas.

Buong lakas akong tumayo at nagsimulang tumakbo palayo sa mga halimaw. Binilisan ko ang aking pagtakbo kahit parati akong nadadapa at kulang na lang ay hilingin ko sa lupang lamunin na lang ako para makaalis ako sa sitwasyong ito.

Panghihinaan na sana ako ng loob dahil sa ilang minuto kong pagtakbo ay marami na akong sugat at galos na nakuha. Malapit na rin akong maabutan ng mga halimaw na nag-uunahan sa aking likuran. Hinihingal na ako at kaunti na lang ay bibigay na yata ang aking katawan.

Susuko na sana ako ngunit may kumislap na liwanag mula sa malayo. Hindi ko alam ang dahilan pero bigla na lang nanumbalik ang mithiin kong makaligtas kaya agad kong tinungo ang direksyon papunta roon.

Naniniwala akong sinisimbolo ng liwanag ang pag-asa sa gitna ng kapighatian. Kaya sana matulungan ako nitong makaligtas.

Punit punit na ang damit kong suot ngayon at ang dumi dumi na rin ng katawan ko. Napapadaing na lang ako minsan minsan kapag may tumatamang bagay sa aking mga sugat. Titiisin ko ang lahat ng ito basta makaligtas lang ako.

Tahimik akong nagdasal habang tumatakbo papunta sa liwanag. Sa ilang minuto kong pagtakbo ay hindi ko inaasahang dadalhin ako ng aking mga paa sa isang baybayin. Pero nang tumitig ako sa langit ay labis akong namangha sa aking nakita.

Nanggagaling ang liwanag na nakita ko kanina sa isang malaking islang lumulutang sa kalangitan. Parang kinakalaban ng liwanag ang kadiliman.

It was a sight to behold. It was like a great divide. A colliding force between good and evil.

Natigil ako sa pagtingala sa kalangitan nang biglang nagsidatingan ang mga halimaw na humahabol sa akin. Susugod na sana sila ngunit agad akong pumunta sa tubig ng karagatan. Bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan at nagulat na lang ako nang gumaling lahat ng aking mga sugat kanina.

Pero kinabahan ako nang makita kong may paparating na isang dambuhalang alon sa aking direksyon. Napakataas nito at tipong maabot na nito ang langit dagdagan pa ng nakakalula nitong laki. Akala ko mahahagip ako ng alon ngunit nagulat ako nang lampasan lang ako nito at dumiretso sa mga halimaw na tumangkang pumunta sa karagatan.

Marahas na hinampas ng alon ang mga halimaw na nagbalak sumugod kaya napaatras na lang sila mula rito at dumistansya muna.

Nakarinig naman ako ng isang nakakapanindig balahibong halakhak na nagmumula sa lalaking patuloy pa ring binabalot ng itim na usok, pero ngayon ay may halo na itong nagliliyab na pulang apoy.

"Is that all you can do, Maya?"

Kinabahan ako nang marinig ko ang pagtawag ng lalaki sa diyosang nagkaloob sa akin ng kapangyarihang kontrolin ang tubig. Sana walang gawing masama kay Goddess Maya ang lalaking iyon.

Patuloy ko pa ring nararanasan ang paninikip ng aking dibdid kahit nakawala na ako sa pwersang iyon kanina. Kinukuha talaga ng pwersang iyon ang enerhiya ng aking katawan kaya buong lakas akong pumalag. Ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito kalakas at katinding presensya. Baka hindi isang ordinaryong magicae ang lalaking iyon. Siya ba si?

Napalingon ako nang maramdaman ko ulit ang pagtaas ng alon. At sa gitna nito ay nakita kong lumitaw ang isang babaeng may suot na kumikinang na puting bestida. Kagaya ng tubig ay malayang umaalon ang kanyang itim na buhok. Mahinhin at elegante siyang naglakad sa tubig habang unti unti itong humupa.

Hindi ko masyadong makita ang mukha ni Goddess Maya pero bakas ang alisto at pag-iingat sa kanyang bawat galaw. Dahil base sa kilos ng lalaking kaharap niya, hindi siya madaling kalaban.

"Stop this foolishness, Calev. You had already taken everything away from us. What do you want now?" Matalim at diretsahang tanong ni Goddess Maya sa lalaking iyon.

I covered my face in shock when things finally sank in. I realized that I was witnessing the event that happened many years ago. The Nox Deity's waging of war against the five immortals.

Halos manghina ako sa aking kinaroroonan dahil sa mga nangyayari ngayon. Kahit malabo ay nakita ko na ang diyos na pinag-ugatan ng lahat ng kasamaan at kadiliman sa planetang ito.

Pero bago pa makapagsalita ulit si Calev ay may sumulpot na malaking ipo ipo sa karagatan. Nag-iisa lang ito noong una pero bigla itong dumami. Halos tangayin na ako dahil sa lakas ng hangin pero mabuti na lang ay nanatiling nakalapag ang aking mga paa sa buhangin.

Sa pagtitig ko sa mga buhawi ay may nakita akong babae sa gitna nito. Mabilis siyang lumipad sa ere kagaya ng isang ibong malaya. Tumigil lang siya sa paglipad nang makarating siya sa tabi ni Goddess Maya.

"Do you ever get contented, Calev?" bungad nitong tanong habang pinalilibutan siya ng malilit na mga buhawi. Her raven black hair swayed wildly to the strong current of her wind.

"I want it all, Alizeh. Nothing more, nothing less," pilyo nitong sagot kay Goddess Alizeh na sinabayan ng malalakas na hiyawan ng mga halimaw na kasama ng diyos ng kadiliman.

Natigil ang ingay nang biglang lumindol. Hindi ito maituturing na pangkaraniwang pagyaning ng lupa dahil nakita ko mismo ang pagsulpot ng isang malaking isla sa gitna ng karagatan. Mayroon ding nagsisiliparang mga malalaking tipak ng bato na ginamit ng isang babae para makapunta sa kinaroroonan ng dalawang diyosa.

"Always the attention seeker, Raziel," komento ng lalaki sa bagong dating.

"Look who's talking," seryoso nitong tugon kay Calev. Nagtaka naman ulit ako nang biglang lumiwanag ng husto. At nang mapatingin ako sa kalangitan ay labis akong namangha. Isang nakakasilaw na pigura ang bumaba mula sa lumulutang na isla at ang pangalawa nama'y mukhang nanggaling pa sa langit. Para silang mga anghel ng digmaan dahil sa liwanag na taglay nila pareho.

Ang isa ay napapalamutian ng nagliliyab na apoy. Kahit malayo pa siya ay nararamdaman ko na ang init na dala ng kanyang apoy kagaya ng init na galing sa araw.

Hindi ko na halos matitigan ang isa pang lalaki dahil sa nakakabulag niyang suot na kumikinang na ginintuang roba. His halo was also shining brightly above his silver blonde hair.

At nang tumabi sila sa tatlo pang diyosa ay doon ko lang naramdaman ang nag-uumapaw na kapangyarihan na galing sa kanila. Hindi naman nagpadaig si Calev dahil kahit siya lang mag-isa ay nag-uumapaw din ang lakas at tensyong nagmumula sa kanya.

Nahihirapan na akong gumalaw at parang sasabog na ang katawan ko dahil sa pinaghalong presensya ng pinakamalalakas na imortal ng mundong ito. Pero pinili ko pa ring makinig at manood dahil pakiramdam ko ay may masasaksihan akong mahalagang pangyayari.

"Oh, nice! What a reunion," nakangising komento ni Calev habang sinusundan ng tingin ang bawat isang indibidwal na nasa kanyang harapan. Kahit mapaglaro ang personalidad na ipinapakita niya ngayon ay natatapatan pa rin niya ang presensya ng ibang imortal.

"Stop this nonsense, Calev. Why do you have to trespass our newly-found haven?" prankang tanong ng lalaking pinalilibutan ng apoy. Siya si Ignatius, ang diyos ng elementong iyon.

"Gusto ko lang kayo bisitahin. Hindi niyo naman kasi sinabi sa akin na may nahanap na kayong bagong tahanan. Nakakatampo," malungkot nitong pahayag na halatang arte lang niya. At sa inasal na iyon ni Calev ay mas lalong kumislap ang katawan ni Ignatius at susugurin na sana nito si Calev pero pinigilan siya ni Azrael, ang pinuno ng kanilang grupo.

"Hindi ka pa ba nakontento noong sinakop mo ang buong Earthland? Why do you have to do this again?" tanong naman sa kanya ni Azrael. Kumpara kay Ignatius ay mas kalmado si Azrael. He effortlessly remained composed even when faced with this kind of situation.

"You can still change, Calev. Kahit madami ka nang nagawang kasalanan sa nakaraan, matatanggap ka pa rin namin bilang miyembro ng aming grupo. Basta ipangako mo lang na magbabago ka," pakiusap naman sa kanya ni Goddess Maya.

"Don't let darkness blind your heart with greed and wickedness. You can be good if you wholeheartedly want to," dagdag naman ni Goddess Raziel na sinang-ayunan ni Goddess Alizeh.

"Acceptance? Pero bakit hindi niyo ako tinanggap noong una pa lang? Did all of you fear my gift and the extent of my strength? But it was rather a blessing in disguise. Because it made realize that I don't fit in. Why would I choose to belong in your circle if I can dominate every world I came upon and have them all for myself?" Malademonyo nitong sagot sa mga sinabi ng Divine Deities. Hindi nagpatinag si Calev at imbes na sumuko ay lumipad pa siya sa ere para tapatan ang lebel ng lima.

"We considered it as our greatest mistake, Calev. That's why we are all here, begging for your forgiveness. We are really sorry," litanya ni Goddess Maya na sinundan ng sabay na paghingi ng tawad ng apat pang mga imortal.

"You are more than this, Calev. I know that because we're friends before. Darkness is only your gift. Don't be the darkness itself," dagdag ni God Azrael.

Naramdaman ko bigla ang pagbabago ng ihip ng hangin at ang pagbigat ng atmospera sa paligid. Nakita ko kung paano napakuyom ang dalawang kamao ni Calev at tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makita ko ang paraan kung paano siya tumitig sa limang taong nasa kanyang harapan. His icy stare was deadly and emotionless.

"You have no right to say that! At kailan man ay hindi kita naging kaibigan. You chose them over me, Azrael. Kaya huwag mong sabihing naiintindihan mo ako dahil hindi mo ako kilala. Most of all, I wouldn't change just to please all of you. Evil and darkness are already part of me. And no one can take those elements away from me. No one can stop me from doing whatever I want to do and I'll never forgive all of you! I'll make all of you kneel before me!" malakas na wika ni Calev at nagulat na lang ako nang maging puro itim ang kulay ng kanyang mga mata.

Dumami ang itim na usok na lumalabas sa kanya at dumating sa puntong naging baluti na ito ng kanyang katawan. At mula sa kanyang likuran ay may nabuong isang higante at nakakatakot na aninong nakatakip ang mukha.

Their only resemblance was their weapons, a pointed and long scythe. Goosebumps suddenly enveloped my body when I realized that I was seeing the Reaper right now.

Agad na lumipad si Calev upang sugurin ang limang imortal. The Divine Deities were caught off-guard as they only watch a blazing meteor of darkness and fire approaching them.

Pero natigilan ang lahat at kabilang doon si Calev nang may lumitaw na isang mahiwagang nilalang. Napatakip na lang ako sa aking mga mata dahil hindi ko halos makita ang nilalang na iyon dahil nababalutan siya ng nakakabulag na liwanag. Para itong isang bituin na walang kupas sa pagningning at aksidenteng napadpad sa aming daigdig.

"Who dares to seek war in my home?" makapangyarihan nitong tanong sa lahat ng naririto ngayon. Bigla akong napaluhod dahil parang may nakapasang mabigat na bagay sa aking likuran.

It was brought by the overwhelming presence and aura of that divine being. Lux.

Walang naglakas-loob na sagutin ang kanyang katanungan dahil halos lahat sa amin ay nakayuko at nakaluhod sa kanyang harapan.

"By the looks of it, someone is causing havoc and disrupting the balance. But unfortunately, I cannot stop things from happening because destiny is more powerful than me. I am prohibited to interfere with things that are meant to happen. But still, I can do something about it," malalim at makabuluhan nitong pahayag sa amin.

Pero sa kabila nun ay naramdaman ko ang kalungkutan sa likod ng kanyang pananalita. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag ang planetang inalagaan at pinahalagahan mo ng ilang taon ay sisirain lang naman pala?

Nagulat na lang kaming lahat ng mas lumiwanag pa ng husto ang buong mundo. At narinig ko itong magsalita na sinasabayan ng walang kupas nitong pagkinang sa gitna ng dilim.

"When stars bleed in darkness' might,
The clashing sides will subside
Two seeds from the same womb
Shall defer an impending doom
A truce and a choice to pick a pole
When one ascends, the other will crawl
A royal crown divided until the end
Equilibrium tipping at an acute bend."

Pagkatapos banggitin ng nilalang ang propesiya ay biglang naganap ang isang malakas na pagsabog ng liwanag. Ipinikit ko ang aking dalawang mata nang tuluyan na akong lamunin ng puting mahika.

Continue Reading

You'll Also Like

She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
2.8M 93.5K 71
Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peac...
157K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...
The Girl who Lived By j

Mystery / Thriller

63K 4.6K 50
Suffering from amnesia, Amity Villamor hopes to restore her picture-perfect life. She is the sole survivor of a grievous accident, but after a baffli...