The Lost Prodigy

By jaydefied

636K 30.9K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... More

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
44. Ascension
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

25. Motivated

6.7K 376 40
By jaydefied

Nagising ako sa isang panibagong silid. Tanging ang liwanag na galing sa buwan ang nagbibigay ilaw sa gitna ng kadiliman. Malalim na ang gabi at ang lahat ay tulog na. Tahimik din ang paligid at wala talaga akong naririnig na ingay.

Dahan dahan kong iginalaw ang aking mga daliri habang nakahiga pa rin sa isang malambot na kama. Nang bahagya kong galawin ang aking mga paa at balikat ay nakaramdam ako ng matinding kirot at sakit na nagpatigil sa akin.

Then I remembered what happened before I fainted. I mentally slapped my face because I totally failed the task given to us by Sir Callum.

Gusto ko na ngang sabunutan ang sarili ko dahil nagpaubaya na naman ako sa aking kahinaan. Pero sa huli ay hindi ko nagawa iyon dahil mahirap nang pagalawin ang aking mga kamay. Nanlumo ako bigla dahil nakita kong nandoon pa rin ang metal bracelets na ipinasuot sa amin kanina.

Naestatwa ako sa kama at hindi makabangon dahil sa sobrang bigat ng mga iyon. Permanente na yata akong hihiga habang buhay kung hindi ko mahuhubad ang metal bracelets at sandals na balakid sa aking paggalaw.

A tear escaped from my right eye to express my hopelessness.

Suddenly, amidst the darkness, a figure started to appear. Babae ito base sa hugis ng kanyang katawan at nakilala ko siya dahil sa kulay ng kanyang buhok.

"Avery," nanghihina pero nakangiti ko pa ring bati sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita niya ang aking kalagayan. Mabilis siyang naglakad papunta sa aking higaan at umupo sa aking tabi.

"I'm finally glad that you're awake, Blaire. Ilang oras ka ring natulog pagkatapos mo nahimatay. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang pagtugon.

Nakita kong lumungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita niyang suot suot ko pa rin ang pulseras at sandalyas.

Huminga muna ako ng maluwag bago ko napagpasyahang magsalita ulit. "Hindi ba pwedeng hubarin ang mga bagay na ito? Pwede mo ba akong tulungan?" matamlay kong tanong kay Avery.

"I apologize Blaire because you can't take them off. We are also asked not to interfere with your training," sagot niya sa akin habang humihingi ng tawad. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala talagang pag-asang mawala ang mabigat kong pasanin.

"Pero may dala akong pagkain para sa iyo. You haven't eaten your lunch and dinner today. Kailangan mong kumain," wika niya habang itinuturo ang pagkain na nilapag niya kanina sa isang malapit na mesa.

Umiling lang ako sa sinabi niya dahil nawalan na rin ako ng ganang kumain. I hate the feeling of being restricted, chained, and caged. I want to be free like a bird flying high in the infinite sky.

"Alam kong masama ang loob mo sa akin. Humihingi ako ng tawad dahil hindi kita kayang tulungan. Pero ang maitutulong ko lang sa ngayon ay ang bigyan ka ng pagkain para maibalik ang nawala mong lakas. You need to eat so you can refill your empty stomach," wika niya pero sa ibang direksyon pa rin ako nakatingin.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "You're more than this, Blaire. Alam kong hindi ka basta bastang sumusuko kapag hinaharap mo ang iba't ibang pagsubok na ibinabato sa iyo. You have the will to strive and achieve greatness. Don't let this training weaken your hopes."

Natauhan naman ako nang marinig ko ang mga katagang binitawan ni Avery. Tama nga siya. Hindi dapat ako magpapaapekto sa mga pagsubok na ito.

Challenges are there to test and evaluate us. I shouldn't let my fears and weaknesses dominate me. Starting now, I'll try my best to ace each challenge with a strong heart so I can prove that I am not a helpless individual.

Nang maintindihan ko na ang lahat ay nahihiya kong hinarap si Avery dahil sa aking inasal kanina. "Sorry, Avery. Masyado lang akong nahirapan sa mga pagsubok na ipinapagawa sa amin ni Sir Callum. Ikaw pa tuloy ang napagbuntungan ko ng galit," paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.

"It's nothing, Blaire. So that means you'll eat?" tanong niya sa akin habang nakangiti ng napakalawak.

"Yes pero..." wika ko habang nakatitig sa dalawang itim na pulseras na nakasuot sa aking mga kamay.

"Tutulungan na lang kitang kumain," wika niya kaya lumiwanag din ang aking mukha.

Avery really helped me to eat properly. Minsan sinusubuan niya ako at pinapainom ng tubig. Kahit hindi ako komportable sa kalagayan ko ngayon ay masaya pa rin ako dahil naririto siya. I'm lucky to have her with me.

Nakita kong tumayo si Avery habang bitbit ang tray nang matapos na akong kumain. "You better sleep again, Blaire. You'll need it tomorrow. Good night," wika niya na sinuklian ko ng matamis na ngiting puno ng pasasalamat.

Then, I closed my eyes and tried to forget the burden I was carrying right now. I removed the negativities in my heart as I entered a peaceful state of mind. After that, I drifted into sleep.

_______

Nagising ako sa pangalawang pagkakataon nang marinig ko ang paparating na yabag ng paa ng isang tao. At pagkamulat ko sa aking dalawang mata ay ang nag-aalalang mukha ni Asher ang sumalubong sa akin.

"Wrong timing naman. Nagising ba kita, Blaire? Sorry," sambit niya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit dahil naantala ang tulog ko dahil sa lalaking ito. Pero masaya ako dahil iginugol niya ang kanyang oras para lang bisitahin ako.

"Huwag kang mag-alala, Asher. Hindi mo naman ako nagising, sadyang naramdaman ko lang na may paparating," wika ko sa kanya. Nakita kong ngumiti na siya nang marinig niya ang aking kasagutan.

"Ikaw talaga, Blaire. Miss mo lang ako kaya agad kang nagising," pahayag niya sa akin habang nakataas baba ang kanyang kilay. Ngumisi rin siya ng nakakaloko nang makita niyang namula ang pisngi ko.

"Hindi no!" malakas kong tugon sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya namiss. Pero bakit nga ba uminit ang pisngi ko kanina? Abnormal na yata ang katawan ko dahil sa hirap na dinanas namin sa Novitiate training.

"Aminin mo na lang kasi na gusto mong makita ang pinakapoging estudyante sa buong akademya," dagdag niya sabay kindat. Inirapan ko na lang siya habang tawa lang siya ng tawa. May pagkamahangin din pala ang isang Asher Fleming.

"Pasalamat ka at hindi ako makagalaw ngayon. Dahil kung hindi, baka pugot ka na sa malakas kong batok sa iyo," sagot ko na lang sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Huwag mong gagawin iyon, Blaire. Wala ng poging kukulit sa iyo, sige ka," banat niya pa rin kaya tumahimik na lang ako. Mauubos lang ang pasensya ko sa lalaking ito at ayaw kong mangyari iyon, dahil alam kong kakailanganin ko pa ang buong pasensya ko mamaya.

"Uy bakit ka tumahimik? Galit ka ba? Sorry na Blaire," tanong ni Asher nang mapansin niyang tumigil ako sa kasasalita.

"Hindi naman ako galit. Sadyang ang ingay mo lang talaga at baka magising mo ang ibang natutulog," sagot ko sa kanya pagkatapos kong maigala ang aking paningin sa silid kung saan kami naroroon ngayon.

The spacious room looks like a large infirmary in the Healing Camp. There are many beds that looked the same as mine. Large glass windows allowed me to see the inner courtyard. Two large double doors, that are parallel to each other, occupy each side of the room.

Halos lahat ng mga kama ay okupado ng mga Novitiates na kasama namin sa training. Tulog pa silang lahat dahil may isang oras pa namang natitira bago magsimula ang aming training.

Nasa kanan ko lang rin pala natutulog ng mahimbing si Ella. Halatang napagod siya ng husto at parang wala na talaga siyang balak na magising ayon sa posisyon ng kanyang pagkakahiga.

"Pasensya na ulit. Kumusta ka na pala?" tanong naman ulit sa akin ni Asher. Nagutom ako nang makita ko ang dala niyang umagahan.

"Gutom na ako," iyon lang ang nasagot ko sa tanong ni Asher. Tinawanan niya muna ako bago niya ako inabutan ng pagkain.

"Common sense po. Paano ko mahahawakan yung tinapay kung hindi ko nga magalaw iyong mga kamay ko," wika ko sa kanya dahil parang iniabot niya lang sa akin ang pagkain. Natauhan naman bigla si Asher sa sinabi ko. Nakita ko naman ang paglitaw ng kapilyuhan sa kanyang maamong mukha.

"Mga para-paraan mo talaga, Babe. Gusto mo lang subuan kita eh," naglalambing niyang wika sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Huwag mo nga akong i-Babe diyan. Walang tayo!" bulyaw ko naman sa kanya. Nakita kong panandaliang lumungkot ang mukha niya pero bumalik din ulit sa pagiging makulit.

"Ikaw talaga Babe, ang hard mo sa akin. Sige na nga. Susubuan na kita," wika niya sabay lapit ng tinapay sa akin.

Nang akmang kakagatin ko na iyon ay mabilis na kinuha ni Asher pabalik ang tinapay. "One kiss, one bite," wika niya sabay nguso sa aking direksyon. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya at literal na nanlaki ang mga mata ko.

"Ang haliparot mo pa lang lalaki ka! Pakainin mo na ako, gutom na ako," naiinis kong utos sa kanya pero wala siyang ibang ginawa kundi tawanan ako. Masasapak ko talaga siya ng wala sa oras.

"Chill lang, Babe. Heto na lang, pumili ka ha?" tanong niya sa akin na sinagot ko lang ng naiinip na tango.

"Anong mas gusto mong kainin? Iyong tinapay o ako?"

Nanlaki ang mga mata ko sa ikalawang pagkakataon at narinig ko na naman ang malulutong na tawa ni Asher. Certified Maharot talaga ang lalaking ito! Umakto akong parang nasusuka upang pigilin ang panggigigil ko sa lalaking walang ibang alam kundi ang kulitin ako.

Buong lakas kong pinakalma ang aking sarili habang humihinga ng malalim bago magsalita. "Parot, ibigay mo na sa akin ang pagkain please," pakiusap ko sa kanya. Nagtitimpi lang talaga ako dahil baka makalbo ko na talaga siya mamaya.

Ito lang talaga ang tatandaan niya. Huwag siyang magbiro sa taong gutom.

"Improving ka na Babe! May endearment ka na sa akin. And I find Parot cute," saad niya habang nakangiting aabot sa langit.

"Isa."

"Nakapili ka na ba sa dalawa?"

"Dalawa."

"Masarap itong tinapay pero siyempre, mas mabubusog ka kapag ako ang kinain mo," wika niya pa rin na tila hindi narinig ang aking babala.

"Okay, that's it."

I quickly stood up and swiftly snatched the bread from Asher's right hand. After that I began eating the food to ease my hunger. And when I looked at Asher, I saw him grinning at me happily.

Nagtaka naman ako dahil sa inasal niya. Nagmumukha na siyang baliw sa kakangiti ng walang dahilan. Pero nalaman ko rin ang rason kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.

I was already standing while consuming the whole bread!

Agad akong humiga sa kama nang maramdaman ko ang pagbabalik ng bigat na dala ng mga bakal na isinuot sa akin.

"That was awesome, Blaire!" bati sa akin ni Asher pagkatapos kong maubos ang binigay niya. Tinukso niya talaga ako para masubukan kung kaya ko nang tumayo ulit sa sarili kong mga paa.

"Dala lang siguro ng sobrang emosyon kaya ko nagawa iyon," sagot ko na lang kay Asher. Humingi pa ako ng isa dahil nabitin ako.

Agad nang sinunod ni Asher ang utos ko. Susubuan sana niya ako pero buong lakas kong itinaas ang aking kamay para kunin ang pagkaing iyon.

Nahirapan ako ng kaunti pero sa huli ay nagawa ko pa ring kumain mag-isa. Kahit parang may patuloy na humihila sa aking kamay pababa ay nilalabanan ko ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-angat sa aking kamay.

"Ipinag-alala mo talaga ako kahapon, Blaire. Pero masaya akong makita na nakakaya mo nang tapatan ang mabigat na pwersa. Napagdaan ko rin iyan noon at hindi talaga biro ang ganyang pagsubok. Sa una lang mahirap dahil masasanay ka rin sa huli, Blaire. You can do it," mahabang pahayag sa akin ni Asher.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang marinig ko ang mga binitawan niyang salita. So he really cares for me. And he believes in my capabilities.

Nakita kong unti unti nang nagigising ang ilang mga Novitiate kaya tumayo na rin si Asher para magpaalam.

"Looks like I need to go. Good luck, Blaire. See you later, Babe!" pahabol niya sa akin sabay kindat.

And I was left there, breathless.

Continue Reading

You'll Also Like

279K 15.7K 59
It takes one crown to become the persona of death. It takes two to be the destroyer of worlds. One mission. A series of deaths. A discovery of secr...
47.4K 4.6K 40
Soulstone Academy is a place for soulbearers to nurture and train their abilities, but for the rebellious Raven Tempest, it is nothing more than a sc...
11.2M 502K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
160K 6.7K 45
After discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must...