The One that got away.....

Per Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... Més

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 1

72.1K 764 17
Per Theblackwdow

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..



"Ang Simula..."


"HOOY BAKIT NIYO DINIDIKITAN NG PAPEL ANG KAIBIGAN KO!!! MGA GAGO KAYO HA!!" Bulyaw ko sa mga estudyanteng naghahagikhikan sa gilid. akala ng mga ito ay nakatakas na sila sa mala pusa kong mata.

"Si Jocel, takbo na tayo." Pero hindi na nagawa pang makatakbo ng kanilang leader dahil hinila ko na agad ang suot nitong uniporme.

"Aray aray.." Daing nito.

Napahinto rin ang ibang kasama ng bobong estudyanteng to at sunod sunod ang paglunok.

Nakita ko ang paghawak nila sa kanilang pang-upo na parang naiihi.

Sinubukan akong sipain ng kanilang leader pero nakailag ako, nasapok ko tuloy ng hawak kong baton.

"TANG INA MO JOCEL ISUSUMBONG KITA SA PRINCIPAL!!" Sigaw ng umiiyak na leader nang tinulak ko ito.

"Eh di magsumbong ka, samahan pa kita." Kinuyom ko sa kanila ang aking kamao.

"HOOY TATANDAAN KO MGA PAGMUMUKHA NINYO!! SA ORAS NA MAKITA KONG BINUBULLY NIYO SI ANNA AKO MAKAKALABAN NIYO!! BABALIAN KO KAYO NG MGA BUTO AT ITATALI KO KAYO SA SAKO!! BABALATAN KO PA KAYO NG BUHAY HABANG NAKALUHOD SA ASIN!!" Pagbabanta ko sa kanila na agad agad naman napatango na parang maamong tupa.

"Umalis na kayo, pag magsumbong kayo sa principal, aabangan ko kayo sa labas, tandaan niyo yan." 

Parang the flash ang mga lokong estudyante na nagsialisan sakin harapan.

Nagbuntong hininga ako at binababa ko ang manggas na tinaas ko para paghandaan ang pagbugbog sa mga batang nang-api sa kaibigan ko.

Aba't nilagyan ba naman nang "Anna luga" sa likod ng damit si Anna.

Wala naman luga ang kaibigan ko eh. Ang bango bango niya nga lagi na parang araw araw naliligo sa pabango, tapos ang linis linis. Makinis ang balat tapos maganda ang pagkakaayos ng buhok..

Pagtingin ko naman sa tenga nito ay wala kang makikita ni katiting na tutuli. Mahihiya nga siguro si kuya germs na dumikit sa kanya dahil sobrang linis ni Anna.

Pinagpag ko ang aking bag na nilapag ko lang kung san at pagkatapos ang aking palda.

Haay.. Para naman akong tanga nito sa suot na'to.

Nakasuot ako ng school uniform na abot tuhod. Kulay marron iyon samantalang nakaputing blouse naman ako. nakaneck tie rin na may nakasulat na Saint Claire Academy.

Mabuti na rin ito kesa dun ako sa Exclusive school ng mga maarteng babae.

Ayaw na ayaw ko pa naman don kahit kabilin bilinan sakin ni papa na don ako mag-aral.

Akala nila sakin, 

Kung si kuya napilit nilang pumasok sa school nang mga panlalaki, ako hindi.

Magkauwian na sa probinsya kung mangyari yun.

Yes, iyon ang naging panakot ko kay papa nung sinabi niyang sa Saint paul ako mag-aaral which is exclusive lang sa mga babae, pero the hell I go with that freaking school.

Bukod sa nakakasiwa ang arte ng mga babae, ay wala akong mabubully.

Mahirap na.

Mas mabuting bugbugin ang mga lalaki kesa babae.

Nagtuloy ako sa paglalalakad sa pasilyo ng school hanggang sa makita ko si Anna na nakatakip pa rin ang mukha.

Hiyang hiya talaga siya sa nangyari kanina sa kanya.

Hindi ko naman alam kong pano nasabit ng mga lokong estudyanteng yun ang papel sa kanyang likuran.

Sinabihan nalang ako ng isa namin classmate na umiiyak si Anna at yun nga ang dahilan.

Nang tanungin ko kung sino ang nagsabit ay agad na tinuro sakin ang tatlong kaklase namin na walang ibang ginawa kundi ang magbwesit.

Biglang umusok ang aking bunbunan na parang takuri na sobrang ingay.

At yun nga, nagtago ang mga loko at binigyan ko ng leksyon.

Hindi lang yun ang magagawa ko sa pagmumukha nila.

Kung baga, banta palang yun, wala pang trials at totoong laban.

"Tumigil kana Anna, nahiganti na kita." Alo ko sa kanya ng makitang umiiyak pa rin ito.

Sabog sabog na ang kanyang buhok at sobra nang pawis.

Bigla akong naawa.

Tahimik na tao lang si Anna. Mabait siya sa lahat ng mabait para sakin.

Mapagbigay lalo na sa assigment, pati na rin sa sandwiches niyang baon araw araw.

Tapos pag-uwi ay hinahatid ako ng driver nila hanggang sa bahay.

Hindi ko nga lang trip ang mga laruan niyang mga barbie.

For me, barbie's are for weak only.

For those girls  na walang ginawa kundi maghintay ng kanilang prince charming na hindi naman totoo.

Para sa mga baabeng umaasa sa Happy ending na hindi naman nangyayari sa totoong buhay.

"Halika na kay Ms. Torres, baka pagalitan pa tayo nun kapag nalate tayo." Tumango ito at inayos ang sarili.

Tinulungan ko rin siya sa pagbuhat ng daan daan niyang libro which is perwisyo sakin araw araw.

Para akong nagbubuhat ng isang sakong bigas habang dala dala ko ang mga yun.

Ito naman kasi si Anna, ang yaman yaman pero hindi yung may trolling bag ang binili. Yung dihila lang.

eh ayaw ko naman na makita siyang nahihirapan.

Kaya ako na ang nagdadala nun.

kung tatanungin ako kung nasan ang mga gamit ko, huh, nandon sa bahay. nakatago sa baul ang mga libro.

eh okay lang naman. nandyan naman si Anna na para na rin libro sa sobrang talino.

"Ayan na si Anna Luga!!" Rinig kong sigaw nung isa namin classmate.

Sinamaan ko agad ng tingin at agad na tinutop ang bibig.

Subukan niya lang sabihin uli yun, susungalngalin ko siya ng librong hawak ko.

Mabuti nalang at medyo may pagkabingi itong kaibigan ko at di narinig ang sinabi ng isa namin classmate.

Tumigil kami sa pintuan ng classrom at natuon ang mata samin ni Ms. Torres na nakaupo sa kanyang mesa. Nagbibilang ito ng benta ng mga sandwiches at pinagpapatong patong ang piso sa mesa.

"San kayo galing?" Kasabay ng pagtaas ng kilay nito ay ang pag-angat din ng salamin.

Nanlalaki talaga ang mga mata nito kapag ginagawa niya yun.

"Ah may kinuha lang po kami sa locker." Ani ko habang pasimpleng sumisipol.

Nilagay ko sa gitnang upuan ang libro ni Anna gayundin ang aking bag.

Si Anna'y kasalukuyan sinusuklay ang buhok.

Natuon na naman ang aking tingin sa bawat paghawi at pagsuklay nito sa sariling buhok. 

kulay ebony ang buhok niya na hanggang balikat. merun itong kulay pink na headband na may malaking ribbon. at bawat paggalaw nito'y sumasabay ang kanyang buhok.

Ang labi ni Anna ay singpula ng Fuji apple na kahit wala naman itong nilalagay na kung ano ay natural na mapula iyon. Ganun din ang pisngi nito na kapag nasisinagan ng araw ay pumupula. Tumitingkad iyon lalo na't maputing maputi ang kanyang balat.

Samantalang ako.. hmmp..

Napanguso ako bigla..

Palagi nalang akong nakakaramdam ng ganitong inggit sa tuwing nakikita ko si Anna.

Although hindi dapat dahil bestfriend ko siya at mabuti siyang bata.

Kabaliktaran ang ugali namin at hindi inaakala ng lahat na magkakasundo kami.

May pagkablond ang kulay nang buhok ko at kulot kulot ang dulo. Sabi ng lola ko sa probinsya ay "Brunette" daw ang buhok ko at nakuha ko yun kay Mama. 

Pero sabi naman ng iba kong classmate Kulot lang daw ako. Iba daw ang brunette sa kulot. Kaya ang tawag nila sakin ay Jocel Kulot salot..

Diba nakakatawa sila..

Nakakapraning..Akala mo ngayon lang nakakita ng kulot.

Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang sakin mata.

Tumayo si Ms. Torres. As usual, dito na naman kami sa nakaka bore na subject niya na history,

haay kelan kaya ako lalaki o tatanda.

Gustong gusto ko nang lumaki para matapos na ang kalbaryo ko sa kaaaral.

Wala naman ako kahilig hilig dito. Ewan ko nga eh kung bakit kailangan pa mag-aral.

Yung Papa nga ni Mama hindi nakatapos ng high School pero may-ari ng isang hacienda ng mga tubo sa Cabacungan Province. Tapos meron pang mga kuprahan at mga fishpond.

Yung Lola ko humihiga sa pera na halos araw araw parang may fiesta sa kanila.

Pero lagi nila akong binibilinan na mag-aral ako ng mabuti.

"Wag na wag kang aalis ng eskwelahan hangga't hindi natatapos ang klase mo."

"Masarap mag-aral. masaya.. kaya hangga't nag-aaral ka.. eenjoy mo muna.." Mga bilin pa nila sakin bago ako lumuwas ng manila.

Hindi naman yun totoo. Mukhang binibiro lang naman ako ni Lolo nung sinabi niya yun.

Ang hirap kayang mag-aral. Ang daming dapat gawin. Ang daming dapat sundin. Tapos may mga assignment at project pa na iuuwi. Imbes na inunuod ko nalang ng tv at ilalaro, kailangan ko muna iyon gawin dahil hindi ibibigay sakin ni kuya ang remote kapag hindi tapos.

Talagang bantay sarado sila sakin bago ako manuod o maglaro.

Nakakaurat nga eh,

Kaya minsan tiis tiis ako sa pagsama kay Anna para mangopya. Okay lang naman sa kanya dahil taga bitbit ako ng kanyang mga gamit.

Madalas sa bahay kami nila gumagawa ng assignment. Hinahatid nalang ako ng kanilang Driver kapag tapos na kami sa paglalaro.

"Get 1 whole sheet of paper.." Aniya Ms. Torres.

Umikot ang aking mga mata nang marinig ko yun. Ito ang ayaw na ayaw ko sa lahat. Yung pagkatapos ng walang katuturan leksyon nito ay magpapakuha ng 1 whole sheet of paper. 

"Anna alam mo na ha." Kinalabit ko si Anna na kasalukuyan nagkakamot ng ulo.

Naku, mukhang pati ang source of my answer ay problemado din.

Delikado ako nito.

"Ito sagot." Pasimpleng pinaawang nito ang papel na hawak habang nakatuon ang mga mata kay Ms. torres na pinapagalitan ang isa namin classmate na nahulihan nangongopya.

hanggang sa matapos ang quiz ay maluwag akong napahugot ng hininga.

"Iniba mo ba ang sagot sa number 8.."

Ang plano namin, kapag nangongopya ako sa kanya ay wag kong kopyahin ang sagot lahat. kailangan ibahin ko.. kung maperfect ni Anna ang quiz kailangan merun akong isa o dalawang mali. para daw hindi kami mapaghalatan nagkokopyahan.

Depende nalang kong essay dahil kailangan iba ang isulat namin.

Binibigyan nalang ako ni Anna ng Idea.

Ang genius talaga ng kaibigan ko. mabait na, matalino pa. yun nga lang, may mga taong mapang-abuso sa kanyang kabaitan. sabihin na natin isa na ako don, pero hindi ko naman iniisip yun, kaibigan ko siya hindi dahil matalino at mabait siya. kaibigan ko siya dahil gusto ko siyang maging kaibigan. alam kong mapagkakatiwalaan siya hindi katulad ng iba. tsaka kahit papano naman ay trip ni Anna ang mga trip.

Pareho kaming natuto sa iba't ibang mga bagay na alam namin. Maasahan namin ang isa't-isa.

"Oo, tsaka yung number 15," Ani ko habang tinutulungan ko siya sa pagligpit ng libro.

Tumango ito at hinawi na naman niya ang kulay itim niyang buhok.

haay sana ganyan din ang buhok ko,

Pag tumungtong talaga ako ng high school. papa ayos ko tong buhok ko. bukod sa sabog sabog palagi ay napakainit pa sa sobrang kapal.

"Anna." Lumingon kami sa batang babaeng nasa grade 6. Hindi nalalayo ang tangkad namin tatlo pero sa mukha nito'y mas maarte itong mag-ayos samin.

Akap akap nito ang isang magazine samantalang sumasayaw ang bling bling nitong nakasabit sa bag.

Kung si Anna ay may kulay pink na head band. Ito nama'y nakatali ang ribbon sa leeg. sigurado ako, tumambay na naman ito sa may Oval para magpacute sa mga lalaki,

"Tricia.." Urgghh.. I hate that name. Palaging bumabaliktad ang sikmura ko kapag naririnig ko ang pangalan niya o kahit nagsasalita ito.

" Mama and I will go to the mall. Are you gonna join us?" Hindi sila fil am ni Anna o may halong kahit na anong foreign blood. Pero may accent ito kapag nagsasalita. Natural na natural. Kinakain ang lahat ng english word na akala mo inborn sa ganung lengguwahe. Si Anna nama'y magaling mag-englis pero hindi katulad nito na kunting kebot lang ay mag-eenglish.

Umiling si Anna at tiningnan ako.

"May project kami na gagawin eh. Kailangan na namin mapasa bukas."

Tumango si Tricia habang nakataas ang kilay sakin. yes, sa tuwing nagtatagpo ang landas namin dalawa, para may kong anong mali sakin at palaging nakataas ang kilay at nakangiwi ito.

ganun din ang ibang mga alipores na palaging nakapaligid sa kanya.

"Alright, see you sis sa bahay." Hinagkan nito ng pilit ang kapatid at tinapunan pa ako ng masamang tingin. hindi ko siya pinansin bagkus nagpatuloy kami patungong parking.

Ang totoo'y wala kaming project na gagawin. Napagkasunduan kasi namin ni Anna na kumain ng kanin nilagay sa kape.

Oo, curiois na curious siya don kahit na paulit ulit kong sinasabi na masarap yun.

"Wag na gatas, masarap kaya kapag kape." ani ko pa sa kanya.

"Ang pait kaya ng kape tsaka ang sabi ni mrs. Gomez hindi daw yun maganda sa mga bata." nakaawang ang labi nito habang nagsasalita.

kinuha sakin ng driver ang bitbit kong mga libro, pagkatapos ay pinagbuksan kami ng sasakyan.

Haist.. prensesang prensesa talaga ang kaibigan kong ito.

ingat na ingat ng magulang.

"Eh panu mo malalaman ang lasa kong hindi mo titikman." aniya ko pa.

napahalukipkip ito sakin. kitang kita ko ang hesitasyon nararamdaman nito.

"How about Ovaltine." lumabas ang brit accent ng lola mo nang nag-english.

bahagya akong napahawak sakin ilong, pakiramdam ko may kung anong tutulo don na kapag hindi ko harangan ay lalabas at lalabas.

"Tsk, kape nga para masarap." hindi talaga ako papayag na hindi kape ang isabaw namin sa kanin.

huminto ang sasakyan sa isang malaking puting gate. naglalakihan ang mga puno ng acacia at rinig na rinig ko kahit sa loob ng sasakyan ang lagaslas ng tubig galing sa fountain.

huminto ang sasakyan sa malaking pintuan ng mansyon nila Anna at doo'y nag-aabang ang "Nanny" nitong tawag sa kasambahay.

Inabot ko sa isa pang katulong ang aking bag at nagtuloy kami sa kwarto ni Anna.

Kulay citrus ang kabuuan ng kwarto ni Anna. karamhian ay bold graphic patterns ang gamit para madepina ang buong kabuuan ng kwarto at para bumagay sa edad ng aking kaibigan.

minsan na akong nakatulog dito ng magkarun kami ng special projects ni Anna "kuno' pero ang totoo, binitbit ko ang mga VHS ni kuya Jayson ng Dragon Ball Z. medyo boring kasi ang mga tape ni Anna na puro mga disney princess..

Nilagay ko sa kulay pink na upuan ang aking bag. itinaas ko ang aking paa sa kabilang upuan para pahanginan.

Si anna'y kasalukuyan nagbibihis sa Bathroom. nilock ko kaagad ang pinto pagkalabas ng nanny nito dahil papagalitan ako kapag nakitang nakapatong ang aking mga paa sa mamahaling upuan ito.

maya maya lang ay lumabas si Anna.

"Hindi ka ba magbibihis?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok.

as usual natanga na ulit ako habang ginagawa niya yun.

tumayo ako at pumunta sa Closet ni Anna. kahit sa mga gamit ay organize na organize ang lola mo.

nakaseparate ang bawat kulay ng damit. syempre, pumunta ako sa isang section ng damitan nito kung san nakalagay ang aking mga damit. mga Sando, jersey shorts at sumbrero ang nakalagay don which is sakin lahat.

kinuha ko ang isang sando at hinubad ko na din dun ang aking suot. kasalukuyan inaayos ni Anna ang kanyang mga gamit,.

haay masyado talagang vain ang isang to. kailangan organisado lahat.

kinuha ko sakin bag ang kapeng dala ko. kinuha ko yun sa bahay kanina bago umalis dahil usapan nga yun namin ni Anna.

 "Kukuha lang ako ng kanin sa baba. ano pa ba ang kailangan natin?" tumungo ako kay anna at nilagay ang kape sa katabing mesa.

"Kuha ka rin ng asukal. bowl nalang kunin mo para marami rami tayung makain."

lumabas ito ng kwarto at naiwan akong mag-isa.

sinalampak ko ang aking sarili sa higaan at pinatong ang aking mga kamay sa likod ng aking ulo.

tiningala ko ang kulay asul na kisame ni Anna.

sa tuwing tinitingala ko talaga ang kisame sa kwartong ito.

naalala ko ang probinsya ng cabacungan.

kung san ako pinanganak at lumaki.

Sa hacienda ako ng mga Cula lumaki. sa side ni mama. siguro kong hindi nagkahiwalay sila papa at mama, don pa rin sana ako.

haay. nakakamis lang.

maraming merun sa probinsya na wala sa manila. ganundin sa manila na wala ang cabacungan.

Simple lang ang buhay ko don. Oo nag-aaral ako sa isang private school, pero para sakin wala pa rin yun pinagkaiba sa public.

madami akong kalaro sa parang at talon.

dito, halos si Anna lang ang kasama ko pati ang kuya jayson ko.

Sana lumaki na ako. para makabalik na ako ng probinsya.

Gustong gusto ko na talaga lumaki dahil bukod sa marami akong bagay na di ko magawa, may mga bagay na limitado lang gawin.

hindi ko alam kung iyon ang batas ng tao. may mga bagay na hindi mo pwedeng gawin dahil sa edad mo, dahil sa laki at sa kakayanan mo.

para sakin, hindi makatarungan ang batas na yun.

ang iaayun mo ang iyong sarili sa isang bagay na pwede mo lang gawin hindi yung kung ano ang kaya mong gawin.

para sakin hindi pa nagsisimula ang tunay kong buhay.

wala pa ako sa trial stage. hindi ko alam kong anong lugar ang matatawag sa sitwasyon ko ngayon. 

"Ito na.." aniya anna.

buti pa ang isang to.. ni hindi alintana ang problema.

nakalimutan agad ang maasilumot na nangyari sa kanya kanina.

madaling makalimot at magpatawad.

madaling mapangiti at malungkot.

Sana ganun din ako..

madaling tumanggap ng lahat...




Continua llegint

You'll Also Like

98.3K 2.4K 36
BEAUTIFUL LIARS SERIES #1 BETWEEN LIES >Krezyl Zane (Zyle) Saavedra< Aksidente ang una nilang pagkikita. Zyle introduce the unknown guy, as her...
2.3M 27.7K 68
#1 IN FICTION #54 IN ROMANCE Thank you all!!! ~~~~~~~~~~ "If love were only feelings, then, there's no such thing as lasting..." "Marrying you is th...
463K 6.8K 55
The job was simple- crash into a wedding and make sure na hindi ito matutuloy. But sadly, Mariana came to the wrong wedding! Dahil doon niya matatagp...
Destined To Be With Per baruray

Literatura romàntica

405K 4.3K 55
Si Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang...