I love you but I hate you

De CheckYesImJuliet

37.8K 346 456

Matagal na ang isang minuto na hindi sila mag-away kung magkasama sila. Talagang isinilang yata sila para ma... Mais

Prologue
1: Start of something new
2: Start of something cold
4: Crazier
5: Her
6: Special to him
7: Hello Tyrone
8: Can't take it back
9: Her again
10: Too late
12 : Nicknames
11: Kaykay is missing
16: Sad song
13: Never knew he could smile
18 Farewell, Elocin
0
17: Confess
15: Lugaw
14: They're just like us
21: Tears are like urine
39: Ang engot nilang dalawa
29: With me
19: Hired Girlfiend (Again)
20: Wishes
24: Who is she?
27: I la-la-la-la loved you
40: Kaya siguro siya tumawa
25: What time is it?
22: Skyway Avenue
23: Pustahan
28: The type I hate the most
31: Connections you don't have
30: Get lost
26: A beauty or a beast
32: Strike 1
33: Strike 2
34: Trojan War
35: At your service
36: Sa'yo lang 'yan
37: This is too much
38: The Truth
41: Faling, over and over again
42: Count me in
43: All children grow up, except for one
44: The Wedding
45: Vice versa
46: Frustrated cupids
48: Wallbuddy
55:
51:
58:
59:
50:
49: She's mine
60:
57:
54:
52:
63:
47: Five seconds
62:
61:
53:
56:
66:
68:
65:
71:
64:
67:
69:
72:
73:
70:
74:
75:
76:
80:
77:
78:
79:
81:
84:
82:
83:

3: A little warmth

798 13 18
De CheckYesImJuliet

JETT

"What’s the occasion? Tagal na since we last ate together, ah. So what’s with the plastikan?” Si Guess lang ang may ganang dumaldal sa kanilang tatlo. "Family thing aren't our thing. Especially you, kuya. This is so not you. How were they able to convince you, I'm impressed."

Binigyan lang niya ng masamang tingin ang kapatid. "Shut up, Guess. You should be the one to tell us what to do, since ikaw naman ang expert sa pagpapanggap, right? Guide me well, or I might ruin the scene.”

Sasagot pa sana si Guess pero saktong dumating na ang main character, their dad.

"Good morning, dad!" masiglang bati ng bunso niyang kapatid, si Bench.

"Where's Kayela?" tanong naman ng daddy nila nang makaupo na.

"I'm so excited to see her, daddy! I really wanted to meet her!" matinis na sabi ni Bench na two years old pa lang nung umalis si Kayela.

Hindi nila pinansin ang tanong ng daddy nila at nagsimula nang kumain.

"Ate, paki-akyat naman ho si Kayela nang makasabay sa amin." Matapos utusan si ate Sally, siya naman ang hinarap ng daddy niya. "May kailangan akong ayusin sa farm, your tita needs me there so I would appreciate kung wala akong maririnig na kung anong kalokohan mo dito habang wala ako."

"Whatever" sagot niya na lang.

"Jett, she's not fine, yet. So stop pulling those silly games and for once-"

“What's with the lecture, dad? Wala pa nga akong ginagawa” sabi

“You should know it the most, Jett. She's still hurting. So do me this favor.”

"Too long" sabat niya pa rin sa daddy niya.

"Jett-" Magpapatuloy pa sana ang lecture ng daddy niya kung hindi lang sumisigaw na bumaba si ate Sally mula sa second floor.

"Kuya! Kuya!"

"Ate, ano ba ‘yon, kumalma ho kayo. Anong problema?" mahinahong tanong ng daddy kay ate Sally.

"Eh kuya, si mam po kasi. Ang init- ang init-init, inaapoy ata sa lagnat."

Agad pinatawagan ng daddy niya si Doc. Peralta, ang kanilang family doctor, saka inakyat si Kayela sa kuwarto niya. Saglit din siyang sumilip at nakita si Kayela kahit paano. She's too pale. Weird, just yesterday she's full of energy to fight him.

Nagsimula namang pumasok ang kung ano-ano sa isip niya. When he went back to the dining area, Bench and Guess were still talking about her. Tanong kasi nang tanong si Bench tungkol kay Kayela. Nagpunta na lang siya sa sala at nanood ng NBA. Pag-alis ni Doc, pinatawag na naman siya ng daddy niya sa office nito.

"What again?" bungad niya.

"Hindi ko alam kung anong nangyari nung nag-usap kayo kagabi. Sabi ni James, it's just a fever and she'll be fine. It's nothing big-"

"Then what's with the fuss?”

“Nilalagnat daw siya mula pa kagabi. For whatever reason, nadulas daw siya at nalaglag sa pool," madiin ang pagkakasabi ng daddy niya. "Jethro, I am too busy for these tricks you're playing! You know what, you should be the one to take care of her. While we're not around, make sure she takes her medicines. Remember, December break ngayon, our helpers are not around. Even si ate Sally, may emergency. Sasabay lang siya sa akin, kaya nandito pa siya. Malaki na kayo, Jett. Act your age, okay?”

Gustuhin man niyang umangal ay inalisan na siya ng daddy niya. Samantalang siya nga dapat ang mag-walkout, naunahan lang siya. Mag-tatay nga sila.

Napaisip naman siya, Hindi ba siya nag-iisip? Ang lampa niya naman para magkasakit dahil lang kinuha niya ang wallet niya sa pool? Nagsinungaling pa. Nadulas? Gagawa na lang ng istorya 'yung pambata pa. Hindi ko kasalanan kung nagkasakit siya dahil lang doon, kaya bakit ko naman siya aalagaan? So, anong ginagawa ko rito sa harap ng kwarto niya?

Hindi niya namalayan na nandito na siya sa harap ng pinto ng kwarto ni Kayela. Sinubukan niyang kumatok, pero walang nagbukas. Should I just knock this door down?

Nakailang ulit pa siya, pero wala talaga. Hanggang sa maisip niyang may sakit nga pala 'yung tao. Bukas din naman pala 'yung pinto, kaya pumasok na siya at umupo sa upuang nasa tabi ng kama nito. Medyo may kulay na 'yung mukha ni Kayela hindi gaya kanina na sobrang putla.

Inabot niya ang noo ni Kayela at pinakiramdaman. Medyo mainit pa. He saw the wallet from yesterday sa lamesa sa tabi ng kama at inabot.

“Ano bang brand nito, bilhan pa kita ng tatlo. Kung mahalaga naman pala sa'yo, bakit mo ibinato? May utak ka ba? Gamitin mo, baka nangangalawang na.”

Pero napatigil siya sa pang-aasar sa natutulog na Kayela nang makita ang tila nabasang picture sa tabi ng wallet. Parang may kumurot sa puso niya nang makita ang picture ni Manong at Kayela. 

"Ano na namang binabalak mo?" Bigla na lang nagsalita si Kayela habang nakapikit, kaya nagulat siya at agad na binalik ang wallet sa lamesa.

"Gising ka?" tanong niya.

"Hindi ah, kaluluwa ko na 'tong nagsasalita" nakangiting sinabi ni Kayela habang nakatingin sa mga mata niya.

"Should I laugh at that?"

Pumikit ulit si Kayela, akala niya matutulog na ulit, pero nagsalita, "Bigay 'yan ni Papang, Jett.” Tumingin ulit si Kayela sa kanya.

“Iyon na nga, engot ka pala, eh! Tapos ibabato mo sa akin.”

"Kasi gusto kitang makausap. Hindi ko rin naman namalayan na iyan na pala ang naibato ko sa'yo." He can hear the tiredness in her voice. Nanghihina siya. "Kasi gusto kong padaliin 'yung buhay natin pareho"

Napatikhim siya. “That's impossible. Nakalimutan mo na ba 'yung sinabi ko noon? We're like time bombs, we're destined to explode.”

Umupo si Kayela habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Ayaw mo talaga sa akin, ‘no? Hanggang ngayon ang laki pa rin ng galit mo sa akin" tanong nito sa kanya.

"You shouldn't ask the obvious. Simula noon pa. That never really changed. Ganoon ka rin naman." Hinihintay niyang sagutin ni Kayela ang sinabi niya, pero tila hindi naman nito sinagot at sa halip ay binanggit na naman ang plano niya para makaalis sa puder nila.

"Gagawa ako ng paraan para maka-alis dito. Pero habang hindi pa ako nakagagawa ng paraan, magtiisan muna tayo, Jett" dire-diretso nitong sinasabi habang nanghihina pa rin.

"At kailan naman iyon? Stupid. Did you really think dad's gonna allow anything like that to happen? In fact, sa sobrang bilis niyang kumilos, enrolled ka na sa school ko."

"I know. But I can make ways. Pinaglihi ako sa BDO" sabi ni Kayela at pagkatapos ay pinilit na ngumiti. Ngiting hindi niya nakita sa loob ng apat na taon.

"You mean, CDO? You're more like a corn beef, than a bank. Or piggy bank, puwede rin" pang-aasar niya. 

Dumiretso siya sa kwarto niya, nahiga at nag-isip. Hindi puwedeng umalis si Kayela. Siguro ganoon na lang ang galit nito sa kanya kaya desperadong makaalis sa bahay nila. Pwes, sorry na lang. Dahil sa tuwing mas ginugusto niyang mawala ako sa buhay niya, mas ginugusto kong bwisitin siya.

I won't let her go. She can't go just like that, again! Hindi siya puwedeng papasok at lalabas na lang sa buhay ko kung kailan niya gustuhin.

Marami pa siyang gustong gawin. Gaganti pa siya. Apat na taong nawala si Kayela sa buhay niya at ngayong nagbalik na ito, hindi niya hahayaang maging ganoon na lang kadali na mang-iwan na naman siya.

NASA harap na naman siya ng pintuan ni Kayela. Kumatok siya, pero hindi niya na inaasahang may magbubukas.

"Hoy Uhog-" bungad niya sana, pero wala si Kayela sa kama niya.

"Bakit?"

Muntik niya nang mabitawan ang gamot na dala niya. Kung nasa matinong pag-iisip ba naman kasi ang isa ay hindi sana siya ginugulat nang ganoon. "Saan ka ba galing?"

“Sa moon.”

Huminga siya nang malalim, dahil ayaw niyang mauwi pa sa bangayan ang daldalan nila. Ayaw daw ng away, pero hindi naman niya makausap nang maayos.

"Saan ka galing, at bakit pawis na pawis ka?" mahinanon niyang tanong kay Kayela.

"Sa banyo. At hindi 'to pawis. Naligo ako."

“ANOOOOO?! Bakit ka naligo?” Parang sasabog ang utak niya sa inis kay Kayela.

"Naiinitan ako. Mainit 'yung katawan ko. Kailangan kong magpalamig" sabay ngiti na parang nang-aasar.

"Are you trying to kill yourself?" Hindi niya na napigilang bumulyaw. "Kasi kung oo, please not today! Kapag hindi na ako ang bantay mo saka mo gawin ang gusto mo. Come here!" He grabbed her wrist and pulled her back to the bed.

"Umupo ka diyan. Huwag kang aalis diyan, kung ayaw mong makonyatan" sinabi niya at saka pumunta ng banyo para kumuha ng bimpo at palanggana. Pero pagdating sa lababo, iba ang nakuha niya.

"Wow. Flowerful?" sabi niya paglabasa ng banyo, habang nakataas ang kamay na may hawak na bulaklaking underwear.

"Oo. May balak kasi akong magpalago ng garden, eh." Ano pa bang aasahan niya, eh hindi naman naaasar sa ganoon si Kayela. Ibinalik niya na lang ang undies sa banyo at lumapit sa uhugin na nakaupo sa dulo ng kama niya. Pinatong niya 'yung tuwalya sa ulo nito, pero tiningnan lang siya imbis na magpunas ng buhok.

Fine, I'll do it.

Muntik niya nang makalimutan. May kakaibang habit si Kayela tuwing magkakasakit siya. Either magiging sobrang agresibo, emosyonal or magiging sobrang pa-lambing o pa-baby. Basta, the extremes. Kapag magaling na siya, hindi niya na iyon maaalala at iisipin niyang panaginip lang ang lahat. And today, it seems na pa-baby ang konsepto niya.

"Sige na, mahiga ka na ulit" sinabi niya nang matapos punasan ang buhok ni Kayela. Ilalagay niya kasi ang isa pang bimpo sa noo nito.

"Ayoko nga" sabi naman nito habang umaarte na parang bata.

"Isa?" Binilangan niya si Kayela para makaramdam na seryoso na siya, saka dumukwang para abutin ang bimpo na nasa upuan. Pero imbes sumunod, biglang nilapit ni Kayela ang mukha sa mukha niya.

"Kiss muna?" sabi nito habang nakanguso.

Hindi niya alam kung kasama ba 'to sa epekto ng sakit ni Kayela o sadyang inaasar lang siya. Hindi niya pinahahalata pero hindi niya alam kung anong gagawin niya. Mabuti at may katinuan pang natitira sa isip niya kaya nagawa niyang ilayo ang mukha, tumayo nang diretso at itinuloy ang pagbibilang. "Dalawa?"

“Eh~ Kiss ko muna? Hmmm?”

Talagang sinusubukan ba ako nito? Akala niya uurungan ko ang pangaasar niya? Well, she's wrong.

"Ito ba talaga ang gusto mo, ha?" Dumukwang siya at inilapit ang mukha sa mukha ni Kayela. Mas malapit ito kumpara sa kanina.

Nagulat si Kayela at medyo napaatras sa ginawa niya, pero dahil nagustuhan niya ang reaksyon nito, mas nilapitan niya.

"Ano ulit 'yung gusto mo?"

"Uh..." Akala niya siguro matatalo niya ako sa ganito. "Kiss" sagot nito na parang sinapian na naman ng pa-baby na multo.

Bigla siyang natauhan at nakitang sobrang ikli na lang ng pagitan ng mga mukha nila. "Bahala ka nga diyan!" Nilayo niya ang sarili at marahang itinakip ang bimpo sa mukha ni Kayela.

Continue lendo

Você também vai gostar

1.7M 69.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
260K 4.5K 23
Dice and Madisson