8: Can't take it back

660 6 5
                                    

KAYELA

"Ang ganda naman niyan, why don't you wear it today?"

"Ay, hindi iyan isinusuot. Pang-display lang talaga iyan" pagsisinungaling niya kay Elocin.

'Yung bracelet na nakita ni Elocin sa lamesa kanina bago sila umalis ay hindi display. Pero totoo na hindi niya iyon isinusuot. Pitong taon nang nasa kanya ang bracelet na ito pero apat na taon niya nang hindi isinusuot.

Grade 4 siya noon, habang Grade 6 naman si Jett. Pumunta sila sa church kasama ang papang niya at si sir Dominguez. Habang hinihintay ang mga tatay nila, naglalaro-laro lang sila ni Jett.

"Jett panget, laro tayo!"

"Here? Ano namang puwede laruin dito?"

"Ano pa bang puwedeng laruin sa simbahan? Edi kasal-kasalan."

"You're really crazy. We're not supposed to play inside the church, in the first place."

Natatawa siya habang naaalala na bata pa man sila, grabe na kung sungitan siya ni Jett. Talagang makulit lang siya, kaya sa huli wala na ring nagagawa si Jett kundi sakyan ang mga trip 

"So, how do we do that?"

"Hindi ko rin alam, eh. Ano bang ginagawa bago ikasal?"

"Proposal?"

"Eh wala naman tayong singsing?"

Hinubad ni Jett 'yung suot niyang bracelet, "This will do" sabi ni Jett saka lumuhod sa harapan niya.

"Uhugin ka. Pangit ka rin. Kulot 'yung buhok mo. Sakitin ka. But that's not a problem, since we're rich. I could buy the medicines you need. I can also bring you to a surgeon if I want to turn you into Emma Watson."

Napatawa siya nang malakas dahil malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang proposal speech ng batang Jett sa kanya.

"This bracelet should remind you that you can't marry anyone else. Kasi I'll use all my money to punish you! No cheating!"

Malamang bata pa sila noon, at laro-laro lang iyon.

"So, papakasalan mo ba ako, uhugin?"

"Oo na!"

Pero naiinis siya sa sarili, kung bakit dinala niya hanggang ngayon ang pagkakataon na iyon sa buhay niya. Kasi sigurado naman siya na wala lang iyon para doon sa isa. Kaya bakit siya aasa. 

Namula ang pisngi niya nang maalala na nag-kiss din sila sa laro na iyon. At hindi niya mapatawad ang sarili kung bakit umasa siya na ikakasal nga sila, isang araw. Lalo't malabo naman nang mangyari iyon.

"Pa-I do, I do ka pa noon! Sinungaling ka! May Elocin ka na ngayon!" Hindi niya namalayang naihagis niya ang bracelet sa balkonahe ng kwarto niya. Kaya lang pagpunta niya doon ay wala na doon ang bracelet ay mukhang nahulog sa garden sa ibaba. 

Habang pababa sa first floor, maingat siyang nakahawak sa staircase. Madilim kasi at kakaunti na lang ang mga ilaw na nakabukas. 

"BULAGA!!!"

-

JETT

Hindi mawala sa isip niya 'yung sinabi ni Elocin. Totoo naman, eh. Kung umamin siguro siya noon kay Kayela at hindi niya ipinaramdam na wala lang siyang pakialam sa pag-alis nito... baka iba ang naging ending ng araw na iyon.

Pero kahit na! Hindi pa rin dapat siya umalis nang ganun-ganun na lang. 

Isang taon siyang naghintay kay Kayela. Ni isang sulat, wala siyang natanggap. Ni hindi rin siya bumisita. Ni hindi siya naalala. Hindi gumawa ng paraan para magkausap sila.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now