35: At your service

6 0 0
                                    

DESA VISITACION

Naiinis ako kay Kayela. Kitang-kita ko kung paano siyang lumabas mula sa bahay nina Jett. Akala niya siguro maloloko niya ako at mapaniniwalang kina Jea talaga siya nakatira. Puwes, kung inaakala niyang titigil ako nang ganoon-ganoon na lang, nagkakamali siya.

Ngayon, napatunayan ko nang nakatira nga sila sa iisang bahay. Ang kailangan ko na lang malaman ay kung bakit.

Aside from that, gusto ko rin malaman kung bakit ginagawa niya na naman ito ngayon. Bakit niya tinanggap 'yung juice? 'Wag niya sabihin gagawin niya talaga iyon para sa akin.

"You don't have to do this, Kayela" paulit-ulit kong bulong ko sa kanya.

"Sino bang nagsabi sa'yo na iyon ang gagawin ko?" pagkasabi niya nun, she did something that was very unexpected.

Binuhos niya sa mukha ni Neptune 'yung juice na hawak niya. Pati si Saturn at Mars nagulat sa ginawa niya. And probably, everyone na nakakita sa ginawa niya pare-parehong hindi inaasahang gagawin niya iyon.

"Ha-how de-dare you!!!" sigaw ni Neptune at akmang susugurin na naman si Kayela. Buti na lang at pinigilan siya ng mga kaibigan niya. "Who do you think you are?! Walang kahit sinong gagawa sa'kin nito!"

"Iyon din ang pinagtataka ko" sagot na naman ni Kayela. "Sino ka nga ba? Bakit natitiis ng mga tao 'yung mga pinaggagagawa mo? Kung mayroon mang hindi dapat nandito sa Williams, baka kayo 'yon. Mga wala kayong breeding! Buti na lang mayaman kayo, kasi kung mahirap na nga kayo ang gagaspang pa ng mga ugali niyo, ano na lang kayo?

"Oh my god, squatter! What did you just- Bastos ka rin naman-"

"Hep-hep! 'Wag na 'wag mo 'kong matawag na bastos, dahil 'di hamak na mas bastos ka sa'kin! At tutal nagkaka-bastusan na rin tayo dito, magkalubus-lubusan na tayo! Wala akong pakialam kung saang mga planeta man kayo nanggaling! Pero tigilan niyo na si Desa, dahil hindi na ako magdadalawang isip na sirain 'yang mga pagmumukha niyo! Oo galing ako sa squatters area, kaya kung bastusan lang, hindi niyo ko kaya."

You have no idea what you're getting yourself into, Kayela. I know Neptune so well. At alam kong hindi siya magpapatalo. Kung ako lang, sigurado namang makakalimutan nila ako. Pero si Kayela, hindi basta-basta 'yung ginawa niya.

Pero, ano naman ang pakialam ko. Hindi ko naman sinabi sa kanya na makialam siya. Bahala siya, dahil ginusto niya naman iyan.

"I-send mo yan sa lahat ng classmates natin. Utos yan ni Neptune" bulong nung isang classmate ko sa isa pa naming kaklase. Nasa likod ko lang sila kaya naman rinig na rinig ko ang pinag-uuspan nila habang nagkaklase kami.

At malakas ang kutob kong magsisimula na ang kalbaryo nitong si Kayela. Pero bakit ganun, parang kinakabahan ako? Nahinto ako sa pag-iisip nung nag-vibrate 'yung phone ko.

"4PM. Tomato party for Kayela Alejandro, Section 2" sabi doon sa text na galing sa isang unknown sender.

Tumingin ako sa upuan sa harapan kung saan nakaupo si Kayela, na noo'y abalang nakikinig sa teacher namin. Wala siyang kaide-ideya sa puwedeng mangyayari sa kanya.

Nagmadali akong lumabas sa klasrum dahil ayokong madamay sa mangyayari mamaya. May mas mahahalagang bagay ako na kailangang gawin kaya tumambay na lang muna ako sa library para basahin 'yung mga file na pinadala ni tito sa akin.

Papunta na ako sa parking lot nung nakita ko 'yung apat na nasa waiting shed. Don't tell me, hinihintay nila si Kayela?

-

KAYELA ALEJANDRO

Nasa kuwarto na ako at nagpupunas ng braso nung dumating si Desa kasama 'yung apat.

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon