34: Trojan War

7 0 0
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Jea, salamat talaga. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Desa, buti nalang nandyan ka."

"Hello, para saan pa't naging magkaibigan tayo" sagot ni Jea. "Ipagdadamot ko pa naman ba 'tong maliit na kuwarto na 'to sa'yo" sabi niya pa.

"Pasensya ka na kung-"

"Oo. Ayaw ko talaga sa babaeng 'yun. Pero hindi naman kita matitiis, eh. Tsaka kung makatutulong 'to para maitago ang sikreto mo... S'yempre tutulungan kita. Oh siya, mag-aayos muna ako. Nakakahiya naman kasi sa kaibigan mong sosyalera."

"Tutulong ako" sabi ko.

"Hindi na, abangan mo na lang siya sa labas ng gate" sabi niya.

Tumango na lang ako. "Pero tawagin mo 'ko pag kailangan mo ng tulong ah" sabi ko sa kanya.

Nasa labas na ako, at handa ng buksan yung gate nung saktong may kumatok naman. Akala ko si Desa na pero nagulat ako dahil hindi siya 'yung taong nakita ko.

"Mac? Anong ginagawa mo rito?!" Nagulat ako nung imbis na si Mac ang sumagot, eh sumulpot sa gilid niya si Jett.

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" bungad ni Jett.

"Anong- anong ginagawa mo dito?!"

"Kayela, si Desa na ba-" Hindi rin natapos ni Jea ang sasabihin niya pagsilip niya sa pinto. "Anong ginagawa niyo dito?!"

"Teka nga! Teka!" singit ni Mac. "Ano ba 'tong ginagawa nating lahat! Magtatanungan na lang ba tayo rito!?"

Pinapasok ko yung dalawa at sinara yung gate. "Ano ba kasing ginagawa niyo rito!?"

"Ewan! Si Jett tanongin mo" sabi ni Mac. "Jea, painom naman ng tubig, nauuhaw na ako" sabi niya naman kay Jea kaya pumasok na sila sa loob.

"Sinong nagsabing puwede kang makitulog sa ibang bahay?!" bungad ni Jett nung wala na 'yung dalawa.

"Sino bang nagsabing bawal akong matulog sa ibang baha-"

"Hindi ka ba kuntento sa bahay at kailangan mo pang makitulog sa iba?"

"Emergency lang naman, eh-" Wala akong matapos-tapos na pangungusap dahil salita siya ng salita.

"Hindi ka man lang nagpapaalam. Hindi mo man lang iniisip 'yung mga mag-aalala sa bahay!"

"Eh hin-"

"Hindi pa 'ko tapos magsalita!" putol na naman niya sa sinasabi ko! Ako nga walang natatapos, eh! "Babae ka, gawain ba ng matinong babae 'yung pagtulog sa bahay ng ibang tao? Bakit hindi ka nagpahatid kay Mac? Sa mga driver?"

Hindi ko na natiis ang bibig ko, kaya sumagot na ako.

"Hoy Jett, bakit ba umaarte ka na parang tatay ngayon? Ano bang pakialam mo? Kung makaasta ka kala mo naman talaga nag-aalala ka!"

Iyon kasi 'yung nararamdaman ko, eh. Na sa unang pagkakataon, nag-alala siya para sa akin. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong may pakialam siya.

"Hindi ka talaga nag-iisip eh 'no? Anong sasabihin ko kay dad kapag sa akin siya nagtanong. Nakalimutan mo na bang kay daddy ka ibinilin ni manong, at sa akin ka ibinilin ni daddy?"

Sabi ko na talaga eh, madi-disappoint lang ako.

"Kaya umuwi na tayo-" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nung tinakpan ko 'yung bibig niya. Naaninag ko kasing may tao sa labas, na kutob ko ay si Desa na.

"Sssh" mahina kong sabi saka ako sumenyas na tumahimik siya. Dahan-dahan kong tinanggal 'yung kamay ko sa bibig niya. "Hindi ka niya puwedeng makita" bulong ko sa kanya.

I love you but I hate youNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ