29: With me

536 3 2
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Bilisan mo ngang maglakad!!!" Paanong hindi babagal, eh nanginginig sa takot.

"Mabilis ka lang talaga maglakad kumpara sakin!" sagot ko.

Matagal na nung nagpaalam ako sa mundo. At ngayon magpapaalam ulit ako, at mukhang hindi na ako makakabalik ng buhay.

"Sakay na" sabi niya nung makarating kami sa baybayin, kung saan may naghihintay na bangka sa amin. "Ano, 'di ka sasakay? Lalanguyin mo?"

"Sandali naman!" sabi ko dahil medyo tinulak niya ako sa bangka. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Wag ka nang maraming tanong. Sumakay ka na! Paano kami makakasakay ni kuya?!"

"Wag ka nang sumakay. Languyin mo" sabi ko, pero tinulak na naman niya ako papasok sa bangka. Para na akong kariton nito, kakatulak niya. Wala nang ibang nakasakay bukod sa aming dalawa at sa driver? (Ano bang tawag sa nagbabangka, banker?)

Ano ba kasing binabalak nitong si Jett? Sabi ko na talaga, may pinagpaplanuhan ito, eh.

"Jett..."

"ANO NA NAMAN!?"

"Anong na naman? Ngayon pa lang ako magtatanong, ah? May regla ka?!"

"Ano nga kasi 'yon?" tanong niya.

"Puwede magtanong?" tanong ko ulit.

"Ano pa bang ginagawa mo?" Tingnan mo talaga itong asungot na ito. Talaga lang talaga.

"Eh baka kasi hindi mo sagutin ng matino, tulad niyang ginagawa mo!"

"Ang sabi mo puwede bang magtanong. Hindi ko na obligasyong sagutin 'yan. Ano ba kasi 'yon!?"

"Saan nga kasi tayo pupunta?! Anong gagawin natin?!"

"Tumingin ka sa paligid mo, 'yon ang gagawin! Wag ka nang magtatanong kung ayaw mong pugutan kita ng ulo!!!"

Sinunod ko siya, tumingin ako sa paligid. "WOW~~~ Ang ganda~~~" Sobrang asul nung tubig. Ang linaw. Ang daming isda. Ang linis. 

May nilusutan kaming makipot na daan, tapos puro gubat yung magkabilaang side. May mga nakalawit-lawit na halaman. Nung makalabas kami sa kipot, may mga batuhan kaming nadaanan. Tapos huminto kami sa tapat ng bundok.

"Tara!?"

"Ha?"

"Sasama ka ba o maiwan ka na lang diyan kay kuya?" sabi niya sa akin.

Syempre kung magagahasa man ako mas pipiliin ko nang si Jett kaysa si kuya, ano. Hays, nasisira na pag-iisip ko dahil sa bwisit na si Jett. Napapa-rape joke ako, isinusumpa ko sarili ko.

"Eto na nga, eh!" sabi ko at bumaba na ako ng bangka.

"Kuya, 6pm okay?" sabi niya kay banker.

Pag-alis ni banker, niyaya na ako ni Jett. "Ano, 'wag mo sabihin sa'king aakyatin natin 'yan?!"

Ngumiting aso siya, "Bakit, natatakot ka?!" 

Gusto ko sana sabihin sa kanyang, "Sa'yo ako natatakot, hindi sa pag-akyat sa bundok."

Nauna na siyang umakyat kaya napasunod na lang ako. Wala naman siyang kakaibang ginagawa habang umaakyat kami. Kaso nakakapagod... "Jett..."

"Ano ba 'yon!!!" Sipain ko kaya siya! Galit na galit na lang palagi.

Pinigil ko ang galit ko, "Pagod na 'ko. Pahinga muna tayo."

"Ayoko. Tara na!"

"Nauuhaw na 'ko eh!" Tumalikod ako sa kanya, at umupo. Bahala siya.

"Oh!" Nakita ko na lang na may bote siyang tinapat sa mukha ko. "Nakainom ka na, tara na!"

"Ayoko! Pagod pa ako, ang sakit ng paa ko! Sana sinabi mong aakyat tayo ng bundok, sana hindi ako naka-tsinelas 'di ba?!"

Bigla siyang lumuhod patalikod sa akin. "Tatae ka?" tanong ko sa kanya.

"Sumakay ka na!"

"Eh? Ayaw!"

"Ang arte! Papasan ka o bubuhatin na lang kita?"

Pagsabi nun, aktong tatayo na siya, kaya pumayag na ako. Pinalupot ko sa leeg niya yung mga braso ko. Sinubukan kong huwag huminga para hindi siya mabigatan.

Kaso nabigatan pa rin siya. "Ang bigat mo!" sabi niya nung tumayo na siya.

"Eh kung sakalin kaya kita diyan?!"

Hindi na siya nagsalita at binuhat na lang ako. Kaya ba niya? Hindi naman ito ang unang beses na ipasan niya ako, pero bakit ganito yung pakiramdam ko? Siguro, dahil bata pa ako nung huli niyang gawin ito.

"Hoy, ano nginingiti-ngiti mo diyan? Dagdag bigat kaya 'yan!" sabi na naman niya. Kahit kailan panira talaga ng moment. "We're here" sabi niya at bigla na lang akong binitawan. "Aray" sabi niya nung nasakal ko siya. "Grabe, ang bigat mo!"

"Bakit kasi pinasan mo pa 'ko!"

"Buti nga pinasan kita eh!"

"Bakit! Sinabi ko bang ipasan mo 'ko papunta dito!? Bakit kasi sinama-sama mo pa ako! Ano ba talagang gagawin-"

"Pwede ba tumahimik ka na lang, at i-appreciate mo yung nasa paligid mo" sabi niya sa boses na parang pagod na pagod na.

"WOW~~~" nasabi ko nung nakita ko yung paligid namin. "Ang ganda~~~ Dinala mo ako rito para makita 'to?!"

"Hindi. Para may pang-shield ako pag dumating na yung mga lobo."

Umupo kami at pinagmasdan ang kalakihan ng dagat. Ang lawak. Walang dulo... Bilog nga ang mundo...

"Madami ka nang nadala rito?"

"Wala pa" sagot niya.

WOW. Ano ako, invisible?

Tahimik na lang kami pareho nun. Inabutan niya lang ako ng tubig at tinapay. Tapos tinanong niya na naman ako kung anong oras na.

"Aba malay ko!!"

"Nasaan 'yung relo mo!"

"Hinubad ko!"

"Cellphone?"

"Iniwan ko!"

"HA?! Anong klase ka ba ng tao!!!" Tumingin siya sa relo niya, "Wag ka nang kukurap, malapit na." 

Asungot na ito, may relo naman pala. Tanong pa ng tanong, makapang-bwisit lang talaga eh.

Diretso na lang ang tingin niya nun, kaya ginaya ko na lang siya.

"WOW~~~"

Ngayon ka lang nakita kung paanong lumubog ang araw. Nakita kong parang kumikinang yung dagat nung lumulubog yung araw.

"Picturan natin?" sabi ko sa kanya.

"Bakit?"

"Bakit ba pinipicturan ang mga bagay?! Malamang para makita mo ulit!!!"

Saglit niya lang akong tiningnan, tapos tumingin na ulit siya harap.

"Hindi na 'to magiging ganun kahalaga kung kukuhanan mo ng litrato" sabi niya. Naintindihan ko naman kung anong ibig sabihin niya. Minsan talaga, may pagka-malalim yung asungot na ito.

"Come here again."

"Ano?"

"If you want to see this again, come here again. With me."

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now