9: Her again

644 4 0
                                    

JETT

Gising na kaya iyon? Nakatulog naman kaya siya nang maayos after what happened last night? Kasi ako hindi. Siguro naman nakakain na iyon.

"Mr. Dominguez, Are you finish already?"

Oo, malamang kumain na iyon.

"MR. DOMINGUEZ, TAPOS KA NA BA!?"

"OO kumain na 'yun!"

Narinig niya ang tawanan ng blockmates niya. Tumigil lang sila sa pagtawa nang tignan niya na nang masama. Pinakamalakas pa ng tawa ang mga kaibigang niyang sina Amiel at Mac. Buti na lang at walang pakialam si Tyrone na nakatingin lang sa kawalan.

"Buti naman na nakakain na siya, kasi ako hindi ako nakakakain nang maayos para lang gawin 'yang test items niyo. Kaya kung ako sa'yo tapusin mo nang maayos 'yang exam kung gusto mong may ipakain ka sa kung sinoman 'yung iniisip mo" galit na galit na sermon ng professor nila.

"Kumain na ba 'yon, Mac?" Hanggang sa corridor, hindi pa rin siya tinatantanan nina Amiel at Mac sa pang-aasar. 

"Oo kumain na 'yun!"

"Tigilan niyo nga ako. Sisipain ko na kayong dalawa diyan."

Nagtatawanan lang sila habang naglalakad papunta sa building nina Elocin. Pero pagdating doon ang daming tao sa hallway kaya nahirapan silang dumaan.

"Asan na 'yung best friend mo?" tanong ni Mac sa kanya.

"Ewan. Sabi niya, nandito lang daw siya eh. Asan na ba siya?"

"GUYS!" Sabay-sabay silang napalingon nang marinig si Elocin. Lumapit sa kanila si Elocin habang may hawak na flyer. Iniharap ni Elo sa kanila 'yung hawak niyang flyer at agad naman nilang naintindihan kung anong gusto niyang sabihin.

WEU Factor. Get a chance to win a trip to Ocean Adventure for 8 people.

"Hoy Elo! Huwag mo nga kami tinitignan nang ganyan. Hindi mo kami mapapasali diyan" agad-agad sinoplang ni Amiel 'yung ideya ni Elocin.

"Dude, naiisip niyo ba ang naiisip ko na naiisip nitong si Elo?" sabi naman ni Mac.

"I'm out" ang mga unang kataga na narinig nila mula kay Tyrone ngayong araw. 

"Lalo naman ako" sagot niya rin.

"Wala pa nga, ganyan na kayo. C'mon guys, why don't you give it a try?" pamimilit ni Elocin sa kanila.

"Let's go, ikain mo na lang baka gutom lang iyan" yaya niya kay Elocin sabay hitak sa braso nito.

"Wait lang, kasi. Look, hindi niyo pa yata nababasa 'yung prize oh. 

"Bibigyan kitang pera, 'wag mo na kaming pasalihin diyan. Tara na, I'm starving" sabi ni Amiel kay Elocin.

"Right. Or kung gusto mo talaga, ikaw na lang sumali at susuportahan ka namin" pangaasar naman ni Mac.

"Ang sama niyo. Gusto ko lang naman na mag-bonding tayong lima! Pang-walong tao pa nga iyan, oh. Puwede pa kayo magsama ng mga chix niyo yie"

Sa huli, naglakad na lang palayo 'yung apat kaya wala na rin nagawa si Elocin.

-

KAYELA

Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na panaginip lang iyon at hindi talaga nangyari.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now