47: Five seconds

387 1 2
                                    

MACKANZIE AUSTRIA

Maga-alas onse na nung nagsara sila. Ang bilis ng oras, hindi ko namalayan.

"Let me give you a ride" sabi ko sa kanya nung nasa labas na kami. Kanina pa kasi kami nag-aabang ng tricycle, pero walang dumadating.

"No need sir Mac" tanggi niya. "Alam mo, mauna ka nang umuwi."

"I insist. Baka kung ano pang mangyari sa'yo. Kunsensya ko pa."

"Pero-"

"Oh c'mon, Jea. No more buts!"

Sa huli wala na siyang nagawa kundi pumayag. Nakatayo kami sa gate ng compound nila, dahil nagpapaalam na ako, nung biglang bumuhos ang ulan.

"Hala, pumasok ka muna sir Mac!!! Bilis!!!"

Pinapasok niya muna ako sa bahay nila. Ang usapan namin, patitilain lang ng kaunti yung ulan tapos saka niya ako pauuwiin.

Nakita kong may text message ako mula sa kapatid kong si Matthew.

"Kuya, where are you? Dad brought home another girl. I even saw them kissing. Mom, too. It hurts to see them, kuya. Mom is being so stupid again, cooking for them. I really hate these people! Why don't we just leave papa. Kuya, can't you come home? You're the only one who could send them out! Kuya, umuwi ka na. Please."

That bastard! Kailan ba siya titigil?!

Gusto kong umuwi. Pero hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag umuwi. Baka hindi ko makontrol ng maayos ang sarili ko. Mukhang kina Amiel na naman ako matutulog ngayon.

"Alam mo bang naiinlove lahat ng tumititig sa'kin?" sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Napansin ko kasing tinititigan niya ako.

"Ang kapal" sabi niya saka inilayo ang tingin sa akin. "Gu-gusto mo bang kumain?"

Tingnan mo itong babae'ng ito. Nahihiya rin pala.

"Okay lang ako" sabi ko sa kanya. "Pero Jea, nalaman na natin yung side nung kaibigan namin. 'Di ba't oras naman para malaman natin yung sa kaibigan mo?"

Umupo siya sa kabilang dulo ng kahoy na salang inuupuan ko.

"Alam mo, matagal na kaming magkakaibigan ni Jett. At kahit kailan hindi ko pa nakita yung ganitong katauhan ni Jett. Tipong nag-aaway sila palagi, pero kitang-kita pa rin yung saya niya. Si Kayela lang ang binibigyan niya nang ganung atensyon. Para siyang iba tao pagdating kay Kayela... Masaya ako para sa kanya, pero I'm kind of jealous too."

"Huh? Bakit naman?"

"Mas marami akong naging babae, kumpara kay Jett na wala naman kahit isa. Pero kumpara sa saya na nararamdaman niya, walang-wala ako."

Nakatingin lang siya sa akin, habang nakikinig.

"Love" sabi ko sa kanya.

"Anong love?"

"Hindi ako naniniwala sa love" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Maybe because hindi ko pa nararamdaman ang pakiramdam na 'yon, kahit kailan. Or maybe just because I don't really want to. Kahit kailan, hindi ko pa rin naramdamang magmahal. I don't think I'm capable of loving."

"Ang imposible naman nun, sir Mac! Natural sa isang normal na tao ang magkagusto."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Sinasabi mo bang abnormal ako?" Natawa lang siya sa tanong ko. "Bakit ikaw, naramdaman mo na bang mahalin? Nagmahal ka na ba?"

"Oo. Kahit crush lang, wala ka?!"

"Hindi ko nga alam kung paano magkagusto!!!"

"Eh hindi naman iyon ginagawa, eh! Hindi 'yon step-by-step! Nararamdaman mo na lang 'yon!" sigaw niya rin. "Pero kasi minsan ang tao, matigas ang ulo. Ayaw umamin sa pagibig. Baka naman kasi ayaw mong magmahal?"

"Ayoko lang masaktan at maging martyr."

"Masasaktan ka naman talaga kapag nagmamahal ka, eh. Mahal mo kasi, kaya masakit. Mas gugustuhin ko namang magmahal, kaysa walang maramdaman. Masaktan na kung masasaktan, eh ganoon talaga eh! Parte ng buhay 'yon. Paano magkakaroon ng rainbow, kung hindi uulan?"

Napangiti ako sa pagsasalita niya. Pero magkaiba kami ng buhay. Nasasabi niya lang ito dahil wala siya sa katulad na sitwasyon ko.

"Paano ba malalaman kung gusto mo na ang isang tao?" tanong ko sa kanya.

"Hm, depende kasi sa tao kung paano nilang narerecognize yung feelings nila. Minsan gusto mo na ang isang tao, hindi mo pa alam. May mga pagkakataong nalalaman mo na lang kapag nawala na siya, kapag nakuha na ng iba. Minsan talagang nararamdaman mo na lang, kasi yung katawan mo na yung nagsasabi sa'yo."

Hay naku...

"I've never imagined myself talking about this. Alam mo ba yung kapangyarihan ko, Jea?"

Pinanlakihan niya lang ako ng butas ng ilong.

"I can make a girl fall for me, in just a matter of 5 seconds."

Natawa muna siya nung una, pero naging seryoso din sa sinabi ko. "Sabagay, posible naman talagang mahulog ang isang tao sa loob ng limang segundo. Pero isa lang ang sigurado ako... Hindi kayang lumimot ng tao, sa loob ng limang segundo."

Tumingin siya sa akin bago magsalita ulit.

"Ang unfair, ano? Ang daling magmahal, pero mahirap lumimot..."

Ano bang malay ko. Ang alam ko lang, pinaka-mahirap ang magtanda ng pangalan ng mga babaeng...

"Salamat sa pagpapatuloy, Jea. Mahina naman na ata yung ulan sa labas-"

Hindi ko natapos yung sinasabi ko nung biglang tumili si Jea.

"Bzzzzrzngnngng!!!"

"Ano 'yon, sir Mac?!"

"Can't you tell? Kidlat, ano pa ba?"

"You mean, kulog?" pagtatama niya sa akin.

Sumilip kami sa labas, at nakita naming mas lumakas pa ung buhos ng ulan.

"Actually, sir Mac, puwede ka pa naman mag-stay, eh. Hindi pa naman kita pinapaalis..."

"Gusto mo bang makasama ako ng mas matagal pa?" biro ko sa kanya. Pero imbis na sumagot, tahimik lang siya habang nakatakip ang mga kamay sa tainga. "Biro lang, Jea! Alam mo, sige na. Aalis na ako-"

"Mauulanan ka!"

"Nakakotse ako."

"Madulas yung daan, maaksidente ka pa."

"Edi babagalan ko yung pagmamaneho" sabi ko sa kanya. "Any other excuses?" sarkastiko kong sabi sa kanya.

Teka, hindi kaya takot sa kulog itong si Jea?

"P-puwede bang dito ka muna? Habang hindi pa tumitila yung ulan. P-pwede samahan mo mu- muna ako?"

May feminine side rin pala si Jea?

-

KAYELA ALEJANDRO

Niyaya niya akong umuwi. Iyon pala magpapasama lang sa mall, para bumili ng kung ano. Pinauna niya yung service ko, dahil sabi niya susunod na lang kami sa pag-uwi.

Nung nabili niya na yung bibilhin niya, naglakad na kami papunta sa parking lot. Pero bigla na lang kumulog.

"Bzzzzrzngnngng!"

Lumakas din yung ulan, kaya tumayo muna kami sa bungad nung mall para magpatila. Pero habang tumatagal, padami rin ng padami yung tao, at palakas nang palakas yung ulan.

Naisip ko na baka mairita siya sa sikip dahil sa dami ng tao.

"Takbuhin na natin 'to!" sabi ko sa kanya.

"Ayoko!"

Ang arte niya kaya naghintay pa kami ng kalahating oras.

"Kanina pa tayo nandito. Umuwi na tayo!"

"Titila din 'yan" sabi niya pa.

"Tumawag ka na lang kasi-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nakita ko yung ibang expression sa mukha niya.

"Bzzzzrzngnngng!!!"

Nagulat ako nung biglang kumapit si Jett sa braso ko nung kumulog ulit.

Shoot!!! Nakalimutan ko.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now