39: Ang engot nilang dalawa

550 5 2
                                    


DESA VISITACION

I had no idea about that side of him. I don't know why, but more than feeling angry and hurt... inggit ang nararamdaman ko kay Kayela. Naiinggit ako sa lugar niya kay Jett.

At imbis na galit ang maramdaman ko kay Jett, paghanga pang lalo ang nararamdaman ko. Not romantically but admiration and respect as a person. Akala ko kilala ko na siya at minahal ko siya sa pagkakakilala ko sa kanya.

Pero ngayon ko pa lang pala siya nakikilala.

Ang nakakatawa... dahil minamahal ko pa rin siya. Hindi ito agad mawawala. Pero malaking bagay na para sa akin na pagkatiwalaan niya ako sa bagay na iyon. Kung mas maaga ko lang sigurong nalaman, baka hindi nangyari ang mga ito.

Mula sa labas ng kuwarto ni Kayela, narinig ko ang pag-uusap nila ni Tyrone.  "Anong magiging reaksyon mo kapag nakita mo siya ngayon?"

"Wala naman akong galit o kahit na ano kay Desa" narinig kong sagot ni Kayela sa kanya.

"Iyan ang problema sa'yo, eh. Ang lambot mo masyado, hindi ka pa rin napapagod."

"Hindi ka pa rin naman nagbago, ah" sagot ni Kayela kay Tyrone. "Hanggang ngayon, ganyan pa rin ang sinasabi mo sa'kin."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit ba binulag ko yung sarili ko, dahil sa selos ko kay Kayela.

"Totoo nga siguro, na habang tumatanda tayo, pabawas ng pabawas yung mga kaibigan natin."

Parang may kumurot sa puso ko, dahil sa sinabing iyon ni Kayela. Itinuring niya akong kaibigan, pero ito yung ginawa ko sa kanya.

"Hindi totoo 'yan. We don't really lose friends, as we grow old. We just realize who the real ones are."

Hindi na ako nakatagal. Kumatok ako at binuksan ang pinto. Nakita ko si Tyrone na nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama ni Kayela.

"Pwede ko bang makausap si Kayela?" tanong ko kay Tyrone. Tumingin siya kay Kayela, at tumango naman si Kayela sa kanya.

Masama yung tingin niya sa akin nung dinaanan niya ako sa pinto, pero hindi na lang ako nagpaapekto.

Tahimik lang kami pareho nung umupo ako sa upuang inuupuan ni Tyrone kanina.

"Sorry Kayela... I'm very sorry!"

Nakayuko lang ako habang umiiyak nung maramdaman kong hinawakan ni Kayela yung dalawang kamay ko na nakapatong lang sa tuhod ko. Saka lang ako tumingin sa kanya.

"Nagawa ko lang naman 'yon, dahil akala ko nilalandi mo talaga si Jett. Gusto ko naman talaga si Jett, nagsinungaling lang ako sa'yo."

Pinaliwanag ko sa kanya lahat-lahat, kung paano ko nakilala si Jett. Yung mga ginawa ko, para mapalapit kay Jett. At yung mga ginawa ko sa kanya nung akala ko inaagaw niya si Jett sa akin.

"Akala ko may gusto ka rin kay Jett, at nilalandi mo siya. Kaya nga nagalit ako sa'yo. Pero ngayon, alam ko na yung dahilan kung bakit ka nandito. Okay lang din sa'kin kung may nararamdaman ka para kay Jett, o wala. I just realized that he doesn't deserve someone like me. Hindi ako yung babae na nararapat sa kanya."

Nakita ko yung pagkalito niya nung tumungin ako sa mata niya.

"Kakaiba talaga siyang lalaki. Kaya sobrang suwerte ng taong magugustuhan niya. At least, napatunayan kong magaling akong pumili ng lalaki. Kaya kahit hindi siya para sa'kin, I'll be happy if he end up with someone he deserves and someone who deserves him."

"Hindi ko alam kung anong sasabihin, Desa..."

Umiling ako.

"You don't have to say anything. You've done so much for me, Kayela. Yung pagligtas mo sa akin nung nagpapanggap akong nalulunod. Nung mga panahong pinagtatanggol mo ako kina Neptune. All these time, I was just fooling myself. I knew that you were genuinely a kind person. But because of my jealousy, I made myself believe that what I was doing was right. Kahit mali naman talaga. Umabot pa tuloy tayo sa ganito. Ang dami kong nagawang masama sa'yo."

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now