15: Lugaw

571 5 6
                                    

KAYELA ALEJANDRO

Ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi katulad ni Jett, madali naman pakisamahan 'yung mga kaibigan niya. Hindi rin ganoon kasama 'yung klase na napasukan ko. Si Elocin lang ang kausap ko kasi parang may mga sariling mundo 'yung iba naming kaklase. May nakausap akong isa pang kaklase pero hindi ko na maalala ang pangalan niya. Ang naaalala ko lang, pinag-iingat niya ako sa 'powerpuffgirlsgeneratiom" o kung ano man iyon.

Kanina sa practice room, palaging magkadikit sina Elocin at Jett. Pero hindi tulad nung inaasahan kong mararamdaman, parang ayos lang naman. Wala akong nararamdaman na hindi maganda kapag nakikita ko silang dalawa.

Napagkasunduan naming 'We'll be a dream' ang kantahin para sa W-Factor. Kanina sa praktis, ang saya-saya kasama nina Mac at Amiel. Kanina rin, may napansin ako kay Elocin. Ayokong lagyan ng ibang ibig-sabihin pero hindi ko maiwasang mapansin na iba ang tingin niya kay Tyrone. Iba rin siya makipag-usap kay Tyrone. Kumpara kina Jett at doon sa dalawa, iba ang trato niya kay Tyrone. Eh kasi naman si Jett! Hindi siya malambing kay Elocin. Kung titingnan nga, parang wala lang silang dalawa. Natural lang. Parang magkaibigan lang.

Hindi ko pa nakakasama nang magkakasama 'yung mga kapatid, kaya naisip kong yayain silang mag-dinner. Kasama na rin si Mr. Dominguez. Nalungkot din kasi ako nung nadatnan ko kagabi si Guess na mag-isang kumakain sa kusina.

"Ganito talaga dito, ate Kayela. May kanya-kanya kaming buhay. Kakain lang kami ng sabay-sabay kapag may ibang tao."

Nung gabing iyon nalulungkot ako habang nagkuwento si Guess ng kung anu-ano tungkol sa kanya. 15 years old pa lang siya, pero kung magsalita siya parang ang tanda-tanda niya na.

"Ang ganda-ganda mo na lalo, Guess. May boyfriend ka na ano?"

Ngumiti lang siya sa tanong ko na iyon. Pero hindi niya rin natiis. Sinabi niyang mayroon, pero minsan niya lang makasama dahil ayaw ni Mr. Dominguez sa taong iyon.

"Pinagalitan niya ako kanina, dahil nakita niya raw kami habang papunta siya sa mall."

Nun ko naisip kung bakit bigla na lang akong tinanong ni Mr. Dominguez nung nasa kotse kami. Siguro nun niya nakita si Guess kasama ang boyfriend niya.

Sa tingin ko, kulang lang sa pagsasama-sama sina Mr. Dominguez, kaya hindi ganoon kaayos ang relasyon niya sa mga anak niya. Katulad dati, kakaunti kasi ang oras niya para sa pamilya. Pero hindi ko siya masisisi, dahil alam kong ginagawa niya lahat para sa pamilya niya. Kaya ko rin naisip na maganda kung kakain kami ng sabay-sabay ngayon, tutal kakauwi lang din ni Mr. Dominguez kani-kanina.

Una kong pinuntahan si tito, kasunod si Bench. Hanggang sa napadpad na ako sa kuwarto ni Jett. Kumatok ako sa pinto niya. "Hoy Jett!!!" Ang tagal niyang buksan kaya paulit-ulit akong kumakatok at nagsisisigaw sa harap ng pinto niya. Nanlaki na lang ang mata ko pagbukas niya ng pinto.

Nakatapis ng tuwalya at nagpupunas ng buhok gamit ang isa pang tuwalya. Topless. Iyan ang imahe ni Jett na bumulaga sa akin, pagbukas niya ng pinto. Gusto yata akong gayahin.

"Laway mo" sabi niya nang isara ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay.

"ANO KA BA NAMAN!!! Wala ka talaga manners!!! Magbihis ka na nga! Tapos bumaba ka na!" Nakakahiya! Nakakahiya!

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumunta sa kwarto ni Guess. Kaso nung nalaman niyang hindi lang ako ang kasabay niya, tumanggi siya. Sinubukan ko siyang pilitin, pero mukhang ayaw niya talaga.

Pagbaba ko, nadatnan namin ni Bench na nag-uusap na sina Mr. Dominguez at Jett sa hapag-kainan.

"Oh Kayela, hali na kayo. Kumain na tayo" biglang sabi ni Mr. Dominguez nung makita niya kami ni Bench.

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon