33: Strike 2

7 0 0
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Kailangan ba kitang pansinin?"

Strike 2.

Nakakailan ka na Kayela, bibinggo ka nang talaga.

"Galit ako sa'yo kanina, kaya 'di kita pinansin."

Anong bago? Kailan ba nawala 'yung galit niya sa akin? Bakit ba kasi nagtataka pa ako.

"Tama lang" sagot ko sa kanya. "Ayoko rin naman na malaman ng mga tao sa campus na may kaugnayan ako sa'yo. Lalong-lalo nang 'wag mong sasabihin kay Desa na nasa iisang bahay lang tayo!"

"Bakit ko naman kakausapin kung sino mang Desa 'yon."

"Ano ba, 'yung kaklase ko! 'Yung nakasama natin sa Ocean Adventure."

"Pakialam ko? Bakit naman ako makikipag-usap sa hindi ko kilala?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Wala naman talaga siyang pakialam kadalasan sa kung sinong nasa paligid niya.

"Do you really think na kaibigan ang turing sa'yo nun?"

Nairita ako bigla sa tono ng pagkakasabi niya. Napatigil ako sa pagliligpit ng first aid kit, saka siya tinignan. "Anong sabi mo?"

"Ito ang tatandaan mo" seryoso niyang sabi. "Hindi ka dapat makipagkaibigan sa kahit na sino sa Williams. Hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa mga tao doon."

"At bakit naman?"

"I-reserve mo na lang 'yang nararamdaman mong affection para sa ibang tao. Tapos ang usapan."

Hindi ko siya masisisi kung ganyan siya mag-isip. Nasa lugar naman kasi siya para magkaroon ng trust issues.

"Alam mo dati, kapag gumagawa ako ng crafts, tinitipid ko 'yung pintura. Pero 'di nagtatagal at tumitigas hanggang hindi ko na magamit. Ang puso daw ng tao, parang pintura. Tumitigas kapag hindi ginagamit... Iyon ang problema sa'yo Jett, takot na takot kang magtiwala sa ibang tao."

"Paano akong magtitiwala sa mga tao. Kung iniiwan at sinasaktan ako palagi ng mga taong pinagkakatiwalaan ko!"

'Yung mommy niya ba ang tinutukoy niya o ako?

"Lalapitan ka lang ng mga tao sa Williams para gamitin ka. Maraming puwedeng maging motibo ang mga tao sa'yo simula nung sumali ka sa W-Factor kasama kami."

Sarili na naman niya iniisip niya.

"Gagamitin ka lang nila para mapalapit sa amin. O kung may masama silang balak sa amin—"

"Hindi ko alam kung bakit ako bawal makipagkaibigan para sa kapakanan niyo. Hindi ko maintindihan, Jett. Pero kahit ano pang sabihin mo, kakaibiganin ko ang kahit na sinong gusto ko!"

"Bahala ka kung gusto mong masak-"

"Hindi. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko."

Sarili na naman niya ang iniisip niya. Wala lang talaga ako sa kanya. Paano naman ang nararamdaman ko!

Eh ano pa ba nga bang ipinagtataka ko? Eh ganito naman talaga siya sa akin! Hindi na ba matatapos ang awayang 'to? Naiinis ako sa kanya! Inis na inis! Hindi na siya nagbago. Once a monster, always a monster. Maghintay ka lang Jett, makakaalis din ako rito.

Pagbaba ko sa sala, nakita kong natutulog sina Tyrone at Amiel sa sofa. Siguro nauna nang umuwi si Mac, dahil palagi naman siyang ganun.

Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.

Tumatawag na naman si Desa.

"Desa?" sabi ko pagkasagot ko sa tawag niya. Pero imbis na salita, iyak niya 'yung narinig ko. "Desa, bakit ka umiiyak?!"

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now