43: All children grow up, except for one

422 1 2
                                    

TYRONE LIM

I've known them since we were kids. We basically grew up together, that's why I was so sure na imposible ang iniisip ni Jea. Kumpiyansa rin akong mapatutunayan kong mali siya.

That's what I thought. Pero sa nakikita ko, bakit gusto kong aminin na baka mali nga ako at maaaring posible nga ang sinasabi ni Jea.

"You may now kiss your bride" sabi nung organizer kay Jett.

"Ha?!"

Sabay na nagulat yung dalawa.

"Oh dalian mo na, nang matapos na 'to!" nagpapanic na hinampas ni Kayela si Jett habang naiilang na nakapikit.

And it was the very first time I saw that expression in his face while looking at Kayela whose eyes were closed. It was quick kiss on her cheeks, but for me it felt like a lifetime.

Tito Syn called me here for his wedding tomorrow. Pero ito ang nadatnan namin pagdating namin sa chapel.

"Eeew!" pang-aasar ni Jett kay Kayela while wiping his lips.

"Yuck!" sagot naman ni Kayela while wiping her cheeks too.

Nasa harapan kami ng pagkain pero nothing can stop them.

"Mas kadiri kang uhugin ka!"

"Nasaan? Nasaan 'yung uhog? Pauso ka!"

They seem normal with each other, even after the kiss. Normal lang kaming kumakain. Normal na nag-aasaran 'yung dalawa as if they have their own world.

Did they really have to kiss? But, why am I even putting a meaning to that simple kiss?

I guess, I'm feel a little bit pressured dahil sa mga sinasabi ni Jea. Or maybe I was just jealous. Do I still like her?

I was destructed in my thoughts when my phone rang.

"Tyrone" bungad ko sa caller but nobody answered. I even checked kung nasagot ko na talaga 'yung tawag... napindot ko naman na. "Hello?"

Wala pa ring sumasagot.

"Who's this?" tanong ko na naputol nung may narinig na akong boses mula sa kabilang linya.

"Oh there you are El-" The call suddenly ended.

"Well, maybe we could do some fishing" sabi ni Mac. Pagbalik ko sa lamesa, kung ano-anong yayaan na ang ginagawa nila.

"Great idea! Sinong sasama?" tanong ni Amiel habang nakataas pa ang kamay.

"Ako" sagot ni Jea.

Nagtinginan 'yung tatlo sa amin nina Jett at Kayela.

"Fine, wala naman akong gagawin" sagot ni Jett.

Jea looked at Kayela, who looked like she's not interested.

"Huwag niyo nang isama 'yan, matatakot lang 'yung mga isda" singit ni Jett.

"Edi ikaw ang hindi dapat sumama! Mas matatakot sila sa'yo!" sagot ni Kayela kay Jett.

Pagtingin ko doon sa lima, sa akin na sila nakatingin. "What?" I asked them.

"Don't tell me, hindi ka sasama?" tanong ni Amiel. Umiling ako kay Amiel. "Dude naman!" singhal ni Amiel.

Doon nagsimula ang pangungulit nila sa akin na sumama sa kanila.

"I'm feeling tired. I need to sleep" sagot ko sa kanila saka tumayo.

Narinig ko pa 'yung sinabi ni Mac bago ako umalis, "Hindi ka ba napapagod sa kakatulog?" Napaisip naman ako. Bakit nga ba hindi ako napapagod sa katutulog.

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now