40: Kaya siguro siya tumawa

526 5 4
                                    

KAYELA ALEJANDRO

"Sir, please naman po. Mahalaga po kasi 'yung kasal na iyon para sa'kin. Ngayon pa lang po ikakasal si tito Syn."

"Malamang Alejandro! Bakit, muslim ba 'yung tito mo para ikasal sa sampu?"

Kanina ko pa pinipilit 'yung adviser namin na bigyan ako ng advance homeworks at projects, pero ayaw niyang pumayag. Sa lahat ng teachers ko, siya na lang ang hindi pumapayag.

"Excuse me" singit ng kung sinong lalaki na tumabig sa akin mula sa likod. "Sir I have to talk to you about something really important."

Teka, si hoody-guy ito ah? Himala, hindi siya naka-shades ngayon.

"You heard that, Alejandro" sabi bigla ni sir sa akin. "We have some important things to talk about. So if you wouldn't mind, go out in my office right now 'cause my answer's still a no."

"Pero sir-"

Kung inaakala niyang mapapaalis niya ako nang ganoon-ganoon na lang, nagkakamali siya. S'yempre hindi ako aalis hanggat hindi niya ako pinapayagan.

Maya-maya pa sumingit na si hoody-guy. Siguro hindi na kinaya ang kadaldalan ko.

"Sir, I suggest na payagan mo na siya. I don't think makakapag-usap tayo, I am telling you."

Nangingialam na naman itong hoody-guy na ito. At bakit kung kausapin niya 'yung teacher ko, eh para silang magkaano-ano.

"Fine, Alejandro. I'll send you the files. Now go, shu-shu. Labas, bilis."

Napangiti ako nung narinig ko yung sinabi ni Sir. Tumingin din ako doon sa lalaki at binigyan siya ng "thank-you-look" na agad naman niyang tinugunan ng "you're-welcome-look"

Kumabog lang yung dibdib ko nung bigla niya akong kinindatan. Pero hindi naman ako masyadong naapektuhan dahil nasasabik akong lumabas sa tuwa dahil pumayag na ang adviser ko.

"Tito Syn!!!" bati ko kay tito Syn na nadatnan ko sa sala pag-uwi ko galing sa iskwelahan. Nagkamustahan kami, at hindi magkamayaw sa sobrang dami ng kwentuhang ginawa namin.

"Hindi ka ba binubully ni Jett dito?"

"Hindi naman po ako magpapatalo sa kanya, tito" pabiro kong sagot sa kanya.

"Inaasahan ko nang sasabihin mo 'yan."

Matapos makapag-empake sa kuwarto, agad na akong bumaba. Medyo nakakahiya nga dahil ako na lang pala ang hinihintay.

Naupo ako sa tabi ni Bench sa likuran. Si Guess nasa tabi ni tito Syn na siya namang magmamaneho para sa amin.

Naging matiwasay ang biyahe. Hindi naman ako naaway ni Jett, dahil napagigitnaan kami ni Bench. Siguro wala rin siya sa mood, dahil hindi niya ako kinausap mula sa Baliuag hanggang makarating kami sa hotel.

Pinagpahinga lang muna kami ni Tito Syn at binigyan ng oras para sa sarili namin. Suwerte ko nga dahil may beach sa likod nung hotel. Sariwa rin ang hangin. Kahit pa nga nasa 24th floor ako, parang gusto kong talunin 'yung beach.

Gusto ko sana magpahinga, pero hindi matahimik ang isip ko hanggat alam kong marami akong nakatambak na school works. Kaya ayun, nagbawas-bawas ako.

Natapos ko 'yung Trigonometry, Physicsonti at kaunting items sa Economics.

Nakalimutan kong hiramin 'yung laptop ni Guess kaya hindi ko pa matapos 'yung ibang kailangan kong gawin.

Tumunog ang cellphone ko. Ano naman kaya ang problema nung kumag?

"Ano?" bungad ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Pakialam mo ba?"

I love you but I hate youWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu