18 Farewell, Elocin

602 4 3
                                    

ELOCIN CHUA

"Ta- ta- Tyrone?"

Pagdating ko sa kusina, nakita ko siyang nakatayo malapit sa veranda. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Itinaas niya 'yung hawak niyang tasa para ipakita sa akin.

"Ah..."

"Ginising ako ni Kayela. Hintayin ko raw siya rito." I finally figured out. Baliw talaga si Kayela... "Iba pala yung plano niya" sabi pa niya.

"Huh?" sabi ko dahil hindi ko narinig nang malinaw 'yung sinabi niya.

"Gusto mo ng kape?" tanong niya.

"Uh- yes please." He asked me too sudden, napa-oo na lang ako.

Pumasok siya papunta sa pantry habang umupo naman ako sa duyan sa veranda. I wanted to drink milk, pero nakakahiyang magsalita. Walang nagsasalita sa amin, kahit nung iabot niya na yung tasa sa akin, at umupo sa tabi ko. Nagtaka ako dahil gatas yung nasa tasa ko. Pero hindi na ako nagsalita, at saka humigop para matikman ang tinimpla niyang gatas.

"She's too silly" sabi niya na lang. "Sabi niya bababa ka para uminom ng gatas."

"Uh... you knew?"

"Oo, sabi niya hintayin ko siya. Pero ikaw 'yung sinabi niyang iinom ng gatas. Magpapakulo na lang ng ganito, madudulas pa." Natawa ako sa sinabi niya. "Elocin..." tawag niya sa akin habang deretso pa rin ang tingin. "Do have something to tell me?"

Naku! Imposible namang inunahan na ako ni Kayela, right? Ang sabi niya, ako ang kailangang magsabi. Gosh, gosh. Should I do it now? Is it the right time? Well, there's no time left. Ito na lang ang meron kami.

"Ang chances mo ngayon, parang hangin. Isang beses lang dadaan sa'yo. Grab it while it's there. Kasi oras na makadaan na 'yon, mahirap nang pabalikin." Kayela's voice is echoing inside me.

"Actually... Tyrone... Um, I- I ah..." Mas lalo akong hindi nagkapagsalita nung lingunin niya ako. No! Kaya mo iyan! Come on, Elocin! "Gu- gusto kita!"

Wala siyang reaksyon?

"I said I like you, Tyrone."

Nakatahimik lang siya nang ilang sandali, habang nakatingin sa akin. Hanggang sa makita kong bumuka na ang bibig niya. "Alam ko."

"Wha- what?!" Nilayo niya ang tingin niya sa akin, saka sumagot

"Hindi ako manhid. Nararamdaman ko."

"Wha-what's this..." Imbis na siya yung masurpresa, bakit ako yung hindi makapaniwala ngayon. So technically, hindi ko pala confession time ito. Sa kanya pala ito. "Kailan? Kailan pa?"

"It doesn't matter. What I'm about to tell you is more important." Ibinaba ko 'yung hawak kong tasa dahil baka kung anong magawa ko, kapag hawak koi yon. "Iba 'yung nararamdaman ko para kay Kayela. I know I may sound like a fxckboy, but you're special to me Elocin."

"What-"

"Do you really think na nakiupo ako sa'yo two years ago, just because wala nang ibang upuan?"

"I don't understand you, Tyrone."

"I've been watching you, Elocin. At first I thought that you're just like me. The old me. That time, I was trying to forget about her. I was trying to make myself believe that she never happened. I was able to get over her thanks to someone. But it just happened that she really did happen, and she's back..."

I am supposed to be hurting now. Pero wala akong maramdamang galit.

"Tuwing ihahatid kita, lagi akong nagmamadaling magtago sa kung saan. Because I wanna hear the things you say kapag akala mo wala na ako."

OMG! This is so embarrassing!!!

"I don't know why, pero gustong-gusto kong marinig mula sa'yo... na mahal mo ako. But I am sorry, Elocin. Call me asshole. But now that she's back, at lahat nung akala kong nawala na.... bumalik lahat-lahaht. To be honest, I don't know what to do."

"How do you feel about me?"

Ito na lang ang gusto kong malaman. Sapat na sa akin na malaman lang kung anong nararamdaman niya para sa akin.

"You're important to me. I wanted to fall for you... Pero hindi ko iyon magawa-gawa, kasi hindi ako buo... I'm so sorry-"

"Don't be. This is more than enough for me. Sapat na sa akin, na makausap kita nang ganito katagal, ganito kalapit, bago ako umalis."

"Can you... by any chance, keep this for me?" Paglingon ko sa kanya, may hawak siyang necklace. "Give it back, the next time we meet."

-

"ANG SAYA MO NA NIYAN?" reaksyon ni Jett nung ikuwento ko sa kanya 'yung napag-usapan namin ni Tyrone, kaninang madaling araw. Pero hindi ko sinabi sa kanya lahat.

"Sssh, tone down! Baka marinig nila tayo" bulong ko kay Jett habang nasa kabilang upuan 'yung apat. "Pero mas malakas pala ang loob ko sa'yo! At least ako, napatunayan ko na."

"Magkaiba tayo ng sitwasyon-"

"Stop making up excuses. You can actually do what I did. Malay mo magustuhan mo rin 'yung magiging resulta."

"Shut up" bitaw na naman niya sa paborito niyang linya.

"Mam Elocin, kailangan na po nating umalis" sabi ng assistant ni mommy.

"Um, okay. Tell mom that I'll be there in a bit" sabi ko. Bumulong ulit ako kay Jett, "Hindi mo sinabi sa akin 'yung tungkol kina Tyrone at Kayela. Kaya hindi ko rin sasabihin sa'yo yung nalaman ko."

Niyakap ko siya nang hindi na siya makasagot. Tapos magkadikit kong niyakap sina Mac at Amiel, "Hey guys. 'Wag niyong hahayaang maghiwalay sina Jett at Kayela, okay?" Hindi man nila naiintindihan ngayon. I know someday, they will.

Nilapitan ko si Kayela na nagsisimula nang umiyak, "Sayang, kaunting panahon lang 'yung pinagsamahan natin. Pero salamat pa rin sa lahat."

Napatingin ako sa katabi niyang si Tyrone. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, kaya nilahad ko na lang ang kamay ko. Handshake lang sana ang gusto ko, pero nagulat ako nung hindi niya pinansin 'yung kamay ko, at niyakap na lang ako.

Bago tuluyang pumasok, tumingin muna ako sa kanila. Parang kailan lang nung nakilala ko 'yung apat na iyon. Pero ngayon ko pa lang sila nakikilala talaga.

Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng matinding desire na balikan ang isang lugar na iiwan ko. Babalik ako. At sana sa pagbabalik ko, kanya-kanya na naming naipanalo 'yung battles namin.

Alam kong simula pa lang ito ng kwento. Goodbye, everyone. See you again, next time.

I love you but I hate youOù les histoires vivent. Découvrez maintenant