13: Never knew he could smile

612 4 2
                                    

ELOCIN CHUA

Napag-usapan naming magkita-kita sa cafeteria dahil nagsabi si Jett na nakita na ni Tyrone si Kayela. As always, ang galing talaga niya sa mga ganitong bagay... Sa lahat ng bagay.

"Elo!" Hingal na hingal na dumating sina Mac at Amiel. "Nasaan si Jett?"

"Hindi ko alam, kakarating ko lang din dito. Here, drink some" sabi ko sa kanila sabay abot nung dalawang bottled water na binili ko kanina.

"Oh, ayun na si Jett" turo ni Amiel kay Jett na tumatakbo rin papunta rito.
Paglapit niya, inabutan ko rin siya ng tubig.

"So sina Tyrone na lang ang hinihintay natin" sabi ko.

"Anong sabi ni Tyrone?" tanong ni Mac kay Jett habang nakaupo na kami.

"Wala. Sabi niya lang nakita niya na raw si Kaykay, tapos saan daw niya dadalhin. Kaya sabi ko dito."

Naghintay kami nang ilang minuto hanggang sa dumating na si Kayela. "Kayela!!!" pagtawag ko sa kanya nung makita ko siya.

"Oh! Elo?"

Lumapit siya sa amin at ngumiti lang dun sa dalawa. Si Jett naman, parang timang na nakatingin sa kung saan. Too obvious.

"We've been looking for you-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may baliw na sumipa sa paa ko. "By the way, ano bang nangyari sa'yo?"

Pinaupo ko siya sa harap ko sa tabi ni Amiel, sa harap ni Jett. Katabi ko si Jett, habang nasa kabila niya si Mac. Iniwan ko talaga 'yung space sa harap ko para kay Tyrone.

"Medyo naligaw lang ako. Ang laki naman kasi nitong school niyo!" sabi niya at saka tumawa.

I noticed that her hair was kind of messed up, so I simply offered a hand, "Suklay, gusto mo?"

Medyo hinawakan niya yung buhok niya saka tinanggap yung suklay ko, "Salamat. Nagmamadali kasi akong pumasok. Nakalimutan ko na."

"May mga babae palang nakakalimot magsuklay?" sabi ni Amiel.

"Hindi naman babae 'yan" sabi nung isa habang may hawak na papel. Para kunwari may ginagawa siya. He's so funny. Just a while ago, papasabugin niya na 'yung University kapag hindi niya pa nakita si Kayela.

"Oh, wait. Since wala namang balak si Jett na ipakilala sila sa'yo, ako na lang ang gagawa" sabi ko kay Kayela. At saka sinimulan ang pagpapakilala doon sa dalawa.

Tumayo ako at pumunta sa likod ni Kayela, at hinawakan siya sa dalawang balikat. "So guys, this is Kayela. Um, Alejandro? Kababata siya ni Jett, at scholar ng mga Dominguez. Doon siya nakatira kila Jett, at classmate ko siya."

"Classmate kita?" tanong niya, na sinagot ko lang ng tango.

"Kayela, this is Mackanzie Austria. Pinaka-chic boy iyan sa kanilang apat."

"Hey, what are you saying?!" pagputol ni Mac sa sinasabi ko. Saka nilahad ang kamay kay Kayela, "Huwag kang maniniwala. Mga girls ang kusang humahabol sa'kin. Call me Mac."
"Ah... Okay."

Pinagpatuloy ko na yung pagpapakilala ko. "This one's Amiel Veracruz. He's a tough guy so if you're having any trouble, just tell him. Bubugbugin niya 'yun para sayo."
Sa sinabi kong iyon, may bato na namang nagsalita, "Tss, eh haragan din naman 'yan. Hindi na niya kailangan ng tulong. Walang magbabalak na awayin siya."

Hindi na lang namin pinansin ang side-comment niya.

"Teka, nasaan nga pala si Tyrone. Siya yung nakahanap sa'yo 'di ba? Bakit wala siya dit- Oo nga pala, Kayela. Yung nakahanap sa'yo, si Tyrone Lim iyon. Ipapakilala ko siya-"

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now