42: Count me in

467 4 7
                                    

JEA ALCANTARA

"Anong meron?"

Sa totoo lang, mas tamang tanungin ko kung 'Bakit wala' Pero baka hindi ako maintindihan ni Pao kung ganoon ang tanong ko.

Nagulat kasi ako na ang aga-aga pero biglang nawala 'yung mga customer namin.

Imbis na sumagot, tumuro lang si Pao sa likod ko. Nun ko nakita sina sir Amiel at Mac na nasa labas ng shop, tipong naghihintay habang nakasandal sa kotse.

Hinubad ko 'yung apron ko, saka sila nilabas. "Anong meron?" tanong ko sa kanila. Sandali silang nagtinginan, kaya nagsalita ulit ako. "Mahal ang oras ko, kaya sabihin niyo na kaagad kung ano 'yung ipinunta niyo."

"Magkano ba 'yung oras mo? Kasi 'yung sa shop niyo, bayad na. Hiwalay pa pala 'yung iyo?" Hindi ko naintindihan 'yung pinagsasabi ni sir Mac. "We have some unfinished business, so you'll have to come with us" sabi niya saka ako biglang hinila pasakay sa kotse.

At dahil wala na akong nagawa, at alam kong wala naman silang gagawing masama, tahimik na lang akong sumama. Tumigil kami sa isang bar. Pinagbuksan ako ni sir Amiel, na mas may manners kumpara kay sir Mac.

Pagpasok sa bar, wala namang ibang tao bukod sa mga nagtatrabahong bartenders at naglilinis doon.

"Have a seat" sabi ni sir Amiel, habang nakaturo sa isang couch. "What drink do you prefer?" tanong niya.

"Hindi ako umiinom, sir Amiel."

"Okay, I'll just get you snacks" sabi niya saka tumayo. Pero hindi pa man nakakalakad nilingon niya na naman ako. "Also, stop calling me sir. Wala naman tayo sa shop niyo. And even if we are, I'm not that comfortable with it. Magkaibigan naman 'yung mga kaibigan natin, kaya para na rin tayong magkaibigan, Jea."

Napangiti ako sa kanya. At dahil mukhang ikapapanatag ng kalooban niya kung titigilan ko na ang pagtawag sa kanya ng "sir", eh nagbiro na lang ako.

"Ang haba naman ng sinabi mo, Amiel."

Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Minsan na nga lang ako magkakalinya sa kUwento na 'to, hindi mo pa ako pagbibigyan" sabi niya saka umalis na para kumuha ng mangunguya.

"Sir Mac!" tawag ko sa kanya nung natanaw kong nakapuwesto siya malapit sa entrance at abala sa cellphone niya. Lumapit naman siya nung tinawag ko siya. "Simulan na natin 'to, para makabalik ako agad sa shop. Walang katulong si Pao. Tsaka anong business ba sinasabi niyo? Kung makikisosyo kayo sa lugawan, hindi ako ang dapat na kinakausap niyo."

"That wasn't really funny" sarkastiko niyang sabi.

"Hey Mac, I thought you were thinking of extending this one? Masyado nang masikip 'yung lugar na 'to sa dami ng tao gabi-gabi" sabi ni Amiel na may kasunod na waiter na may dalang pagkain at inumin.

"Wala akong oras. Hayaan mo na silang magsiksikan, para mas intense" sabi ni sir Mac na tumabi sa amin ni Amiel.

"Bakit?" tipid na entrada ni sir Tyrone, pagkapasok na pagkapasok niya ng bar.

"Guys relax" sabi ni Mac. "Huwag nga kayong nagmamadali. May isang buong araw tayo para rito."

Umupo si sir Tyrone sa tabi ni Amiel.

"Siguraduhin niyo lang na hindi niyo inistorbo ang tulog ko para sa wala" malamig niyang sabi.

"Fine, let's get it on" sabi ni Amiel.

Huminga muna ng malalim si sir Mac bago siya magpaliwanag.

"Well, it's about our friends" pagsisimula niya. "Just so you know Ty, kaming tatlo, nagkaroon kami ng mission para kina Jett at Kayela."

I love you but I hate youWhere stories live. Discover now