10: Too late

622 7 2
                                    

KAYELA

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto, at luminga-linga para siguraduhing walang tao sa paligid. Dahan-dahan siyang sumilip sa hagdan para makita kung nandoon pa rin sina Jett. Mabuti na lang at wala na, kaya mabilis siyang bumaba sa hagdan at pumunta sa garden habang palinga-linga pa rin.

Mabilis naman niyang nahanap ang bracelet dahil may dala siyang flashlight. Kahit naman kasi galit siya sa nagbigay ay pinapahalagahan niya pa rin ito. Magagamit ko ito sa kasal niya, isusungalngal ko ito sa kanya.

NAGPAPATUYO SIYA NG BUHOK nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mokong. Pero higit siyang nagulat nang tignan siya nito mula ulo hanggang paa. Doon niya lang napagtanto, nakatapis lang siya.

Agad niyang isinara ang pinto at mabilis na nagbihis saka binalikan ang mokong. "Anong kailangan mo?" 

Pero imbes na sumagot ay dire-diretso lang itong pumasok sa kwarto niya. "Hindi pa ako kumakain."

"Nasa akin ba 'yung kaldero?" Parang hindi na siya naririnig ni Jett na nagtuloy-tuloy lang papunta sa balkonahe. Siya naman ay bumalik lang sa tapat ng bentilador at hindi na lang pinansin ang mokong.

"Aaaaahhhh~~~ Burrrrrraaaaa~~" Kahit anong tawag sa kanya ni Jett, hindi niya pinapansin. "Ah~~ Abbbbraaa~~~ Kadaaaa~~ Bracxcxkskcskkkkkkkkk-" Napatigil siya sa pag-iingay nung biglang namatay ang bentilador. Pagdilat niya, nakita niya si Jett na hawak 'yung plug. Wala na siyang nagawa nung hinila siya ni Jett papunta sa balkonahe.

"Oh ano, tititigan na lang natin 'yung pagkain?" tanong niya nung nakaupo na sila nang medyo matagal at wala namang sinasabi o ginagawa 'yung isa. Dahil gusto niyang matapos na lang at mapaalis niya na ang mokong, nagdasal lang siya nang maikli at aktong kakain na. "Akala ko ba hindi ka pa kumakain."

"Busog a-- Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sinubuan niya ng isang kutsarang kanin.

"Anong busog-busog. Maarte ka lang, eh." Inilagay niya sa kamay ni Jett ang kutsara. "Gusto mo pa sinusubuan."

Hindi na rin naman nagmatigas si Jett at sinabayan na siya sa pagkain. "Hoy" sabi nito maya-maya. Patuloy lang siya sa pag-kain nang hindi sinasagot 'yung isa, "Kaykay..."

Doon na siya napatigil. Ngayon na lang kasi siya ulit tinawag ni Jett sa pangalan na siya lang ang tumatawag. Bigla tuloy na hindi siya makatingin sa isa. Naiilang siya kaya napabilis nang napabilis ang pagsubo niya sa pagkain.

"Dun sa nangyari kagabi-"

"ASFGHJKKKKKKK-" Nabilaukan siya. Agad niyang inabot ang baso ng tubig at uminom. Bakit naman bigla-bigla niya na lang babanggitin iyon.

Nanlaki na naman ang mata niya nang maramdaman ang kamay ni Jett na mahinang kinakabog ang likod niya. "Hoy, ayos ka lang?" 

Naiinis siya nung makita si Jett na imbes mag-alala ay parang natatawa pa sa nangyari.

"Okay na ako, okay na" sabi niya habang itinataboy ang kamay nito sa likod niya. "Kalimutan mo na lang iyon. Hindi naman big deal sa akin." Talaga lang, Kayela? "Kaklase mo ba 'yung mga nandito kanina?" pag-iiba niya ng usapan at para hindi na rin gawing issue ni Jett.

"Ahead lang kami ng dalawang taon kay Elo. Fourth year high school siya, like you" sagot nito sa kanya.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Elo?" 

"Bakit gusto mong malaman?" Fail. Ang sungit na naman ni Jett. Gusto niya lang naman malaman dahil hindi niya nagawang itanong kay Elo nung nakaraan. Pero hindi niya na ipinilit dahil baka isipin nung isa feeling close siya. "Saan kayo galing ni daddy kanina?" tanong niya.

I love you but I hate youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt